Forty-Three

370 21 24
                                        

• Renz's POV 

Nagmamaneho na ako papuntang penthouse. I just had a long day at gusto kong magpahinga, I can't rest well in my unit if the monster's room is right beside mine. 

Naalala ko na naman ang nangyari and I can't help but let my tears fall. Marahas kong pinahid ang nabasa kong pisngi tsaka ko pinabilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Naiinis ako sa sarili ko! Naiinis ako at umiyak ako sa harapan ni Shin. Bwisit kasing lalake yun, kung makapagbitiw ng salita, nakakaiyak na parang sibuyas.

Pagkarating na pagkarating ko, agad akong dumeretso sa kusina at nilaklak ang mamahaling alak na nakareserba para sana sa kaarawan ni Fey. 

"Renz, tama na." Pigil ni Yllena sa'kin na ikinainis ko. Marahas kong binawi ang kamay ko saka tinungga ang alak. Tangna! Gusto kong maghigante pero nawawalan ako ng lakas sa tuwing naiisip ko kung sino ang kriminal. Nakakaputang*na!

"Renz, wala ka man lang bang gagawin para mabigyan ng hustisya si Fey? Nakakalimutan mo na rin ang pagkamatay ni Yumiko!" Hiyaw ni Synthx

"PWEDE BA! Iwan niyo muna ako." Sigaw at mahinahon kong sabi saka tumayo para pumunta ng pool.

Bago pa ako umakyat ng hagdan, nilingon ko muna sila. "Pagod na pagod na ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga nakikita ko."

"Pero ang VS --- " 

"VS! VS! Puro nalang VS! P*TA!" Tinapon ko ang alak sa sahig kaya ito nabasag. "ANO?! SINO PA ISUSUNOD NILA?! HA? HINDI PA BA SILA KONTENTO KAY YUMIKO AT SINUNOD PA NILA SI FEY?!"

"Renz, makinig ka--" 

"Buti pa siguro kung magkanya-kanya na ta---" Nadapa ako sa paanan ng hagdanan at nasapo ang kaliwang pisngi ko. Nalasahan ko pa ang dugo sa gilid ng labi ko.

"Tang*na ka Renz! Kung sa tingin mo mareresolba ang problema sa pagdisband ng gang, pwes! P*tang*na ka, HINDI!" Nilingon ko si Synthx na nanlilisik ang mga mata na tinititigan ako.

Tumayo ako at agad siyang sinuntok. "ANO SA TINGIN MO ANG GAGAWIN KO HA KUNG YUNG TAONG MAHAL KO ANG PUMATAY SA KANILA?! ALAM MO BA KUNG GA'NO KASAKIT ANG PAIKUTIN KA? KUNG GANO KASAKIT NA MALAMAN MO NA SIYA ANG MAY GAWA? NA KAHIT ANONG ISUMBAT KO SA KANYA, NAKIKITA KONG NASASAKTAN RIN SIYA? ANONG GUSTO MONG GAWIN KO?! HINDI KO NA ALAM KUNG ANO ANG TOTOO!" Sigaw ako ng sigaw habang sinasakyan ko siya nang mapahiga siya sa sahig dahil sa unang suntok ko.

Pinagpalit niya ang posisyon naming dalawa saka niya ako sinuntok. "ISA! Hindi si Rikou ang may gawa!" Hiyaw niya.

"Anong hindi?! Kitang-kita ng mga mata ko ang nakasulat sa sahig gamit ang dugo ni Fey!" Ganti ko.

Sinuntok na naman niya ako. "PANGALAWA! Iisa-isahin kong isuntok sa'yo lahat ng impormasyon! Ang kalaban nina Rikou at ang pumatay sa mga kaibigan natin ay isang grupo lang!"

"EDI SINO?!" Hiyaw ko. 

Nasuntok na naman niya ako sa mukha. "PANGATLO! Ang pumatay kina Yumiko at Fey ay ang VENOM, ang matagal nang kalaban ng VS!"

Huminahon na ang kalooban ko sa nalaman. Susuntukin pa sana ako ni Synthx nang pigilan ko ito. "Tama nang nalaman kong hindi siya ang may gawa." Wika ko at agad naman siyang umalis sa pagkakaupo sa tiyan ko.

Paradise in the Middle of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon