• Rake's POV •
nakabusangot kong tinahak ang corridor papunta sa Faculty room ng Arts Department at pinapatawag ako ng Prof. ko sa Literature. Kung di lang ako tagilid sakaniya di ko siya sisiputin e. Malamang wala nanaman siyang wonder pets kaya napag diskitahan nanaman niya pangalan ko.
"Yooooo~ Rakeeey!" napalingon ako sa nakakapikon na boses ni Dim. nakita kong nakaakbay siya kay Shion
"Di niyo ko binalitaan na nag Dedate na pala kayo." nakangisi kong bati sakanila.
"Gago!" singhal sakin ni Shion.
"Tss. PADING!"
"saan lakad mo pre?" usisa sakin ni Dim
"dun" turo ko sa di kalayuang pinto ng lungga ng matatandang dalaga.
"Haneeeep, man chichiks ng thunders!" kantiyaw sakin ni Shion.
"Kulubot na pala mga tipo mo ngayon tol a? " gatong ni Dim.
"Tss" iniwan ko silang tumatawa sa kababawan nila. di ko talaga alam bakit nabarkada ako sa abnoy e. ang kikitid ng kaligayahan e.
kumatok ako ng tatlong beses bago dumungaw sa pinto, agad bumulaga sakin ang mga mamatatandang babaeng may salamin at lahat ay nakatitig sa direksyon ko. namataan ko ang Prof ko sa bandang dulo na desk. kaya naman punasoknako at lumapit.
"Ma'am pinapatawag niyo daw ako?" napaangat siya ng tingin at umaliwalas muka niya. Sh*t creepy a.
"Ahh! Rikaforte good thing yoy came, wala kasi yung librarian natin kaya nag kalat ang libro sa Library, kailangan lang mag shelving may isa narin akong estudiyante na nautusan baka naman pwede mong tulungan? " tss. its not a question, more like ang choice lang yan e. would you Do it or Do it?
"Yah sure. ge po punta na ako"
"Thank you Iho!" lul basta aayusin mo Grade ko hayup.
sinimulan ko na mag punta sa library at normal naman ito nag kalat ang mga apat ang mata sa bawat sulok at nag aaral. Nakakabinging katahimikan. bilib don ako sa mga nag tatrabaho dito nakakayanan nila yung katahimikan.
hinanap ko kagad yung volunteer student ni Ma'am malay ko kung volunteer nga ba yun o napilitan lang din gaya ko.
habang nag lalakad ako sa gitna netong mga shelve nakarinig ako ng kalampag ng bakal.
"Holllyyy shieeeeet" agad akong napatakbo sa pinagagalingan ng ingay saktong nakita ko isang babaeng may Asul na buhok at mahuhulog na ang na out of balance niyang hagdan.
reflexes moved on its own pareha kong braso ay gumalaw paharap na parang sasalo lang ng isang sakong bigas at napadasal ako ng bahagya na sana sumakto landing ng likod niya sa bisig ko.
"nice fall babe."
pagka salo ko sakaniya ay agad akong tumalikod para naman saluhin ang patagilid na nadulas na hagdan.
aray. masakit sa likod taena di biro yung pagkakahapas nito sa likod ko.
"Ikaw?!" pabulong nilang bulaslas.
"Tss" bumaba siya sa pagkakabuhat ko, kaya naman inalis ko na ang humampas sa likod ko.
"Ginagawa mo dito?!" ewan ko kung saan gawa utak ni CJ, bubulong nalang pasigaw pa.
"malamang para tulungan ka."
"Ikaw?! ang dami daming pwedeng utusan at ipadala dito ikaw pa?!" kahit kelan, kahit saan mo ilagay. bingangera talaga.

BINABASA MO ANG
Paradise in the Middle of Hell
Action°°°° On-Going °°°° Mafia and Gangsters. This sentence explains a perfect conflict. these two are the perfectly made art of war. will they ever learn or discover the image of peace and unity?