Twenty-Nine

929 32 32
                                        

• Ava's POV 

Napakuyom kaming lahat sa paglapit ni Kondou kay Rema. Nag-iinit ang ulo kong tinitigan ang bawat galaw niya. Alam kong isa siyang halimaw pero walang sinumang halimaw ang makakawala sa hawlang ito kapag pinagsalitaan niya ng ganyan si boss. 

May sinabi si Alex sa kanyang kapatid. Hindi ko man marinig ay nabasa ko ang sinabi niya. Hindi namin ito palalampasin. 'Yan lamang ang nakuha ko sa mga sinabi niya.

Wala ni isa sa amin ang gumalaw, ramdam ko ang bumibigat na tensiyon sa buong lugar. Hindi na ako nag-abala pang tignan ang mga miyembro namin dahil alam ko na kung anong ipinapakitang mukha nila. Ganyan nga. Magsipaghanda lamang kayo. Isang salita lang ni Boss, walang makakawala sa hawla ng mga assassins.

"MAKAKALABAS NA KAYO." Gulat man ako sa sinabi ni boss ay pinanatili ko lang ang postura ko't mukha. Bakit?! Pagkatapos siyang pagsalitaan ng ganun? Pagkatapos siyang bastusin sa harapan namin at sa harapan ng mafia na 'yan, palalabasin niya lang na parang walang nangyari? Hindi ko maintindihan!

Nagkatinginan kami sandali nina Millen at Yllena at muling ibinaling ang tingin kay boss. Blangko ang kanyang ekspresiyon at napansin ko ang nanginginig niyang kamao. Napangisi ako. Kita ko rin naman ang ilang mga mata ng mafia na nagliliwaliw sa paligid. Napansin kaya nila? Kung di nila napansin, bobo't manhid silang maituturing.

Hanggang sa maramdaman naming umalis na sila ay nagrelax ang lahat maliban kay boss na tutok na tutok parin ang mata sa pintuan. Tumalikod kami para maupo pero agad rin naming binalik ang aming tingin nang marinig namin ang malakas na kalabog na parang nasagasaan sa lakas ang pinto.

"WHAT DID YOU SAY!!!!! PAKYU KA! BWISIT KA! AAAAAAAHHHHHHHH!" Paghuhuramentado ni Boss at tuluyang nasira ang pinto. "BWISIT! HINDI PA AKO TAPOS!" Agad siyang tumakbo sa mga nakahilirang punching bag na ang laman ay buhangin.

Panay sipa at suntok siya dito habang nagmumura sa galit. Napailing na lamang kami. "Kung ganyan ka naman pala kagalit kanina, eh di sana ay ginawa mo na sa kanya 'yan." Pailing-iling na sabi ni Yllena at prenteng umupo sa lamesa.

"PAKYU! BOBO KA BA?! KUNG GINAWA KO 'YON, MAKIKISALI KAYO! ANO AKO? TANGA?! KUNG GUSTO KO SIYA BUGBUGIN, AKO LANG MAG-ISA! PAKYU KONDOU! WALANG HIYA KA! TATANDAAN KO 'TO! MAGBABAYAD KA!" Venting her anger towards a poor punching bag, that is so not like her. Minsan kasi, kami ang binubugbog niya 'pag galit siya. Sasabihin niyang training pero hindi pala. 

"Anong nangyari?" Napalingon kami sa pinto maliban kay boss na kinakawawa ang pangalawa niyang punching bag. Binutas niya kasi 'yong nauna.

"Oh! Nahuli ka ata, Summer?" Bungad ni Fey sa kanya. Kita kong hingal na hingal si Summer. Saan ba galing ang babaeng ito at lagi nalang nawawala?

"May ginawa lang ako. Sinunod ko lang ang utos ni Boss." Sabi niya na ipinagtaka namin. Utos ni Boss? Ano naman kaya 'yon at siya lang ang binigyan?

"Ano naman 'yon?" Tanong ni Safe.

"SUMMER! BAKIT NGAYON KA LANG? SIGURADUHIN MONG MAGANDANG BALITA 'YANG DINALA MO SA'KIN KUNDI MAKAKATIKIM KA NG GALIT KO!" Pagbabanta ni Boss. Napaatras ako nang lumapit siya sa amin. 

"Mamaya nalang pala, may klase pa pala ako." Laglag ang panga ko nang bigla siyang huminahon. Grabe ang mood swings ni Boss, it blew me away!

Inayos niya ang sarili niya at pumunta sa pinto. "Pakiayos nga pala nito, nakakasakit sa mata ang may sira ang lugar natin." Sabi niya.

Paradise in the Middle of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon