Seven

1.6K 49 183
                                    

• Shion's POV •

KAPAYAPAAN...

nasa armory room ako ngayon ng tambayan, madalas na pumapasok lang dito mga brainy lang at kung may kailangan silang baril. madalas dito din ako nag papalipas ng oras pag walang tao. tahimik saka payapa kasama ang mga baril e.

ako din kasi madalas mag linis ng  mga baril dito. Inilapag ko ang iPhone ko sa tabi ng nakalatag na kalas kalas na baril sa mesa at naupo sa upuan sa harap nito. Piniringan ko ang aking sarili at huminga ng malalim.

"Siri, Timer. START" at nadinig ko ang senyales na nag on na ang Timer ng telepono ko.

isang Akdal Ghost TR01 pistol ang binubuo ko habang nakapiring. nais ko kasing sinasanay ang sarili ko makabuo ng kalas-kalas na baril kahit nakapikit.

isa-isa kong kinapa ang mga parte nito at ikinabit. pinakiramdaman ko ng mabuti kung tama ba ang aking inilalagay. Mahirap na mamaya nabuo ko nga pero paatras naman yung putok nung bala, imbes na mapatay ko yung kalaban ako pa yung namatay.

Tama na yung si Ean lang yung tanga sa grupo. nasa huling parte na ako ng baril, ang pag loload ng ammo. isa itong semi-automatic pistol. medyo mabusisi dahil maraming safety measures. para maiwasan ang misfire, ano bang malay mo mamaya biglang pumutok.

Kinasa ko ang baril "Stop"

nakarinig ako ng kaluskos, kaya naman due to adrenaline rush ako ay humarap at itinutok ang baril sa nadinig kong kaluskos. Ako ay trained upang pumatay kahit pikit mata pa yan, sure ball bulls eye yan mga parekoy.

"MAHABAGING PAPA LORD GOD~!!" ikinagulat ko ang matandang tinig, kaya naman agad kong tinanga ang aking piring.

napakunot ang noo ko sa aking nakita. isang matandang babae na naka cleaning uniform may bit-bit na walis at naka apron pa. nakaluhod siya sa harap ko at naka angat ang dalawang kamay. Tila parang sumusuko na.

"oh my gas.  spear me a piss of brid. plis Koya wag niyo ako patayin. house keping lang po!" kaya naman marahan kong ibinaba ang aking baril.

at nag tungo papunta sakniya upang itayo siya. "Nako ate, pasensya na po at hindi ko alam na may house keeping pala ngayon"

scheduled kasi ang araw ng linis sa tambayan, at mukang nakalimutan kong may maglilinis pala ngayon.

"Naku sir, bawas-bawasan ang kape. sa tuwing nag lilinis ako parating puno yung basurahan ng istarbaks na benti size pa" reklamo sakin ni ate. Guilty is charged.

benti? napasapo ako sakin noo at napa iling nalang. ah... venti.

yeah, body fuel ko ang kape eh. kulang nalang bigyan ako ng starbucks ng loyalty award.

"Pasensya na talaga ate. nagulat lang ako."

"Onga pala ser. Tawag kayo ni ser Rikuo kaya po nadaan ako dito" napakamot ako sakin batok. bakit kaya?

"Ah ganun ba? osige ate." agad kong kinuha sa lamesa yung telepono ko at tinignan saglit kung naka ilang minuto ako

3 minutes.. tss. too slow. alam kong kaya ko pa mas bilisan ang pag buo. ipinasok ko sa bulsa ko yung iPhone ko at yung baril naman ay sinukbit ko sa likod ng aking pantalon. siyempre sinigurado kong naka safety lock. mamaya pumutok to sa puwetan ko e.

dali-dali akong nag tungo sa baba. nako! pag intayin mo na lahat ng kilala mo wag lang si Rikuo. Mas manipis pa sa papel de hapon yung pasensya niyan. feeling ko nga mas makapal pa yung hinambing ko e.

Paradise in the Middle of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon