Chapter 30

66 2 0
                                    

CHAPTER 30

JANESSA POV

Badtrip talaga yung mga babaeng yun , nakakagigil na ! Kapag ako talaga yung anak ng may ari ng school na to, ipapakick out ko sila !! Badmood nanaman ako buong maghapon nito .

Pagkatapos ng unang klase ko ay pinuntahan ko si Jessica sa Dean's office. Wala na siya dun , sinundo na daw ng yaya nila Sabi ni Dean Esguerra.
Bumalik na ako sa room para sa susunod na subject ko.

" Look who's here again !" Sabi ni Megan

Classmate ko pala sila sa next subject ko. Hinayaan ko nalang sila.

"Saan ka pupunta ? Kinakausap ka pa namin diba ? " Sabi ni Trixie sabay hila sa buhok ko

Makakatikim ulit sakin to ! Ayaw na ayaw kong hinawakan ang buhok ko e

' Ano ba talaga ang problema niyo sa akin ? Bakit hindi niyo ako tinitigilan ? 'sabi ko
" Trip ka namin e ayaw namin sa bestfriend mo , baka magalit sa amin si Lester kaya ikaw na lang. Tutal wala namang nagmamahal sayo sa magagalit sa amin " HAHAHA Sabi ni Megan

Parang nagdilim ang paningin ko sa narinig ko , Oo walang nagmamahal sa akin kasi iniiwan nila ako mag isa pero wag niyo kong ginaganito !! Hindi niyo pa ako lubos na nakikilala

Hinawakan ko ang kamay nila ng sobrang higpit " A-arayyy ! Ano ba Nessang losyang !! Bitawan mo nga kame ! " Sabi nila at namimilipit na sa sakit dahil sa pagkakahawak ko sa kanila

' Hindi ako si Lily Cruz pero WAG AKO ! ' Sabi ko at binitawan ko na sila
' Kung binubully kayo ng mga to ! Turo ko sa grupo ng mean girls ' wag kayong papayag na inaapi Kayo , kung nasa tama kayo Lumaban kayo! ' Sabi ko at umupo na sa upuan ko
" Mamaya ka samin Paglabas ng school " rinig kong sabi ni Trixie at umalis na sila

' Galing mo talaga janessa , hindi ka ba natatakot sa kanila ? ' Sabi ni Eunice at umupo sa tabi ko
" Hanggang wala ka namang ginagawang masama sa kanila at nasa tama ka , Wala kang dapat ikatakot " Sabi ko
' Ikaw na talaga janessa , transfer din ako dito dati at hindi nila ako tinitigilan noon pero tinatagan ko lang yung loob ko , palagi lang ako pinagtatanggol ni John noon kaya tinigilan nila ako ' kwento ni Eunice
" May Gusto ka kay John no ?" Tanong ko
' ha ? A e O-oo HEHE '
" Don't worry , magugustuhan ka din nun. Ang alam ko nga e nililigawan ka niya " Sabi ko

Wala yata namang klase e , absent siguro teacher

" Mauna na ako sayo Eunice " Sabi ko at Iumabas na ng room. Parang gusto kong pumunta ng secret garden ah , Wala naman si beshy , Busy palagi sa lovelife niya.

" Hi Nessa , dito kame sa court pupunta ka ba dito ? " Sabi ng nagtext sa akin. Si andrew

Hindi ko siya nereplyan , mamaya nalang ako pupunta dun. Naglalakad ako papunta sa padalahan ng pera , magpapadala kasi ako ng pera kila tita flor.

May nakita ako. Bakit sila anjan ? Duguan ang nga katawan nila at may saksak hindi naman sila patay pero hindi sila makagalaw. Anong ginawa nila sa mga kaibigan ko ? May tumingin sa akin at mukhang nakita yata niya ako. Nagtago ako at hindi ko napansin na damuhan pala yun , tinikan kaya nadulas ako at nasubsob kaya puro sugat​ ang mukha ko.

Hindi na ako natuloy magpadala , bukas na lang.
Kelangan malaman to ni coach.
Halos takbuhin ko na ang Court para masabi agad kay coach ang nangyari.

Pagbukas ko palang ng pinto " Nessa , anong nangyari sayo ? " Sabay na tanong nila Andrew at Kevin
' Wala to ' Sabi ko at lumapit na agad ako kay kuya ( coach ) Hindi ko na muna pinansin yung dalawa mas importante yung sasabihin ko

Lumapit ako kay kuya at binulungan siya " kuya , nakita ko ang Gang na kumakalaban sa inyo noon , tinambangan nila ang mga bagong myembro na nagtatraining " Sabi ko

He's Crazy In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon