Six

1.5K 49 126
                                    

• Synthx's POV •

Nandito ako ngayon sa condo ko't nakahilata sa sofa, pupunta ako mamaya sa labas to check my account kung ilang pera ba ang nilagay ni Daddy for me.

Binaling ko ang tingin ko sa painting ng sarili ko sa dingding. (see multimedia) Tinuon ko ulit ito sa kisame.

Ang gagawin ko sa perang yun? Fully paid tuition and of course, iipunin ko for my addiction. Not weeds guys, God, kung addiction ba dapat weeds agad? Saksak ko yan sa baga niyo eh, kala niyo nakakabuti sa katawan. tss. Pinaglalaban ko dito? Ah basta! Bibilhin ko yung bagong model ng sasakyan ng Mitsubishi.

Yeah, you read it right, my addiction is cars and I also love daggers and gadgets. Million din bili ko sa mga gadgets kong kahit microchip ay ang mahal.

Natigil ako sa pagtitig sa kisame nang magring yung phone ko.

[Unknown number calling...]

 

Sinagot ko ang tawag pero di ako nagsalita. "Hello?" Isang boses ng babae ang narinig ko sa kabilang linya.

"Sino po sila?" Sorry guys, di uso sa akin ang hello pag di ko kilala ang tumatawag.

"Miss Ao, this is Mrs. Natividad. LBU's Dean, can you come to school now? I mean if you're vacant." What does the Dean want with me? Tss. I'm too tired to go to school now, tapos na naman akong mag-enrol and wait, Yllena and Kris are there, di na rin siguro masama ang pumunta.

"Yes Ma'am, I'll be there in 30 minutes." Wika ko na pinasalamatan niya. Hinintay ko siyang pagbabaan ako ng linya, kailangan ko parin maging magalang kahit naiinis ako sa request niya, gusto ko sanang titigan ang bagong model ng Mistubishi eh.

Naligo na ako't nagbihis, toothbrush at nag-ayos. Di na talaga mawawala sa mga babae ang pag-aayos.

Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpasya na akong lumabas at sumakay ng elevator. I pressed the B button on the right side of the elevator.

When the elevator opened, nasa parking lot na ako which is the Base floor of this condominium. I saw Alex na sasakay pa lang sa sasakyan niya.

"Yo! Synthx!" Kumaway pa siya nang makita niya ako. I just nod as a response. Nang makalapit na ako sa kanya sumandal muna siya sa sasakyan niya.

"San punta mo?" tanong niya with crossed arms.

"Sa school, special request by the Dean." Wika ko na may bahid ng pagkainis.

"Ohhhh~ Ano yan dre, enrollment pa lang may kasalanan ka na? Hanep!" Pinukulan ko siya ng isang masamang tingin.

"Hahaha, relax lang. Gusto mo na yata akong kainin eh. Ge, una na ako. Punta ako warehouse, may gagawin yata si boss sa mga Neophyte (new members)." Yun lang at pumasok na siya sa sportscar niyang kulay asul.

Mukhang nababagot si Leader at pinagdidiskitahan ang neophytes ah. Sayang di ako makakasali, lintek kasi 'tong Dean eh. Aish. Makaalis na nga.

Pumasok na ako sa sasakyan kong Audi R8 kulay puti. Pinaharurot ko na ito palabas ng parking lot. Dere-deretso lang akong  nagmaneho papuntang University.

Nipark ko na yung kotse ko sa parking lot ng school, nakita ko ang sasakyan nina Kris at Yllena, malamang nasa linya pa yung mga yun.

Dere-deretso lang ang lakad ko and I didn't even bother listening to the girls gossiping about me. Yeah, hell right, I'm famous. Being a BA is the reason why I'm on the hot seat right now. Isang tingin ko lang din naman magsisitakbuhan na yan eh kaya pinabayaan ko nalang.

Paradise in the Middle of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon