Kris' POV
"Wala parin ba Kris?" Naiinip na wika ni Synthx.
"Pwede ba, 'wag kang mainis diyan at pati na rin ako nadadamay! Bwisit kasi, ilang beses pa ba ako tatawag bago sagutin ni Fey yung phone niya?" Kanina pa ako imbiyerna sa pagiging kilos pagong ng tinatawagan ko. Pang-sampu na siguro 'tong tawag na 'to. Nakakainis na.
"Takte, ingay niyo! May natutulog!" Singhal ni Ava. Kakagising niya lang siguro.
"Ay pucha! Namatay yung champ ko! Pakyu Ava! Kanina ka pa! Napatay ako ng isang weak pucha! QUIT!" Nanggagalaiting sabi ni Alex. Napapasabunot pa siya sa sarili. Naglalaro na naman siguro yan ng LOL tapos na tabig ni Ava yung kamay.
"Always ka nalang nagkakalikot ng cars Yllena, hangout with me naman for a change." kita ko namang papasok pa lang sina CJ at Yllena galing sa garahe.
"Ano Kris? Wala parin?" Ani Synthx.
"Wala parin eh, nasaan na kaya yung bubwit na yun?" Bulalas ko naman. "Teka nga, bakit ako ang tumatawag? Walang kang cellphone? Aba'y bago yun ah! Ikaw na mahilig sa gadgets, walang cellphone?" Tumawa pa ako.
"Naiwan ko sa taas, tinamad akong kunin eh kaya ikaw nalang." Taas noong sagot niya. Aba aba aba!
"Hindi kaya nasa panganib siya?" Synthx concluded. Natahimik naman kaming lahat.
Sa pagmamadali, halos magtulakan kami paakyat ng hagdan. Pumasok kami sa kwartong tinatawag ni Synthx naa 'Surveillance Room'. May pinagpipindot siya doon sa kanyang keyboard at lumabas sa kaharap niyang monitor ang isang mapa ng buong QC at ilang pulang kumikislap na tuldok ang nakita namin roon.
"May mga magkakasamang pulang tuldok dito, 'yan tayo." Pagturo niya sa mga nagkumpulang mga pulang tuldok. May ilang tuldok ang nagkahiwa-hiwalay.
Pinindot ni Synthx ang isang tuldok na nasa kaliwang bahagi ng aming penthouse. Nakita namin doon ang personal info ni Boss. Nakauwi na siya sa condo niya. Sunod namang pinindot ni Synthx ang pulang tuldok malapit sa kay Boss. Sunod naming nakita ang info ni Safe. Mukhang nasa bahay niya na din siya.
"Nasa bahay din nila sina Millen at Summer kaya sigurado akong si Fey ang isang 'to." Bulalas ni Synthx at nakita nga namin ang info ni Fey.
"Bakit may tracker ang bawat isa sa atin?" Isang tanong ni Yllena na nagpaisip sa amin.
"I put trackers with your personal info's in the ring. I did it recently when I asked you guys to hand over your rings. Since, we're facing bigger groups right now, mas kailangan natin maging listo at kailangan nating protektahan hindi lang ang sarili natin pati narin ang iba. Ako lang at si Fey ang nakakaalam nito until now." Mahabang paliwanag niya.
"So, why is Fey in that kind of place? If I'm not mistaken, it's an abandoned building. It was burned down a year ago." Napatingin naman kami sa monitor.
Tama nga si CJ, nasa abandonadong gusali nga si Fey. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng matinding kaba.
Tinawagan namin sina Boss para sabihin sa kanila na papunta kami doon. Sa paglalakad ko papuntang garahe nabangga ko pa si Yllena, mukhang malalim ang iniisip ng boba.
"Something wrong?" Tanong ko. Eh sa muntanga talaga siya eh.
"A-ah.. wala. wala." Weird.

BINABASA MO ANG
Paradise in the Middle of Hell
Action°°°° On-Going °°°° Mafia and Gangsters. This sentence explains a perfect conflict. these two are the perfectly made art of war. will they ever learn or discover the image of peace and unity?