• Ava's POV •
Thank goodness I'm back from my hot summer vacation in boracay. Yep, you read it right, I took a vacation that's why I'm not visiting the penthouse, I miss everybody except Fey, she was with me in boracay.
Ang saya ng buhay doon eh, lahat ng alak natikman ko! My ALCOHOL RADAR never fails me. Marami talaga akong nainom dun, I'm a certified liver killer. Pake niyo ba?
I started drinking when my Dad died. Yeah, patay na siya, R.I.P daddy. And then ako ang sinisisi ng Mama sa pagkamatay niya samahan mo pa ng mapang-aping kapatid na nagmumukhang anghel sa harap ng iba pero mataas pa pala sungay kesa kay satanas pagdating sa akin. I'M REALLY THANKFUL, note the sarcasm guys.
Sinekreto namin ang pagpunta sa boracay kina Renz at baka kulitin kami ng mga iyon o kaya ay bugbugin ako ni boss dahil di siya sinama at kami lang ang nagpapakasaya. Masaya naman sila dito sa 3 weeks naming bakasyon sa boracay. Nakipagbubugan pa nga daw sina Renz sa mga nagbabalak na mga gang na kumalaban sa amin eh.
I chose Fey because she's an orphan and she lives in the orphanage. At such a young age, namatay na ang mama niya without knowing the whereabouts of her irresponsible father and the last thing that happened to her was the betrayal of her so called best friend. May balak siyang maghinganti which is pinigilan ni boss.
Sabi ni boss sa kanya na pag-isipan niya muna ang kanyang gagawin, maybe her bestfriend did something awful to her, still, magsisisi lang siya kung magpapadalos-dalos siya. Until now, wala pa namang ginagawang hakbang si Fey and one more thing is, hindi na niya alam kung saan pa makikita ang ex-bestfriend.
Tutal wala naman akong gagawin dito sa loob ng unit ko, bibisita na ako sa Penthouse, sigurado akong kakatayin ako ng mga tanong mamaya.
I called Fey na pupunta ako sa penthouse pero ang sabi niya, nandun na daw siya at ako nalang daw ang kulang sa tropa.
Kinuha ko ang bag ko at nagmadaling lumabas sa unit ko. Pero napahinto ako sa harap ng elevator, may nakalimutan yata ako. Nakalimutan ko pala magbaon ng isang canned beer. Kaya bumalik ako sa unit at kumuha ng isa.
Hindi pwedeng wala akong baon, mababagot ako sa kotse lalo na kung natapatan ako ng stop light. Inom din pag may time, yung ganun. HAHA.
Pagkadating ko sa parking lot, pinindot ko ang button ng car key ko and my car made a sound. Pumasok na ako dito't sinuklay muna ang aking buhok gamit ang kamay at binuksan ang beer. Isang lagok ng beer muna bago ko pinaandar ang kotse at umalis sa building.
Ghad, di kinaya ng aircon ko ang init ng Pilipinas! Makapagdala nga ng isang bloke ng yelo sa susunod.
Di ko namalayan na naubos ko na pala ang beer at tamang-tama ay nakarating na ako sa penthouse. Namulbo ako, nag-apply ng lipstick, put my shades on at sumubo ng Orbit mint candy.
I performed my dramatic exit sa kotse, slow motion kumbaga. Wala akong pake kung walang nakakakita, ang alam ko may CCTV sa buong paligid ng penthouse kasama na dun ang sa harap. Alam kong nakatingin si Synthx sa mga cameras ngayon dahil lage yang nagmomonitor for suspicious activities sa labas ng penthouse.
Sa laki ng penthouse, di ko alam kung bakit lage kaming nasa sala tumatambay at kung bakit dalawang kwarto lang din ang pinalagay ng mga bruha kong kaibigan. Malalaman natin ang mga kasagutan na yan sa paggala ko mamaya sa loob.
Marahas kong tinulak ang pinto na umagaw sa atensyon nilang lahat. "Ava! How could you!" Bulyaw sa akin ni Renz.
I smirked as I saw her face. "Bakit? Magulo kung isasama ko kayo kaya minabuti ko nalang na si Fey ang isama. Lalo ka na boss, masyadong mainitin ang ulo mo, mainit na nga sa boracay, nakikisabay ka pa at feeling mo may El Nino na. Tsaka nag-enjoy naman kayo sa pambubugbog eh kaya quits na tayo." Nakangisi kong wika.
BINABASA MO ANG
Paradise in the Middle of Hell
Action°°°° On-Going °°°° Mafia and Gangsters. This sentence explains a perfect conflict. these two are the perfectly made art of war. will they ever learn or discover the image of peace and unity?