Black Assasins

2.5K 66 7
                                    

•• Black Assasins ••

The infamous group of girl gangsters.

Kilalang-kilala ang grupo nila dahil sa lagi itong napapasabak sa away. Wala silang pinipiling labanan, kahit malalaki ang pangangatawan ng kalaban ay di nila ito inaatrasan.

Kagaya ng sa mga ibang gang, nasa kanila din ang kasabihang, Kalaban ng isa ay kalaban ng lahat. Sa madaling salita, 'pag binangga mo ang isa, para mo na ring binangga ang lahat. Aniya'y naghuhukay ka ng sarili mong libingan.

Babae man sila kung tignan, halimaw naman sa labanan. Yan ang sabi ng iilan. Kung tutuusin ay mukha naman silang normal, di gaya ng mga gang na lagi nating naiisip na mga drug addict, mukhang di naliligo, mabaho pa amoy, mabaho din mukha, walang awa. Puro basag-ulo na walang dahilan, angasan at ma-pride.

Ang Black Assassins ay tulad din ng ibang mga gang na specific masyado sa kanilang teritoryo. Sila lang dapat ang maangas, manggulo ka na sa ibang lugar at wag lang sa teritoryo nila dahil hindi ka pa man natatapos ay susugurin at patutumbahin ka nila on the spot. Nagkalat lang sila sa paligid kaya mag-ingat ka para di ka magkamali.  Lahat ng lugar na sa paniniwala nila na kanilang pag-aari, ay minomonitor lahat para malaman kung may kakaiba ba sa kanilang lugar.

Gaya rin ng ibang gang ay may mga kondisyon o pagsusulit sila sa pagsali sa kanilang grupo. May iba't-ibang paraan ng pagpapahirap sa mga nagnanais sumali. Una ay gagawin kang utos-utosan at kung ano-ano pa pero sa final round ay nakadepende lahat sa leader kung anong klaseng paghihirap ang gusto niyang ibigay sa'yo. It's either through paddle with 500 minimum swings or a one minute to hell method niya, ito ay ang pagbugbog sayo ng mga miyembrong naroroon sa lugar nang hindi lumalaban hanggang sa maubos ang isang minuto, kapag nakatayo ka pa ay pasado ka na. That's how they measure sisterhood.

Neophyte ang tawag sa mga bagong sali sa gang. Sila ang mga nakapasa sa malupit na pagsusulit para makapasok.

Ang Black Assassins ay di naman yung tipo na naghahanap ng away, ang away mismo ang naghahanap sa kanila. Di man sadya ay lagi silang may nakakasalubong na kalabang gang lalo na 'pag mga lalake ay di nila maiwasang mag-angasan dahil minamaliit sila nito dahil sa di hamak na mga babae lamang daw sila. Ito kadalasan ang dahilan ng gangwar sa kanilang lugar o maging sa ibang teritoryo.

Sa gangwar, ang labanan ay matira matibay. Ang matira ay ang siyang tunay na hari ng teritoryo o hari mismo ng mga gangster.

Sa mga gangster, ang teritoryo nila ay siya mismong kumakatawan sa kanilang pride, sa lahat ng laban na kanilang pinapanalo, pride is earned.

But things started to change when they met... a Mafia full of boys.

Δ THE LEADER Δ

Name: Loren Zee "Renz" Villaver

Age: 20 years old

Ethnicity: Filipino

Appearance: "I'm too lazy to describe myself, just look at the picture in the multimedia."

Full Profile:

          Renz Villaver. Ang sekretong anak ng isang may-ari ng clothing line company dito sa Pilipinas. Sekreto dahil ikinakahiya ng kanyang mga magulang ang pagiging gangster nito. Kaya isang malaking misteryo ang kanyang pagkatao.

          Binuo niya ang Black Assassins sa kadahilanang nababagot at wala siyang magawa. Sa panlabas na anyo ay makikita mong mahirap pakisamahan ang tulad niyang mataray, a lady of few words and a great snob person. Pero iyon ang akala nilang lahat.

          Sa loob ng tambayan ng kanilang grupo, siya ay isang kalog, madaldal at dakilang mambabara. Lahat ng iyan ay eksklusibo lang para sa kanyang mga gangmates.

           Bilang isang leader, itinuturing niyang parang mga anak at kapatid ang kanyang mga miyembro at di ito pinapabayaan.

• • •

Hey there ladies *winks* @ShunnyShunShun here and as always, you can call me Shun. Like my partner, Shin, I am the BA's team captain. Let's work together.

Ang talunin sila partner ay kabaliwan lang na naisip niya, hahahaha. But I want you guys to be competitive and brave. Our territory belongs to us, wag natin hayaan na isang pipitsuging Mafia lang ang umagaw at malayang nakakagawa ng iligal sa lugar natin. We are not even engaging into that kind of activities tapos sila pa manghihimasok at gagawin yun? No Way!!! okay, pinaglalaban ko dito? hahaha

Anyways, now that you have a bit knowledge of our girl gang. We are now open for character hiring. I am only accepting GIRLS (fictional or non-fictional gender, either of the two is acceptable) *winks*.

We will not entertain any form in this chapter. If you are interested to join our Gorgeous and Sexiest Girl Gang, please fill up the form on the next chapter.

And I'm sure that you all have read the info of our enemy, am i right girls? Let's work well together, okay? FIGHTING!

[ made possible by: @jellybeeans & @ShunnyShunShun]

all rights reserved 2014 © xxPlanetMarSxx

Paradise in the Middle of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon