• Alex's POV •
Kasama ko ngayon si Millen na naglalakad sa hallway ng building namin. Papunta na kami sa susunod naming klase, ang boring ng kasama ko, ayaw magsalita.
"Ahh, Millen. Ano sa tingin mo ang mangyayari sa atin sa klase?" Ang bopols ko naman gumawa ng topic, kainis kasi tong kasama ko, pipi eh.
"Nakakaantok." Walang gana niyang sagot. Nga naman, ano ba namang aasahan ko sa mga sagot niyang daig pa ang mga tsino sa pagkatipid.
Pero masakit parin katawan ko dahil sa bonding namin kagabi, mahirap na talaga pag puro mga amazona ang kasama mo.
Pagkarating namin sa klase, nagsitinginan ang mga kapwa namin estudyante, hindi pala sa akin kundi sa kasama ko.
'Bakit kasama niya si Millen? Isa rin ba siyang gangster?'
'Imposible, tignan mo nga ang mukha niyan, pag dinilatan mo siguro ng mata, mapapaluhod sa takot yan'
'Eh bakit nga niya kasama si Millen na gangster kagaya ni Synthx?'
'Ewan ko, siguro alalay niya yan'
Aba naman talagang ginagalit ako ng mga tao dito ah. Kung pag-usapan lang naman ako, yung hindi ko naririnig ha? At saka, hindi niya ako alalay! Actually senior gangster ako. Isa ako sa mga co-founder ng gang, junior ko lang si Millen.
Di ko nga pala nasabi na si Millen, Summer, Synthx at Ava ay dito nag-aaral. Nagtransfer lang kami nina boss.
Malaki naman ang LoneBridge University at nainform rin ako na Tita ni Synthx ang Dean ng school. Marumi na pala pangalan ng mga kaibigan ko dito, kaya nga lang hindi marurumi mukha nila, di katulad ng mga nag-uusap dito na yung iba VERY ROCKIE ROAD flavor sa ice cream ang mukha. Alam niyo na, maraming taghiyawat at butas butas sa mukha na parang surface ng moon.
Makaupo na nga lang. Napili naming umupo ni Millen sa likuran sa bandang kaliwa. Dahil walang gustong umupo sa harap namin, pinaharap ko ang arm chair na nasa harapan ko at pinatong ang paa ko dun.
Tinukod ko ang siko ko sa armchair ko at tinignan ng masama ang mga nakatingin sa akin. Galit na galit ang kanilang mga tingin sa akin dahil sa aking ginawa. Bakit ba? Wala naman sigurong uupo dito diba?
"Oyy, Millen, ano ba ginawa niyo sa mga stupidents di--"
"Napakawalang respeto mo, hindi mo dapat tinatawag ang kapwa mo estudyante na stupidents!" Bulyaw ng isang babae na nagpaputol sa tanong ko kay Millen.
"Tsk." Yun lang ang tanging nasabi ni Millen. Matapang rin ang isang 'to ah.
Binaba ko ang mga paa ko, tumayo ako't nilapitan siya na bahagyang napaatras. "Bakit? Dahil sa ginawa mo, tatawagin na ba kitang super hero? Bagay lang sa'yo ang tawaging stupident, miss." Hinawakan ko ang baba niya at nagbangga ang dulo ng aming mga ilong.
"Isa ka lang transferee dito kaya matuto kang lumugar!" Pagtatanggol ng lalake sa babae na agad kong ikinangisi.
"May gusto ka ba sa kanya? Bakit di mo siya halikan sa harap ko?" Mapang-asar akong ngumisi sa kanya. Kita ko namang nagtagis ang kanyang mga bagang. Nakalimutan ko na ang sakit ng aking katawan dahil sa nag-eenjoy ako sa aking ginagawa.
"A-ano... Nahihibang ka na!" Bulalas ng babae na akma pa akong sasampalin nang madakip ito ng kaliwa kong kamay.
"Tsk tsk tsk. Too slow." Agad ko siyang sinampal dahilan para mapasandal siya sa kalapit na lalake sa likuran. Napalakas ko yata.

BINABASA MO ANG
Paradise in the Middle of Hell
Hành động°°°° On-Going °°°° Mafia and Gangsters. This sentence explains a perfect conflict. these two are the perfectly made art of war. will they ever learn or discover the image of peace and unity?