Scarlet's POV
"Scarlet! Gumising ka na! Malalate na tayo!"
Ang lakas talaga makasigaw nitong kaibigan ko, nakakairita! Bumangon kaagad ako at pumunta sa banyo para maligo.
By the way, ako nga pala si Danica Scarlet Lee, 18 years old. Lumaki ako sa Korea at nag-aral ako sa Seoul National University. Consistent honor student from kinder to jigh school. My family has companies all over the world pero dito sila nagstart sa Philippines.
Kahit na lumaki ako sa Korea, marunong parin akong magtagalog. Nagtransfer ako dito sa Pilipinas para tapusin ang pagaaral ko.
Kasama ko dito sa bahay ang bestfriend ko na si Freyah Kim. Naging kaibigan ko siya from 1st year high school until now. Binubully kasi siya sa school namin before at ako ang tumutulong sakanya noon kaya kami nagkakilala.
Naligo lang ako for 30 minutes at kumuha ng damit. Simple lang ang susuotin ko ngayon, isang ripped jeans, converse shoes, at white shirt.
Lumabas na ako nang kwarto ko pagkatapos ko magbihis. Nakita ko si Freyah na kumakain habang nakatingin sa phone niya. Hindi ko siya pinansin at umupo lang ako sa tabi niya, pagtingin ko sa ulam namin, ginanahan kaagad akong kumain. Favorite ko kasi ang nakahain sa lamesa, it's actually bacon.
Napansin ko na palagi nalang siyang nakangiti habang nakatingin sa cellphone niya. Nagdududa na naman ako sakanya. Sino na naman kaya ang kalandian nito.
"Sino yan?" tanong ko sakanya
"Wala, kaibigan ko lang" sabi niya at kumain
Kaibigan pero iba ngumiti. Baka maganda lang magjoke yung kaibigan niya.
"Ahh okay"
Pinatuloy ko lang ang pagkain ko at nagtoothbrush. Sumabay lang si Freyah sakin papunta sa school, ayaw niya daw kasi magdrive ngayon.
Habang nagdadrive ako, may tumawag sa phone ko. Tinignan ko muna kung sino, si mom lang pala.
"Hello mom"
[Anak, kamusta?]
"Ok lang ako dito ma, kayo ni dad? Kamusta ang business natin diyan?"
[Okay lang kami nang dad mo anak, may konting problema lang sa business natin]
"Okay lang yan mom, kaya niyo yan"
[Thank you anak, usap nalang tayo next time, kailangan na kasi ako nang dad mo sa trabaho]
"Okay mom, pakisabi kay kuya at dad na I miss them at I love them"
[Okay anak, bye]
"Bye mom" at inend ko na ang call
Bumaba na kami ni Freyah sa kotse at pumasok sa campus, sabi ni Freyah malaki daw ang school na to and ang may ari daw ay business partner nina mom at dad kaya dito ako pinaaral ni mom.
Pagpasok namin sa campus, mga bulungan kaagad ang naririnig namin.
"Sino sila?"
"Baka mga transferee"
"Oo nga, pero mukhang mamahalin ang damit nila"
YOU ARE READING
The Bad Boy's Love
FanfictionIt all starts when Danica Scarlet Lee, a new student, transfers to the same school where the infamous Zack Lee goes and falls in love