CHAPTER 35
ANDREW POV
Monday , gumising ako ng 6 am. Naghanda lang ako ng extrang damit para sa practice
" Mommy , asan na si Drea ? Baka malate na kame " tanong ko kay mommy
' Nauna na siyang pumasok , kanina pa nga e ' sagot ni mommy
" Ah Sige Mie , pasok na din po ako " Sabi ko kay mommy at humalik na sa pisngi niyaPinara ko ang tricycle na dumaan at sumakay papunta sa school , Hindi ako nagdala ng kotse ?
Pagdating ko ng school ay hinanap ko agad ang kapatid ko , asan na ba yun ?
Papunta na Sana ako ng tambayan ng makita kong Iumapit si Nessa kay Drea at yumakap , parang umiiyak siya. Ano bang nangyari ?
May sinabi si Drea at nakita kong nagpunas ng luha si Nessa at pumasok na ng room.Hindi ko alam na close pala sila ng sobra , may problema kaya si Nessa ? Hindi ako mapakali sa kakaisip dahil kita kong tulala siya habang klase , malalim ang iniisip niya at parang wala sa sarili . Tinanong siya ng Prof namin pero nakasagot siya kahit hindi siya nakikinig.
Pagkatapos ng klase namin ay balak ko siyang kausapin pero nagpapaalam pa lang ang Prof namin ay nauna na siyang lumabas at nakita ko ang kapatid ko na naghihintay sa kanya , saan kaya sila pupunta ?
" Tol una na ako , may pupuntahan lang ako ' Sabi ko at pinuntahan ang dalawa
" 7-11 " Hindi ko masyadong marinig ang pinag uusapan nila pero halata ko sa mga mata nila na pabagsak na ang luha. May problema nga si Nessa . Kelangan ko siyang makausap .
Palabas na sila ng store kaya tumalikod ako para hindi nila ako makita.
Kahit nakasalamin si Nessa ay kita kong namumula ang mga mata niya , halata nga na umiyak siya.Hindi pa tapos ang last subject namin ay ipinatawag kame ni coach Mark
" Wala na kayong practice , Laban na natin next week at kelangan nating manalo "LABAN LANG ! Sigaw ng buong team
" Kumusta naman ang pagtuturo ni janessa sa inyo ? '' tanong ni coach
' Okay lang coach , galing nga Niya e ' Sabi ni John
" Oo nga coach , babae siya pero mas magaling pa kesa sa akin " Sabi ng isa kong team mate" Swerte ng magiging boyfriend niya " Sabi ni coach at tumingin sa akin pati na din kay Kevin
" Okay dismissed " Sabi ni coach at umalis na siya
Uwian na pala , asan na kaya si Nessa ?
" Tol may lakad kame ulit , hindi ka ba sasama ? Tanong sakin ni Lester
' Hindi na tol , may kelangan pa akong puntahan ' sabi koNaglakad ako papunta sa tambayan para hintayin yung kapatid ko at itanong kung nasaan si Nessa pero antagal niya , naupo ako sa bench doon.
Nagpalinga linga ako sa paligid baka sakaling makita ko si Drea pero nahagip ng mga mata ko si Nessa , palabas na siya ng gate ng school . .
Nagmamadali akong tumakbo at sinundan kung saan siya pupunta . Medyo malayo na ang nalakad namin at parang pamilyar sa akin yung Iugar na ito '' Secret Garden " Badmood siya , mukhang kelangan niya ng sariwang hangin para makapagisip ng maayos , hindi muna ako lumapit sa kanya
Pinagmasdan ko lang siya , nakaupo siya sa tabi ng puno at nakatingin sa malawak na kapaligiran. Biglang tumulo ang luha niya , masakit makita na umiiyak yung taong mahal mo kahit hindi mo alam yung dahilan , kahit hindi pa man kayo.
Lumapit ako sa kanya at inabot ang panyo na dala ko , tumingin siya sa akin " salamat " Sabi niya at kinuha ang panyo pinunasan ang mga luha niya , malungkot ang mga mata niya hindi ako sanay na ganyan siya.
BINABASA MO ANG
He's Crazy In Love With Me
Random[COMPLETED] ✓ Paano kung isang araw e 'yong lalakeng galit na galit sa 'yo noon kahit wala ka namang kasalanan sa kanya e biglang sabihin sa 'yo na, "Gusto kita, mahal na kita?" Maniniwala ka ba? Paano kung gusto mo maniwala pero takot ka ng magti...