Fifteen

1.3K 41 97
                                    

• Kris' POV •

 

Haaaaaaaaaaaaaaaaay! Thank God it's Sunday! Pero di rin naman boring ang first week of school. Lage nga lang nagkakasalubong ang grupo namin at ang grupo ng VS. Pero di naman iyon maiiwasan ng iba kung magiging kaklase nila ang mga ito lalo na kami sa Business Department, di namin maiwasang makablock yung leader nila na di namin inaasahang Business Course din ang kinuha.

We should've seen that coming, sino ba naman ang mamamahala ng illegal business ng isang mafia group kung di marunong magnegosyo ang isang tagapagmana? Tss. Di lang iyon, may lagi pang nangungulit kay CJ. Balita ko siya yung nakalaban ni CJ sa drag race eh. Pinatulan niya lang daw kasi nayabangan siya sa lalake, ayan tuloy, kinukulit siya.

"Roronda tayo mamaya sa teritoryo natin, sino sasama?" Pahayag ni Leader na halatang tinatamad. Nakahiga lang ito sa malaking sofa, feel na feel solohin eh.

"Di ako pwede, tuturuan ko pa yung Vora Syn na iyon. Even though nafefeel kong wala na siyang pag-asa na pumasa sa speech 101. Nakakaawa siya na parang gusto mo nalang siyang patayin?" Napabungisngis ako sa sinabi ni Synthx. Wala nang pag-asa ang tinuturuan ni Synthx kahit gano pa siya katalino. Akalain mong apat na beses na yun kumuha ng BASIC speech? Unbelievable!

"He really must have got in to you. Masyado bang nakakairita? Tapusin mo na lang paghihirap niya Synthx." Wika ko na may panaka-nakang tawa.

"But you can't do that Synthx or else, wala kang dagdag na pera para sa mga luho mo." Summer added. Yeah, yung sasakyang gusto niyang bilhin.

"Gotta go, magkikita na kami ni Stryker." Wika niya while wearing her cardigan.

"Yiiiiieeeeeee~ Date na sila~" Panunukso ni Safe sa kanya. "Sabihin niyo sakin kung kelan kasalan pa--" 

Nanlaki mata ni Safe nang makita niya sa gilid ng kanyang mukha ang dagger ni Synthx na tumama sa pader na sinasandalan niya.

Lumapit si Synthx sa kanya at hinigit ang dagger saka niligpit sa bag niya. "Intention kong wag kang tamaan Safe." Dinig kong wika ni Synthx sa kanya. Malapit lang kasi ako sa dalawa.

"Langya ka Synthx! Humanda ka pagbalik mo! Magtutuos tayo!" Pagdadabog ni Safe. 

Napangisi nalang kami sa nangyari.

Tumayo ako't kinuha ang bola, saka ako naglaro sa ring na pinasadya ko talagang ilagay dito sa loob. Malaki naman itong Penthouse eh.

Paradise in the Middle of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon