ANDREW's POINT OF VIEW ★
"ANDREW SARMIENTO!" Sigaw ni Daddy sa akin, siguradong galit na naman siya, tinawag ba naman ako sa buong pangalan at pati apelyedo kasama.
"Tsk Dad, magba-basketball lang kami ng mga barkada ko." Inis na sagot ko kay Dad.
" Walang kasama ang kapatid mo dito, pagdating na ng Mommy mo ikaw umalis para may kasama si Andrea dito. Sige na, male-late na ako sa meeting ko."
Okay, tsk!
Nasaaan na ba si mommy, sobrang tagal naman niya dumating.
"Hello tol, hintayin niyo na lang ako sa court. Oo, pupunta ako, hinihintay ko lang mommy. Wala kasing kasama si Andrea dito e. Oo, sige sige." Kausap ko si Lester sa phone.
"Anak, Andrew, Nandito na ako, Nasaan ang kapatid mo?"
Yes! Nandito na si Mommy, mabuti naman.
Napatakbo ako kaagad pababa ng marinig ko mommy.
"Mom, natutulog pa si Drea, bakit ang tagal mo po Mom? Kanina pa kita hinihintay, may pupuntahan lang po ako."
"Alam mo namang traffic 'Nak e, saan ka ba pupunta? " Tanong ni mommy sa'kin.
"Basketball lang ako 'Mie, kanina pa nga nila ako hinihintay e." Sagot ko ng nakasimangot.
"Sige, ingat anak. I love you."
"I love you too 'Mie." Sabay halik sa pisnge ni Mommy at tumakbo na ako kaagad palabas.
" 'Tol, mabuti naman nandito ka na, HAHAHA! bakit ganyan na naman mukha mo? Pinagalitan ka na naman ni Tito 'no?" tanong ni Lester, kaibigan ko
''Ano pa ba? Palagi naman ako pinapagalitan no'n, wala na namang bago dun e, laro na nga tayo."
Nakakainis!
Pass
Dribble
Three Points!
sisiw na sisiw ang laro ah HAHAHA!
"Lester !" Tawag ko.
"Oh bakit 'tol ? Mukhang wala ka na naman sa mood ah?" sabay pasa sa akin ng bola.
Sa sobrang pagkainis ko binato ko yung bola sa malayo at * Toinks! *
"Aw, Sapol!"
Sigawan ng mga barkada ko, ano bang pinagsasasabi nila?
Paglingon ko kung saan tumalsik ang bola, nakita ko 'yong isang babae na tinamaan pala sa ulo,tsk! Hindi kasi umiwas, tatanga-tanga! Ang dami-daming dala, maglalayas ba yun??
"Mga 'tol, aalis na ako. Next time nalang ulit."
"San ka pupunta 'tol?" Tanong ni lester.
"Bahala na, siguro puntahan ko na lang si Lexie, makikipag-ayos ako."
"Sige 'tol, ingat. Sana maging okay na kayo niyang girlfriend mo."
---
"Ano 'to? Siya ba? Siya ba iyong ipinalit mo sa'kin? Kaya ba ayaw mo ng maayos 'to? Kaya ba biglang hindi ka na nagparamdam? Haaa!? Sumagot ka!!!"
"So-Sorry babe, I-Im sorry."
>🎸
BINABASA MO ANG
He's Crazy In Love With Me
Random[COMPLETED] ✓ Paano kung isang araw e 'yong lalakeng galit na galit sa 'yo noon kahit wala ka namang kasalanan sa kanya e biglang sabihin sa 'yo na, "Gusto kita, mahal na kita?" Maniniwala ka ba? Paano kung gusto mo maniwala pero takot ka ng magti...