Twenty-Three

1K 39 61
                                    

• Renz's POV •

 

 

Pagkatapos ng nangyari  ay halos wala ako sa sarili kong umuwi ng condo. Nalilito ako. Nakakap*ta ang ganito. 

He'll declare that Yumiko's his first love then punched the damn glass and walk out? The fvck! I'm still confused! He left me confused. 

Yumiko, siya ba ang tinutukoy mo? Siya ba? Oh Ghad! I'm so fvcked up! I don't know what to do anymore! Ano ba talaga ang ipinaglalaban ko dito? Why did I go against their group? Bakit nangyari ang lahat ng ito? I'm so fvcking tired and pre-occupied.

His first love... Why does my heart hurt?

Ipinatong ko ang likod ng palad ko sa aking noo at pinagmasdan ang kisame.

Suddenly my phone rang...

[Mom calling..]

Oh fvck! I forgot the event! 

"Mom?" 

"Where are you? Kanina pa kita hinahanap." She asked. Napabuntong hininga ako.

"Mom, nasa condo na ako. Sorry but I need to rest." Then I hang up on her. Sa susunod ko na poproblemahin ang bunganga niya, I'm tired and I can't even think of moving an inch on my bed.

Lumapit si Miko sa akin at humiga sa tabi ko. He comforts me everytime when I'm feeling down. He kissed my cheeks and my lips and suddenly I feel at ease.

The next morning I woke up. I did my morning rituals and proceeded to the parking lot. Kahit na lutang ako magdrive ay safe parin akong nakarating sa destinasyon ko. Bumaba ako doon at kinuha ang bulaklak na binili ko sa nadaan kong tindahan kanina, as well as kandila.

"Oyy, Yumiko. Siya ba yung lalakeng tinutukoy mo? At nainlab ka pa sa isang tulad niya?" Napapailing ako habang sinisindihan ang kandila sa harap ng puntod ni Yumiko. Oo, nasa sementeryo ako ngayon, nakaupo ako sa bermuda grass at inaayos ang bulaklak na dala ko. Nilagay ko iyon sa vase.

"Alam mo... miss na kita. Ang rami nang nangyari sa amin simula nung mamatay ka. Ikaw kasing bruha ka, may papatay patay ka pang nalalaman." Pinagsasabi ko dito sa lapida ng best friend ko? Alam ko namang di sasagot ang bangkay niya pero salita parin ako ng salita na parang baliw.

Napasimangot ako nang maalala ko si Kondou. 

"Maaga yata akong mamatay dahil sa Kondou na yan eh." Sabi ko sabay hilot sa noo ko.

Bumuntong hininga nalang ako. Kung kailan ang dami kong problema, ngayon pa wala ang nakakausap ko. Buhay nga naman oh. 

Humiga ako sa bermuda grass at nilasap ang hangin at sinag ng araw sa oras ng alas sais. Oo, maaga akong pumanhik para pumunta sa puntod ng baliw kong best friend. Bait ko no? Patay na nga, binubully ko pa.

"Huh? What happened to the sun?" Tanong ko sa sarili ko nang biglang dumilim. Nakapikit kasi ako. Pagdilat ko ay isang mukha ang malapit na malapit sa akin at may plano pa yata akong halikan.

"Ow!" Daing niya. Sinuntok ko kasi, pervert eh. Humiga lang ako dito, hahalikan niya na ako. Aba'y leche siya, dapat ko siyang turuan ng leksyon at bigyan ng karampatang parusa. "That's one fiery punch you got there, babe." 

Nanliit mata ko lalo na sa ngisi niya. Anong ginagawa ng isang Caelum Magners dito? Kaya pala manghahalik, eh pervert to sa lahat ng pervert eh.

"Anong ginagawa mo dito, Magners?" Malamig kong tugon dito at pinukulan siya ng masamang tingin.

Paradise in the Middle of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon