Sixteen

1.2K 39 124
                                    

• Aaron's POV •

halos ilang linggo ako wala sa litrato, bakit? salamat sa pesteng basketball camp na to.

napag desisyunan kong mag punta agad ng tambayan, malamang saan pa ba ako pupulutin kundi dito lang.

"SINONG NAMISS NG LAHAAAT?!" hiyaw ko at inangat ko pa ang dalawang kamay ko.

at sa sobrang mapagmahal ng tropa ko, lahat sila ay nag angat ng dirty finger sakin at naka poker face.

"Takte.." bulong ko saking sarili. siguro sobrang miss nila ako wala na silang ibanag masabi, agad akong nag tungo sa couch at sumalampak dun.

"Oh Aaron saan ka galing?" isang pamilyar na tinig ang nadinig ko. kaya naman luminga ako saking likod napatayo ako sa couch at dinuro si Zeke habang hawak naman ng isang kamay ko ang aking bibig.

"Holy sh*t, ZEKE?!" hiyaw ko.

Nag kibit balikat lamang ang ungas. "The one and only Zeke Riyota" walang gana niyang tugon.

agad akong tumakbo palapit sakaniya at inakbayan siya, kinutusan ko ang mokong "Taaangggg 'naaa tol kelan ka pa dumating!!"

"Nung isang araw lang dumating yang kupal na yan, walang dalang chiks." sabat ni Dim, kita mo to di na nag bago.

nilibot ko sa silid ang paningin ko, at isa lang ang tila bago sakin. yung billiard table wala atang nagamit? which is, himala dahil kulang nalang pakasalan ni Gab yan. Lahat halos sila ay narito, maliban kay Boss at Ean.

si Caelum sa kitchen counter, sa harap niya naman si Rake na nakaupo sa long stool. Si Dim naman ay nasa one seater couch nag babasa nanaman ng FHM, may bago pa ba? si Shion sa sofa at papakasalan na ata ang kape niya si Xylan? ayun nasa sariling mundo niya sa dining table kaharap ang laptop niya. si Ean? malay ko kung asan yun, di na dapat hinahanap yun. si Boss naman lulubog lilitaw.

"oh! himala ata walang nag bibilyar? asan si Gab?" ang ingay ay biglang napalitan ng katahimikan lahat sila nakatitig sakin na tila wala akong alam. WALA NAMAN TALAGA! punyemas nasa Basketball camp ako e. well~ wala e, poging varsity ng LBU to mga dre.

"Wala na si Gab pre." monotone na sagot sakin ni Rake.

"Andito na sila, kaya ako umuwi ng Manila. Para sana mag bigay ng warning.. kaso nahuli na ako, natambangan na nila si Gab." mahabang paliwanag ni Zeke.

Bata palang si Boss napilitan ang Kondou family na lumipat ng Manila, kaya nga heto kami ngayon sa puder nila. Umalis sila sa Japan dahil para narin makaiwas sa nag babadiyang cold war. di biro ang laban ng mga Mafia, una sa lahat mapride kami. At mukang di pa sila nakuntento na hawak na nila ang Japan. Mukang balak pa nila umepal dito sa Pinas.

Minsan talaga inaamin ko Pentium 1 utak ko, mga ilang enter bago ko maprocess. Pero ayaw talaga tanggapin ng utak ko yung katotohanan na nalagasan kami e.

"Onga pala Aaron, since namundok ka. Buntis din si Yumiko." at literal na bumagsak panga ko sa sinabi ni Shion.

"And I can't believe she's pregnant" marahan akong napalingon kay boss na kakapasok palang ng silid.

hinawakan ni Zeke ang baba ko para isara ang bibig ko. "Baho pre." bulong niya sakin.

aba'y gago to a. pero di ko nalang pinansin, kasi... WHAT?! BUNTIS SI YUMIKO?!

"So what's your further plans about this matter Boss?" prenteng tanong ni Caelum na nasa kitchen counter at nainom ng beer.

naglakad si Boss patungo sa one seater couch at nag sindi ng yosi. "Keep her safe. Zeke, alam mo ba eksaktong bilang nila dito?"

Paradise in the Middle of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon