• CJ's POV •
Pag-alis nina bestie pumunta agad ako sa kusina para makahanap ng makakain which is nasa ref at cabinets lahat. Tamad akong kinuha sa ref ang fresh milk at kumuha ng baso. Binuhos ko ang laman nito hanggang sa mapuno ang baso.
Binitbit ko na ang gatas ko at bkumuha ng tinapay saka rumekta sa sofa namin at pinaandar ang TV na bagong bili, binasag kasi ni Renz yung isa nung nabalitang namatay si Yumiko. tss. Mahal yung flatscreen na yun!
Palipat-lipat ako ng channel hanggang sa naubos ko nalang ang gatas at tinapay ko, letcheng buhay 'to oh, wala pa akong pera, wala pa akong magawa! Bwisit kasi, bakit ko ba kasi binugbog yung nireto sakin ni Dads, he frozed all my accounts! HAYUUUUP! Sino ba namang di gugulpi sa manyak na shokoy na yun?
Flashback---
Nakaupo ako ngayon sa table namin dito sa resto ng Diamond Hotel. Kaharap namin nina Dads ang ka-marriage meeting namin at isang unidentified human being. Sino ba 'to? Hardenero ata nila, bakit sila nagsama ng hardenero?Baka puputulin nila buhok ko?! NOOO! Teka nga, Barbero yun eh.
"I'd like you to meet our son, Marco." O to the M to the G!
"Anak niyo po pala siya, akala ko hardenero--este, kung sino." Nakipagkamay siya sa akin kaya tinugon ko ito pero ayaw niya nangbitawan ang kamay ko.
LANGYA! Minamanyaky ata ako nito! Yuck! Ayoko sa shokoy, tae!
Inapakan ko paa niya kaya siya napabitaw.
"Excuse me."Tumayo na ako't pumunta sa munting terrace ng resto na 'to. Ang lamig ng hangin.
"Anong ginagawa mo dito?" Naks! Parang nasa wattpad lang ako nito ah. Lumingon ako ng dahan-dahan, diba ganun yun sa wattpad? Tapos makikita mo ang prince charming mo na nakangiti o nakasimangot.
Nagulantang ako sa nakita ko. Isa palang shokoy ang sumunod sa akin. Kainis naman oh! Umalis ako dun para di masuka sa mukha niya tapos sinundan niya ako dito?
Lumapit siya sakin kaya tumalikod ako para mapigilan ang katawan ko na bugbugin siya. Manyak kasi makangiti.

BINABASA MO ANG
Paradise in the Middle of Hell
Aksi°°°° On-Going °°°° Mafia and Gangsters. This sentence explains a perfect conflict. these two are the perfectly made art of war. will they ever learn or discover the image of peace and unity?