CHAPTER 47
ANDREW POV
Habang nasa byahe kame papunta sa lugar kung saan pumunta sila nessa ay nagdadasal ako , Hindi na din mapakali si Tito Dominic dahil ang dalawang anak Niya ay andun . Sana naman ay okay lang si Nessa , Sana naman walang nangyaring masama sa kanila.
Mabilis kameng nakarating sa abandonadong gusali , pinalibutan ng mga pulis ang buong lugar at yung iba ay dahan dahang pumasok pa loob. Kahit hindi kame pinayagang Sumama ay sumunod pa din kame ni Tito para lang makita agad namin sila Nessa.
Napatakbo kame ng may sumigaw at at narinig kameng putok ng baril.
Nessa ?
Mula rito sa kinatatayuan namin ni Tito ay kitang kita ko kung paano natamaan at bumagsak sa semento si Nessa yakap ang kapatid niya.
Hindi kame makalapit dahil baka barilin ulit sila ng leo Villafuerte na yun. Tiningnan ko si Tito , galit na galit siya
" Daddy ! Narinig naming sigaw ng lalaki sa may pinto , si Kevin na may hawak hawak na baseball bat at puro sugat ang buong katawan.
Hindi pinansin ni leo si Kevin at bumaling siya kila Nessa , yakap yakap pa din ni Nessa si baby Jessica.
Napasinghap ako ng biglang kalabitin ulit ni Leo ang gatilyo ng baril.
" Wagggggg ' sigaw ni Kevin at hinarangan niya ang Bala na Sana ay tatama kay nessa , dahan dahan siyang napabagsak sa semento dahil sa bala na tumama sa may dibdib niya.
" D-daddy , itigil niyo na ang ginagawa niyo ' utal utal na sabi ni Kevin sa daddy niya bago ito nawalan ng malay
" Taas ang kamay " sabi ng mga pulis na kararating lang sa mismong pinangyayarihan dahil hindi sila agad nakapasok dahil baka may gawing hindi maganda ang Leo Villafuerte na yun sa magkapatid.
Isa isa na silang nilagyan ng posas at Mabuti nalang hindi na sila pumalag , medyo tulala ang tatay ni Kevin na nakatingin pa din sa kanya.
" Mga anak ko ' sigaw ni Tito Dominic palapit kila Nessa
" Ambulansya , tumawag kayo ng ambulansya ' tarantang sigaw ni Tito sa mga pulis
Napatakbo agad ako palapit sa kanila " tend koooooo ! ' Sabi ko habang kalong kalong si Nessa na duguan at Wala ng malay.
" Gumising ka na please " Sabi ko pa habang tinatapik tapik ang pisngi niya pero hindi na talaga siya nagising.
" D-daddy , si a-ate N-nessa " umiiyak at nanginginig sa na sabi ni Jessica habang nakaturo sa ate niyang buhat buhat ko , namumutla siya.
Paglabas namin ng gusali ay isinakay namin agad ng ambulansya si Nessa at si Kevin at iba pa sa ibang ambulansya. Punong puno ng dugo ang uniform ko.
" Kaya mo yan Nessa , andito lang ako sa tabi mo " Sabi ko habang hawak hawak ng mahigpit ang kamay niya.
Pagkarating namin sa hospital ay agad pinasok sa emergency room si Nessa para tanggalin ang bala sa katawan niya. Hindi ko na alam kung saan dinala si kevin dahil kay Nessa ako naka focus. Ginagamot na din ngayon si Baby jessica dahil sa mga gasgas na natamo niya.
" Iho , nasaan ang mga anak ko ? Tanong ni tita Janice sa akin dahil kanina pa ako paikot ikot dito naghihintay na dumating ang doctor
" Nasa loob pa si Nessa tita , si baby Jessica Naman po ay kasama ni Tito nagpapahinga ' turo ko sa isang kwarto
' ako na muna bahala dito tita ' Sabi at patakbong lumapit si tita sa mag ama niya.
'' kuya kumusta si ate Nessa ? Tanong ng kapatid ko habang hinihimas himas ang likod ko para kumalma
BINABASA MO ANG
He's Crazy In Love With Me
Random[COMPLETED] ✓ Paano kung isang araw e 'yong lalakeng galit na galit sa 'yo noon kahit wala ka namang kasalanan sa kanya e biglang sabihin sa 'yo na, "Gusto kita, mahal na kita?" Maniniwala ka ba? Paano kung gusto mo maniwala pero takot ka ng magti...