Scarlet's POV
Nandito kami ngayon sa isang bar. Anong ginagawa namin dito? Nag cecelebrate dahil nanalo kami. Kasama namin ang mga friends namin. Sayang, wala sina Freyah at Carl dito. Sumunod kasi si Carl kay Freyah papunta ng Cebu, ang sweet.
Hindi na sumama ang parents namin ni Zack, masyado na daw kasi silang matatanda para mag party.
Hindi ako komportable sa suot ko ngayon. Nakasout ako ngayon ng isang shorts na sobrang iksi. Hindi naman siya masyadong maiksi kaya lang hindi kasi ako sanay. Okay naman yung pang itaas ko dahil nakasuot ako ng jacket.
Nakaupo lang ako sa isang stall, umiinom ng tequila. Kahit bata pa ako, nakakapunta pa din ako sa mag sikat na bar sa Korea, dinadala kasi ako ng bwesit kong kuya kaya natuto akong uminom. Si Zack naman pinuntahan si Zandher sa dancefloor, may sasabihin lang daw.
Katabi ko na ngayon si Trisha na lasing at kausap na yung sarili niya. May biglang tumabi sakin na lalake, hindi ko nalang ito pinansin at lumagok ng isang shot ng tequila. I think lasing na ako, umiikot na kasi ang paningin ko.
"Hi" sabi ng lalake, lumingon ako sakanya at nginitian siya. Ayoko siyang ientertain pero ayoko din maging bastos.
"Are you with someone?" tanong niya sakin, tinanguan ko lang siya
"Can you dance with me?" tanong niya sakin, umiling lang ako sakanya
"I can't, hindi ko pwedeng iwang ang kaibigan ko. Lasing na siya at walang magbabantay sakanya" sabi ko at nilingon si Trisha sa tabi ko
"Edi sumayaw nalang tayo kung saan makikita lang natin siya" ang tigas ng ulo ng lalakeng to
"I'm sorry, but it's a no, I really can't" sabi ko
"Mahina ka pala pare"
"Laos ka na pala"
Sabi ng mga lalake habang tumatawa sa kabilang stall malapit sa kinauupuan namin kanina. Ngnitian niya lang ito at lumingon ulit sakin.
"Then at least tell me your name" sabi niya sakin na may matamis na ngiti sa labi, pinulupot niya ang kanyang braso sa bewang ko
"Scarl-" hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin ng nakita ko nalang ang lalake na nakahandusay sa sahig. Halos mawalan ako ng balanse dahil sa biglaang pagbitaw ng lalake sakin. May humawak kaagad sakin, napalingon ako sa taong nasa gilid ko. Si Zack!
"Narinig mo ba siya?! Sabi ng ayaw niya!" sigaw niya sa lalake, tumayo kaagad ang lalake at tinignan ulit ako ng nakangiti. Nasuntok na nga nakangiti parin, may problema ba siya sa utak?
"Maybe next time babe" sabi niya at kinindatan ako, may problema nga sa utak, biglang tinulak ni Zack ang lalake
"Back off motherfvcker!" sabi ni Zack
"Ano ba?! What's you're problem dude?! Boyfriend ka ba niya?!" iritadong tanong ng lalake
"Hindi niya ako boyfriend, but she's off limits" sabi niya at ambang susuntukin ulit pero hinawakan ko ang braso niya.
"Stop it Zack" sabi ko, tinignan niya lang ako at hinila palabas ng bar, ng maka rating na kami sa parking lot, hinarap ko kaagad siya
"Bakit mo siya sinuntok?!" pasinghal kong sabi
"Because he touched you" sagot niya
"Nakita mo ba yong mga kaibigan ng lalake sa kabilang stall? Marami sila, paano nalang kaya kapag sumugod din sila sayo?"
"E di mabuti para maibuhos ko sakanila ang galit ko" nalaglag nalang ang panga ko sa naging sagot niya
"Napaka imposible mo talaga" sabi ko
"E ba't mo ko inawat?" siya naman ang nagtatanong sakin ngayon
"Dahil ayaw kong magkagulo kayo ng dahil sakin. Dapat sana tayo magsaya dahil nanalo tayo pero sinira mo ang gabi ko" sabi ko at naglakad pabalik ng bar
"Saan ka pupunta?" sigaw niya ng makalayo layo na ako sakanya
"Obviously, babalik sa loob!" pabalik kong sigaw, bigla siyang lumapit sakin at hinila ako patungo sa kotse niya
"Saan mo ko dadalhin?!" sigaw ko
"Uuwi tayo" sabi niya
"May kotse ako, hindi mo ko kailangang ihatid!" sabi ko
Bigla niya akong binitawan at binuksan ang kotse niya. May kinuha siya sa dashboard. Tinignan ko ang hawak niya, isang ballpen? Nagulat nalang ako ng naging isa itong matulis na bagay.
"Anong gagawin mo?" tanong ko sakanya
Naglakad siya palapit sa kotse ko kaya sinundan ko siya. Huli na ng marealize ko ang kalokohang ginawa niya. Naitusol na niya ang matulis na bagay sa gulong ko. Sinubukan ko siyang pigilan ng pati ang ibang gulong ay naibutas niya.
"Shall we go now?" malambing niya tanong
I looked at him.
"ASSHOLE!!" sigaw ko sakanya, nginitian niya lang ako, wala talaga akong kawalan pagdating sa lalaking to.
"Sumakay ka na" sabi niya
"Ayoko!" sagot ko
"Pumasok ka na kung ayaw mong buhatin kita" pagbabanta niya
"Ayoko-ahh!" bigla nalang niya akong binuhat, bridal style!
Pilit akong pumipiglas pero wala talaga akong kawalan. Hinahampas ko ang dibdib niya pero parang wala siyang nararamdaman na sakit. Nakakainis!
Ipinasok niya ako sa loob ng kotse at sinara ang pinto. Umikot pa ito papunta sa driver's seat. Nang makapasok na siya, nagpumilit akong buksan ang pinto pero nilock niya ito!
"Kapag nagpumilit ka pang lumabas hahalikan kita!" napaupo kaagad ako ng maayos, nang lumingon ako sakanya, nakangiti na siya.
Naging tahimik ang byahe namin hanggang sa makatulog ako. Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari.
Zack's POV
Pauwi na kami ni Scarlet nang bigla siyang magsalita habang nakapikit ang mga mata niya.
"Alam mo ba Zack? Na gusto kita?" napatingin ako sakanya
"Ano bang sinasabi mo Scarlet?" sabi ko at kinuha ang phone ko, irerecord ko lahat ng sinasabi niya at ipaparinig ko ito sakanya bukas.
"Mahal kita. Kaso napakaseloso mo" napangiti ako
"Well, I don't like it when others touch my belongings without my permission"
"But I'm not"
"You will be, when you say yes to me"
I said that as a joke. Ayokong mapressure siya. Kaya ko naman maghintay cause I know that waiting for her would be worth it.
"Hm. Okay"
Napalingon ako sa naging sagot niya.
"You're not being serious Scarlet. Say yes when you're not drunk" sabi ko sakanya, pero sa loob ng tiyan ko nagwawala na yung mga kulisap. Alam kong nakakabading pero kinikilig ako.
"Seryoso ako Zack" sabi niya, tinignan ko siya nang makarating na kami sa bahay nila
"Gumising ka na" sabi ko
"No, seryoso ako Zack! Mahal kita at sinasagot na kita!" pasigaw niyang sabi pero this time hindi na siya nakapikit.
"I love you!" sabi niya, ng hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko lumapit ako sakanya at tinagilid ang ulo ko para hindi magkabangga ang ilong namin at marahan ko siyang hinalikan.
"I love you too"
Para sakin, eto na ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko.
YOU ARE READING
The Bad Boy's Love
FanficIt all starts when Danica Scarlet Lee, a new student, transfers to the same school where the infamous Zack Lee goes and falls in love