Four

1.8K 47 183
                                    

• Yllena's POV •

"Welcome home, Safe!" Sigaw naming lahat sabay sabog confetti except Summer, lagi yang tahimik at aakalain mong pipi. Si Leader o Boss lang lagi kinakausap ng babaeng 'yan eh. Pero wag kayo, pag tinamaan ng pagka abnormal 'yan, mapapamasahe kayo sa ulo, at aabot sa time na baka di niyo na siya matantsa.

"Kayo naghanda nito?" Di makapaniwalang wika ni Safe.

"Hindi, hindi kami Safe. Yung taga kabilang baryo, gusto mo? Tanga mo din eh, tayo lang naman nakakapasok dito sa penthouse." Pambabara naman ni Fey.

"May galit? Umbagan kita eh!" Ayun at nagpapaangasan na ang dalawa. Babae ba talaga 'tong mga kasama ko ha? Nagsalita naman akong hindi maangas.

"Tama na 'yan, kakauwi pa nga lang, plano mo ulit bumalik ng ospital?" Natatawang tanong ni Alex.

Nagsagutan na silang lahat at isa pa 'tong si Bestie CJ kahit hindi kasali, nakikisali, nakikiuso. Tch, whatever.

"ANO BA! TANGNA KAYO! MAGPAPARTY O SUSUNOD KAYO KAY SAFE SA OSPITAL?" Yan na nga ba sinasabi ko eh. Badtrip na nga si Leader, di pa napansin ng mga kasama ko.

Mainit pa ulo ni Renz dahil sa huling nangyari dun sa ambush, two weeks ago.

[Flashback...]

Kakaibang go signal din ang pinakawalan ni Renz. Plano niya sanang iputok lang ang baril para magbigay alam sa dalawang grupo na naririto kami pero nagulantang din kami nang may sumunod na putok na inakala naming si Renz, pero pati siya nagulat kaya nagtago ulit kami.

Ilang putok rin bago kami nagpasyang lumabas at tumambad sa amin ang bumulagtang ART Gang. Mabagal na pumalakpak si Renz na tila nagpapasalamat dahil binawasan na ng VS ang makakalaban namin.

May napasipol naman ang isa sa kanila. Kanya-kanya kami ng reaction hanggang sa magpalitan na ng salita ang dalawang leader.

Nagulat kaming lahat sa pagtutok ni Renz ng kanyang baril sa panga ng leader ng VS Mafia. Kaya tuloy napabunot narin yung mga kasamahan ng kalaban pati narin kami pero wag kayo, close combat lang ako ngayon kaya't kinwelyuhan ko yung isa sa kanila nung nagkalapit kaming lahat.

Kanya- kanyang tutok ng baril ang mga kasamahan ko at patuloy parin sa pagpapalitan ng tingin sina Renz at ang leader ng kabila.

"Ibaba mo baril mo, sino ka ba para tut--." Di pa tapos magsalita ang tinutukan ng baril ni Alex nang pinigilan siya ng kaharap ni Renz.

"Okay lang ako, Ean.-- Rinse, right? Di ko alam pinagsasabi mo at pwedeng pakitanggal ng baril sa panga ko? Hindi iyan laruan ng isang babae." Maginoo niyang wika na pinandirian ko, at kailan pa naging Rinse ang pangalan ni Renz? Balak niya bang banlawan si Renz? May pahawak-hawak pa sa kamay, gunggong! Wrong move 'yan dude!

"Boss!" Napadiin ang mga baril paabante nang diniin ni Renz ang baril niya sa panga ng kalaban at nakakangawit na rin harangan ang lalaking sumipol kanina na parang manyak kung makatingin sa akin. Tch. Hampasin ko 'to ng liyabe na nakasukbit sa pantalon ko eh.

"Pasasabugin ko bungo mo kapalit ng pagkamatay ni Yumiko!" Hiyaw ni Renz na handa nang ipaputok ang kanyang baril nang makarinig kami ng sirena ng mga pulis.

"Fvck! Boss! Nandito mga pulis!" Sabay na sabi ni Alex at nang isang kasamahan ng Vora Syn.

"We're not done yet." Madiing wika ni Renz saka binitawan ang batang leader ng VS.

Paradise in the Middle of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon