Forty-One

431 26 21
                                        

• Alex's POV 

"Akala ko ba mailap ka sa mga babae?" Binalewala niya lang ang tanong ko at naunang maglakad sa park. "Hoy hintay!" Tss. Siya pa nagpapunta sa'kin dito tapos iiwan niya lang din ako? Aba!

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at tinitignan ko naman ang paligid, baka kasi may kalaban. "Aray!" Hiyaw ko nang mabangga ako sa isang matigas na pader, ay hindi pala pader yun, tao pala yun.

"Bakit ka huminto, Hiro? Grabe yang likod mo ha, parang sementado sa tigas eh." Pagbibiro ko pa pero di lang siya umimik sa halip ay narinig ko pa siyang napalunok ng laway. 

Nagmadali akong tinignan ang mukha niya pero tutok na tutok lang siya sa tinitignan niya kaya binalingan ko ito ng tingin, laking gulat ko nang makita ko ang tinititigan niya at sa di malamang dahilan ay nag-init ang ulo ko.

Titig na titig siguro siya dun sa bumibili ng cotton candy, sexy at yummy eh. Naka-shorts na halos kweta na maitim niyang pwet. Pwe! Bakit siya naaattract sa ganda ng katawan nun eh maganda naman tsaka sexy kasama niya? 

Pero may napansin pa akong iba, kulay asul kasi yung cotton candy which is unusal. As far as I know, kulay pink pa lang yung nakikita kong cotton candy, parang gusto ko tuloy tikman. "Hiro, diyan k---HOY! Kailan ka pa nakabili ng cotton candy?" Halos lumuwa mata ko nang nakita ko siyang enjoy na enjoy na sa pagkain ng cotton candy, di ko nga siya napansin na umalis sa tabi ko eh tsaka di man lang ako binilhan! Tampo ako, hmpf.

Imbis na maghintay akong bilhan niya rin ako ng cotton candy, ako nalang ang bumili para sa sarili ko. Tss. Tapos kanina pa ako di pinapansin ng mokong na'to simula nung kumakain na siya eh. Isang cotton candy pa lang nakain ko siya pang lima na niya ngayon!

"Akala ko pa naman romantic na 'to." Bulong ko sa sarili at kinagat ko pa ang panyo ko sa pagpipigil ng luha. Sheeeeet. Basted na ba ako? Tang ina, di nga ako nanligaw eh pero feeling ko basted na ako eh.

"Mailap naman talaga ako sa babae pero iba ka sa kanila." SHUT UP! Kanina ko pa yan natanong pero ngayon mo lang sasagutin? You fvckin' kidding me dude? But WAIT! Ako? Iba? How romantic!

Feeling ko nadudulas pwet ko sa bench ng park eh. Takte, kung magpakilig! Pak na pak!

"Kasi... kahit kaunti... parang..." Gusto kong pumunta sa banyo at umihi dahil sa naiinip ako sa paghihintay sa sasabihin niya. "Magkahawig kayo ng ate ko." 

The last words blew me away. Na-sister-zoned ako! "I lost my will to live~" Pabulong kong sabi habang nagmumukmok sa likod ng malaking puno sa sentro ng parke. 

"Cotton candy?" Napalingon ako sa likuran ko at tumama sa mukha ko yung cotton candy na dala niya. Marahas ko yung inabot saka nilantakan nang nilantakan. Umupo siya sa tabi ko tapos tumingala. 

"Kamukha mo talaga ate ko." Sabi niya.

"Oo na, ang panget ko na kaya pwede ba at least let me rest in peace." Plano ko nang mamatay. Minsan lang nga ako magkacrush yung i-si-sister zoned lang din pala ako, hirap ng buhay oh!

"Maganda yata ate ko!" Pagmamayabang niya.

"Edi maganda din ako?" Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya.

Paradise in the Middle of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon