Chapter 16

2.1K 34 1
                                    

Scarlet's POV

Malapit na ang Mr. and Ms. Campus kaya busy ang mga teachers sa pag decorate ng stage at school. Yan din ang pinag uusapan ng lahat.

Napag usapan na din namin ni Zack ang tungkol sa talent namin. Hindi pala kami magkakasabay ni Zack pag mag peperform na kami. Individual kasi.

Sa first part ng event ay magsasayaw lahat ng contestants na babae. Sa second part naman ay ang mga lalake bago ang individual na performance.

Halos araw araw na kaming nag pa-practice para sa event na to. It needs to be perfect.

Araw araw na din kaming nagkikita ni Agatha dahil dito. Iniiwasan ko siya pero hindi pwede dahil magkasama kami sa performance.

"Get ready Scarlet cause I'm winning this contest" nanunuya niyang sabi

Tumawa naman ang mga alipores niya at sabay silang umalis sa harap ko. Napailing nalang ako.

May naisip na ako para sa individual na performance pero secret lang. Malalaman niyo kapag Mr and Ms Campus na.

Tumunog bigla ang bell.

Sign na yun na kailangan na namin pumunta sa cafeteria kasi recess na. Naalala ko bigla ang nakita kong note sa armchair kanina.

Meet me at the cafeteria later...

Ano kayang kailangan ni Zack sakin? Naglakad nalang ako papunta sa cafeteria. Pagpasok ko, sinalubong kaagad ako ng ingay mula sa mga tao. Nakita ko sina Beatrice, Freyah at Carl na nakaupo sa isang table. Lumapit kaagad ako sakanila.

"Hey guys" bati ko

"Uy! Scarlet, sorry nga pala ha, iniwan ka kasi namin. Yung kuya mo kasi" sabi ni Beatrice at nahihiyang yumuko

Hayst. Halata na kayo masyado Beatrice.

"Okay lang" sagot ko

"Nakahanap ka na ba ng kasama mo para sa sayaw?" tanong ni Freyah sabay subo ng fries

"Nakahanap na ako" utas ko

Napatango naman siya sa sinabi ko.

"Goods yan. Wala ka ng poproblemahin"

Tumango din ako dahil tama siya.

"Oorder muna ako" sabi ko at tumayo

Pumunta kaagad ako sa counter para mag order. Pipili na sana ako ng pagkain nang tawagin ako ng isang babae. Nagtataka akong lumingon sakanya.

"Excuse me, ikaw ba si Scarlet?" tumango naman kaagad ako sakanya

"Bakit?"

Binigyan niya ako ng isang tray na puno ng pagkain. Ano naman gagawin ko nito.

"Kanino po to galing?" tanong ko sa babae

"Galing po yan kay sir Zack" ha?

"Ah. Okay po, salamat" sabi ko, kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko para ibigay sakanya nang pigilan niya ako

"Bakit po?" nagtataka kong tanong

"Binayaran na ito ni sir Zack" sabi niya na nakangiti

"Eatwell po" sabi niya bago ako tinalikuran

Nginitian ko nalang ang babae at naglakad na papunta sa table namin kanina. Pero asan ba siya? Bakit ibang tao ang nagbigay sakin ng pagkain eh pwede naman na siya mismo diba?

Nagulat ako nang may biglang kumuha ng tray na hawak ko. Halah! Tinignan ko ang taong naglalakad palayo sakin. Nakatalikod na sakin yung lalaking kumuha ng tray. Natigilan nalang ako ng lumingon ito sakin. Zack?

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now