Thirty-One

896 31 48
                                    

Synthx's POV

Dahil sa narinig kong pag-uusap kaninang umaga nakalimutan kong nagkita nga pala kami ng kapatid ni Alex bago 'yon. Aish. Naiinis ako habang iniisip ko 'yon. Hahanap nalang ako ng pagbubuntunan ko ng galit ngayon hapon. 

"O Synthx, may problema?" Nabalik ako sa ulirat ko nang magsalita si Kris. 

"Wala naman, may iniisip lang. Saan punta mo?" Tanong ko at dumapo ang tingin ko sa bolang nasa kanyang bawyang.

"Hinahanap ko si Summer, may pinapasabi kasi si Fey sa kanya na kailangan niya daw imbistigahan. Mukha kasing nalugmok yung pride niya sa nakalap na impormasyon ni Alex kaya ayon at pinupuyat ang sarili na maghanap ng bagong info." Kita ko ang pag-aalala ni Kris kay Summer habang sinasabi niya iyon. "Tss. Ewan ko ba't di parin nakakausap ni Fey si boss tungkol sa plano natin eh." Napatingala ako sa langit sa sinabi niya.

"Don't worry about that, alam ko namang hindi gano'n ka slow ang loading ng utak ni boss pagdating sa ganitong bagay eh kaya isang salita pa lang ay maiintindihan na niya." Sabi ko at tinapik ang balikat niya. Ngumiti ako at nagtuloy na sa likod ng building kung saan ako hinihintay ni Stryker. Nakalimutan kong magpapalipad nga pala ako ng patalim ngayong araw.

Paliko na ako ng may marinig akong mahinang kaluskos sa di kalayuan. Mahina man ay klarong-klaro ko ang ingay ng kaluskos dahil na rin sa tahimik ang lugar patungong likod ng building. Nagpanggap akong walang narinig at nagpatuloy sa aking paglalakad. I'm not sure if it's really a human or just a stray cat but I better be alert kasi sa mga nagdaang araw ilang beses na rin akong nakakaramdam na parang may nagmamasid sa amin.

I doubt that it's VS kasi parang wala naman silang alam at lalo na ngayon ay iniisip kong mas naka-focus sila kay Rema na laging napupuntirya ng mga kalaban. 

Nang isang liko ko nalang sa kaliwa ay mararating ko na ang kinaroroonan ni Ean biglang may kuminang na bagay sa gilid ng mata ko at may isa namang papalapit mismo kay Ean na walang malay na nakaupo sa bench at nakayuko, mukhang natutulog.

"EAN!" Tawag ko sa kanya at lumingon ako sa aking gilid nang papalapit na sa akin ng kumikinang na bagay na nakita ko kanina. I bent backwards at dinakip ang dagger saka ko iyon tinira sa papapuntang dagger kay Ean na tatanga-tangang nagkamot ng mata. Matagumpay ko naman itong nalihis ng target. "Ean! Takbo!" Sigaw ko at hinila si Ean na half-sleep parin at di pa naiintindihan ang sitwasiyon niya.

May iilang mga daggers pa akong nakita kaya marahas kong hiniga sa damuhan si Ean kaya siya napaungol. I covered for him kasi alam kong siya ang target ng mga ungas. Gumulong ako papalayo kay Ean at nagcrouch ako't binunot ang dagger na nasa loob ng sapatos ko. Pinunterya ko ang likod ng mga bulalak kung saan nanggagaling ang mga daggers. Muli akong bumunot ng dagger sa kabila kong sapatos at tumambling ako paharap sa aking likuran saka ko tinapon ang dagger ko sa isa pang pinanggalingan ng daggers. 

"W-wha--Anong nangyayari?" Bulalas ni Ean at tumayo siya. 

"Dumapa ka muna, Ean! Di pa lumalabas ang mga may balak pumatay sa'yo!" Sabi ko at naglabas ng dalawang baril at mabilis kong nalagyan ng silencer ang dalawa saka ko hinagis ang isa kay Ean. Alam kong walang dalang baril si Ean ngayon dahil kanina nang hiniga ko siya nahawakan ko pa baywang niya kaya aminado akong wala siyang armas.

Pumwesto siya sa likuran ko at kani-kaniya kaming tutok sa dalawang parte ng lugar na ito. "Tss. Sabi na nga ba at aatake kayo within this week eh but I'm not expecting that our enemy is such a coward despite its name, Venom." I know that provoking the enemy is like digging your own grave but I don't care, I just can't stand cowardly attacks like this.

Paradise in the Middle of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon