Chapter 17

89 4 0
                                    

JANESSA's POV

Hindi ko na nakakasama at nakakasabay si kheiara ah, nagka boyfriend lang iniwan na din ako, siguro babalik lang yun sa'kin kapag nag away sila ng bf niya.

Haysttt!

Okay lang yan Janessa! Hindi ka pa ba nasanay mag-isa?

First subject namin, sabi ng Prof. namin ay gagawa daw kame ng kanta, pero dalawang estudyante lang magka grupo.

Sino kaya makaka-grupo ko?

"Pick your number." Sabi ni Mrs Ramirez

Pumunta ako sa harap at bumunot ng number.

Hmmmm.

Sana yung makakasama ko marunong din sa music para naman mataas ang grade. Bakit kasi hindi ko classmate si Kevin dito, sana siya na lang ka-group ko.

Pero minsan kasi weird yun e kung umasta sa'kin parang boyfriend ko siya.

Pagtingin ko sa number ko, 8? Sabi nila swerte daw yung 8 kasi kapag binaliktad parang infinity sign.

Hinintay ko na lang kung sino maghahanap ng number 8. Tinatamad ako e HAHA!

"Number 8 ako guys, sinong number 8 dito?" Narinig kong sabi ng lalaki, paglingon ko si Andrew pala.

Lumapit ako sa likuran niya "AKO" sabi ko

Nagulat siyang napatingin sa akin.

"Ah ikaw pala yung partner ko Janessa."

"Oo, usap na lang tayo mamaya." sabi ko at umupo na sa upuan ko

"Ma'am." tawag ko kay Mrs Ramirez

"Yes, Miss Fuentabella?"

"Kailan po yun ipe-perform?"

"Next week iha."

"Thank you po."

Break time na saka palang lumapit si Kheiara sa akin.

"Beshy, I miss you." sabi niya sabay beso sa akin

"Oh, kilala mo pa pala ako? Nag-away kayo ng boyfriend mo 'no, kaya ka lumalapit sa'kin ngayon?" Sabi ko ng nagtatampo kunwari

"Hala siya, beshy naman e tampo agad. Sorry na.''

"Sus,no choice naman ako e." Sabi ko

''Alam mo ba beshy, partner kame ni lester, yieee destiny talaga kame." Kinikilig na sabi ni Kheiara

"Ikaw, sino ang partner mo?" Tanong niya sa akin

"Si Andrew."

"Ha?Yung tropa ni Love?"

"Oo."

"yieee bagay kayo, kinikilig ako."

"Partner lang kame bagay na agad? Baliw ka na 'no? 'Wag mo nga ako idamay d'yan sa pagiging inlababo mo at sumabay ka doomn sa boyfriend mo kumain, baka mapagtripan na naman ako e madamay ka pa." Sabi ko

"Bakit ba kasi hindi mo patulan beshy? Marunong ka naman mag martial arts at boxing, kaya mo lahat."

"Oo nga, pero paano kung makick-out ako dito?" Sabi ko

"Ayssst sabagay, Sige punta na ako kila Love ha, ikaw kumain ka na din sa baba." Sabi niya

-

He's Crazy In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon