Thirty-Eight

642 33 62
                                    

 

Abala ang lahat sa sari-sarili nilang gawain at kanya-kanya na rin sila ng upo sa kung saang parte ng penthouse.

"Kris, kailan nga pala yung intramurals? Balita ko napilayan ka sa tryout sa basketball. Tigas mo rin eh, MEN'S basketball yun teh, hindi WOMEN. Buti sana kung bakla mga kalaban mo, edi nagsabunutan na kayo dun." 

"Alam mo Alex, tumahimik ka na kundi pasasabugin ko yang bunganga mo." Banta ni Kris kay Alex pero binelatan lang siya nito.

Kasabay ng kalabog ng pintuan ang pagpasok ng lutang na si Renz. Halos hindi man lang siya nag-ayos ng mukha, walang make-up at halatang hindi pa natutulog.

"Anong nangyari sa kanya? Daig niya pa ang nabagyo! Tignan mo ang buhok! Tinalo pa ang nasa modeling sa pagka-buhaghag!" Puna ni Safe at tinuro pa gamit ang cellphone ang pabagsak na umupong si Renz sa sulok na bahagi ng penthouse. Di naman maipinta ang mga mukha nila sa nakikita.

"Boss? Ayos ka la-- GYAAAAAAAH!" Sigaw ni Fey at agad-agarang lumayo sa gloomy na si Renz. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit na parang isang kalabit mo lang ay kakainin ka na niya ng buhay.

"Hi guys! I have good news! Naibalik na allowance ko! YEHEY!" Masayang anunsyo ni CJ pagkarating niya pero wala ni isang pumansin sa magandang balitang hatid niya. 

Nilingon ni CJ ang tinititigan ng mga kaharap niya at doon niya nakita ang wala sa sariling si Renz na akap-akap ang tuhod niya. "What happened to her?" Gulat na tanong ni CJ habang lumalapit kay Yllena. 

"Ewan ko nga rin eh, ganyan na yan pagdating dito. May nangyari siguro." Sagot ni Yllena habang napapangiwing nagkakamot ng ulo.

"Someone stole something." Napabalik ang atensyon nila kay Renz. 

"Ninakawan ka? Ng ano? Kotse? Pera? Cellphone?" Sunod-sunod na pag-iling lang ang tugon ni Renz sa tanong ni Synthx.

"Eh ano? Kung makaasta ka parang ang laki ng halaga ng ninakaw sa'yo." Naiinip na wika ni Alex.

"Baka naman halik?" Lahat sila ay napabaling ng tingin sa sumabat na si Millen. "What? If it's not that expensive, other than money and things, halik din ang nagpapaganyan sa mga babaeng kagaya natin. Walang experience sa love." Mahaba-habang litanya niya.

"Renz?" 

******************

"ANO?!" Sabay nilang sigaw.

"HE CONFESSED? DAMN! I SHOULD'VE RECORDED IT!" Nanghihinayang na hiyaw ni Fey. 

"Sagutin mo na! Sagutin mo na!" Tulak ni CJ na agad din namang binatukan ni Yllena.

"Tanga! Di pa nga nanliligaw, sasagutin na agad! Ano siya? Easy to get? Utak mo rin eh." Pagkontra ni Yllena dito.

"Iinom mo nalang yan, boss. Ito oh, The Bar, one on one tayo." Alok ni Ava at agad naman siyang pinukulan ng masamang tingin ng iba.

"Kyaaa! Kinikilig ako! Sagad na sagad yung confession ni Fafa Rikuo eh! With kiss pa! Mwah!" Nag-action pa si Safe ng flying kiss.

"Isa ka pa eh! Siya yung sinabihan, hindi ikaw. Kung kiligin ka, daig mo pa si CJ na parang na-epilepsy." Sabat ni Kris.

"Ang tanong, totoo kaya ang sinabi niya? I mean, he's still considered as our enemy, right?" Asked Summer that made them all stop from giggling. 

Paradise in the Middle of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon