Two

2.1K 58 247
                                    

Renz's POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas nung gabing pinatay si Yumiko. Galit na galit ako, gusto kong pumatay ng tao sa galit!

Nadagdagan pa ang galit ko nang di na ito inaasikaso ng mga pulis at matagal na rin itong pinatay sa media. Pati ang pamilya ni Yumiko ay sumuko na.

Fvck! Ganun nalang iyon? Pasalamat nga ako't buhay pa si Safe na kasalukuyang nagpapagaling sa St. Lukes. Alexandria and Synthx are with her at ang ilan ko pang mga bata baka balikan siya ng mga lalakeng pumatay at bumugbog sa kanila.

"Pa'no yan, boss? Mukhang suko na rin ang pamilya ni Yumiko. Sumuko na rin tayo." Napalingon ako sa walangyang nagsalita. Giving up is not in my vocabulary.

"Anong sabi mo?" I gritted my teeth as I asked her my question. "Ang sabi ko, sumuko nalang tayo." Walang emosyong sabi ni Yllena.

The Fvck?! "Ulitin mo ang sinabi mo!!" Hiyaw ko, nagngingitngit na ako sa galit.

"Sum--" di ko na siya inabalang patapusin magsalita at sinuntok ko na siya. Tang ina! Walang preno ang bibig! "Yllena!" Pagdalo ni CJ sa bestfriend niya.

Tinulak ko siya kaya siya napasandal sa sofa. Hawak ko sa leeg si Yllena na nahilo sa suntok ko't dumugo pa ang labi. "Naknang! Kung hindi magtigil yang dila mo, ako mismo ang puputol diyan! Know your place, Yllena!" Saka ko siya binitawan.

Ginulo ko ang buhok ko. Pakshet! Lintek! Badtrip! Fvck!

[Calling Fey…]

"Hello?"

"P*ta ka! Wag mo 'kong ma-hello-hello bwisit ka! May nakuha ka ba sa inutos ko sa'yo?" Bwisit!

"Relax lang boss, heto na't dini-DL ko nalang ang video footage ng bar. Pasalamat ka't maganda ako at libre akong nakapasok sa security room. Pero nyeta! Ang hirap i-hack ng system nila." Pagmamaktol ng kausap ko.

"Dalian mo bago maubos pasensya ko sa'yo, nyeta!" Binabaan ko na siya at hinarap ang mga kasama ko sa penthouse.

Natahimik silang lahat, bangasan ko sila sa galit ko eh.

Nababagot na ako sa paghihintay kay Fey kaya nag-isip ako ng magagawa.

Paradise in the Middle of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon