• Alex's POV •
Napangiwi ako sa lakas ng pagkakasampal ni Boss sa halimaw na nasa harapan namin ngayon. Bilib man ako kay boss dahil napanatili niya ang kanyang postura sa kabila ng pagsigaw ni Rikuo sa kanya, di parin mawawala sa sarili ko ang takot na muling dapuan ako ng mga nanlilisik na mata ng batang mafia.
Tinutulungan naman ni Shion si Zeke na tumayo at biglang nagsidatingan ang ibang mafia members.
"What happened? Why the sudden alert, Xylan?" Halata sa mukha ni Caelum ang pagtataka habang ang iba naman ay naghahabol pa ng hininga. Siguro ay malayo ang tinakbo nila mapunta lang dito.
"Hoy." Walang gana kong sambit sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Kung di ka ba naman bulag, tignan mo 'yang dalawa." Lahat sila ay napatingin kay Boss at Rikuo at tuminging muli sa akin.
"What? 'Wag mong sabihing ikakasal na sila? AKO NINONG BOSS!" Sabay angat ni Ean ng kanyang kamay at nabatukan ng katabi niyang si Rake.
"Dude, can't you tell? May problema yata." Ngumuso na lamang si Ean sa sinabi ni Rake at tumahimik sa isang tabi.
"Zek--Whoa! Ayos yung lipstick mo pre ah." May halong pang-aasar na saad ni Rake nang nilingon siya ni Zeke.
"Huminahon ka lang, Rikuo. Mahahanap natin si Rema." Mahinahong sabi ni Boss. Gulantang naman ang kalalakihan sa narinig. Kung sila, gulantang sa nalaman nila, ako naman, kinilabutan sa inaasal ni Boss. She's not the calm type.
Dahil di na nakapagsalita ang mga gunggong dito, nabalot kami ng katahimikan. Bigla nalang tumugtog ang telepono ng isa sa amin na halos ikinalipad ng kaluluwa ko sa gulat.
"Bakit?" Bored na bungad ni boss. Siya pala yung tinawagan. "Okay, doon na tayo magkita." Bigla nalang siyang ngumisi at binaba ang cellphone niya.
"Sumama ka sa'kin RIkuo." Tumalikod siya ngunit napahinto rin. "Alex, tawagan mo yung iba at kung sino pa gustong sumama, 'wag nang magdalawang isip dahil di na ito mangyayari sa susunod." And then she started walking.
Tamad naman akong sumunod sa kaniya at dinukot ang cellphone ko. "Oh guys, may party. Sundan niyo lang kotse ni boss. Papasakay na kami, andito kami sa parking lot." Then I saw the other mafias get in their car. Saan naman kaya kami pupunta ngayon?
• Millen's POV •
Galing ako sa compshop, gusto ko kasing i-try kung ano meron doon bukod sa maraming computers. Napagtanto kong mas maganda talaga 'pag sa bahay o sa penthouse ka nagsusurf eh, ang ingay sa compshop.
Wala akong kaarte arte ngayon sa suot ko, di tulad nina Yllena. Ayun si Yllena, nagcecelabrate na naman ng birthday niya, pulang-pula at di makalimutan ang itim na boots niya.
Paliko na ako sa isang makitid na daan nang mamataan ko ang tatlong lalake at may babae naman na walang malay sa lupa. Lumapit ako dala na rin ng aking kyuryusidad. Nang mamukhaan ko ang babae, kinalabit ko ang isa sa mga lalakeng naroon.
"Oh, may isang chikabebz pa pala dito 'tol!" Umismid ako sa ibinulalas ng kinalabit ko.
"Hanep yung selpon p're! Ganda! Mahal benta nito!" Sabi naman no'ng isa habang kinakalikot ang cellphone. Kung hindi ako nagkakamali ay kay Rema ang phone na ito, since siya lang naman ang nakahandusay sa lupa at walang malay.
"Hoy, ibalik niyo 'yan kundi makakatikim kayo sa'kin." Pananakot ko sa kanila na tinawanan naman nila. Kusang kumunot ang noo ko sa inasta ng tatlo at natahimik nalang at tinitigan ako. "Bibilang ako ng tatlo para isauli ang cellphone ng kaibigan ko kung hindi ay bugbog sarado kayo sa akin." Cross arms kong sabi.

BINABASA MO ANG
Paradise in the Middle of Hell
Acción°°°° On-Going °°°° Mafia and Gangsters. This sentence explains a perfect conflict. these two are the perfectly made art of war. will they ever learn or discover the image of peace and unity?