Thirty-Five

782 34 33
                                    

Babala: Sa ikli ng chap, wag kayong mag-expect na maganda ang naisulat XD wahahaha --shun 

  

 

• Renz's POV 

Maaga akong pumunta sa school, nakakapagod pala ang mag-alaga ng may sakit. Napagdesisyonan kong sa library muna at para mabasa ko rin ang gawa niyang thesis. Napansin kong di pa tapos ito at kumuha ng libro sa bookshelf, naupo ako sa lapag at binasa ito pero sadyang makapangyarihan ang mga letra at napapikit ang mga mata ko.

Kinusot-kusot ko ang aking mata para di ako tuluyang makatulog pero sa muling pagbuka nito ay nakaupo na ako sa damuhan at nabilad ang sarili sa init. Tumingala ako't tinakpan ng kamay ko ang maliwanag na sinag ng araw, it's hot but it's bearable.

I wander around this beautiful meadow hanggang sa nakakita ako ng isang puno na may katamtamang taas at namumunga ito ng kakaibang prutas, kulay puso ito at may korteng bibig sa gitna. Di ko na lang pinansin iyon at natatakam na akong kagatin ang kakaibang prutas naa hawak ko.

Bago pa man bumuka ang bibig ko, naramdaman ko ang pagdampi ng isang malambot na labi sa aking mga labi, it's so soft that it's soothing. When I searched for those lips, naitapon ko ang prutas dahil yun pala ang humalik sa akin. Napakusot ako ng mata hanggang sa malaman kong nakabalik na pala ako sa library. 

Panaginip? Tanong ko sa aking sarili. Wala sa sarili akong napalingon sa katabi ko at kusang kumunot ang noo ko sa ngisi niya. "Stop dreaming about me Renz, rise and shine. we got class to attend to." 

Imbis na gumanti, napadako ang tingin ko sa mga labi niya hanggang sa magtagpo ang aming mga mata. If those lips were to touch mine, would it be soft like those lips in my dreams?  

Napabalik ako sa ulirat ko nang magmadali siyang tumayo. Pansin ko ang pagkairita sa kanyang mukha. May nagawa ba akong ikinainis niya? May nangyari ba? "Kondou!!" Hiyaw ko pero walang lingon-likod niya akong iniwan sa library. 

On my way to our room, nakasalubong ko pa si Shin, yung lalakeng nakausap namin sa library. Mula pagpasok namin sa room ay nakaramdam na ako ng isang nakakatakot na titig pero binalewala ko nalang iyon at nagtuloy na sa upuan.

Nagulat pa akong gustong tumabi sa akin ni Shin pero ito namang katabi ko, sa di malamang dahilan, ay inis na inis sa gustong mangyari ni Shin. Irritated? Agitated? Annoyed? Ano pa ba ang pwedeng ilarawan sa mukha niya, lahat ata ng inis sa mundo ay nasa kanya na. Nang sinita ko siya, mas lumala pa yata ang inis niya. Nararamdaman kong sinisigaw ng utak niya na HINDI MO MAIINTINDIHAN.  

He's been acting strange the whole subject, naisipan ko nang kausapin siya pagkatapos ng subject na 'to pero pagtunog pa lang ng bell ay kumaripas na siya papunta sa pintuan kaya wala akong nagawa kundi ang sundan siya.

"Boss!!" Napalingon ako at medyo iritado na kasi naguguluhan ako sa inasta ng lalakeng 'yon. Hindi na ako nagsalita pa at hinintay si Synthx na sabihin ang kanyang gustong sabihin. "Tungkol ito kay Yumiko." Panimula niya na hinarang ko. Hindi dapat namin pag-usapan ang ganyang bagay sa publiko, hindi natin alam baka may nagmamasid pala sa amin.

"Mamaya na yan, Synthx. May aasikasuhin lang ako sandali." Pagpapaalam ko sa kanya na agad niya namang tinanguan bilang pagpayag.

Halos patakbo ko nang binabagtas ang  hallway at nakarinig ako ng sagutan, hindi pa masyadong klaro ang mga sinasabi nila hanggang sa makita ko na kinuwelyuhan ni Rikuo si Shin. Anong nangyayari? Yan ang unang tanong na pumasok agad sa isip ko pero di ako nagdalawang isip na hilahin papalayo si Rikuo doon patungo sa dead end hallway ng school kung saan wala nang makikitang estudyante.

Paradise in the Middle of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon