Scarlet's POV
Nandito ako sa parking lot ng school at papasok na ako ngayon sa campus. Ako lang mag isa ngayon, hindi sumabay sina Freyah at Beatrice sakin. Badtrip talaga tong si Kuya at Carl. Wala tuloy akong kasama dahil sakanila.
FLASHBACK
Palabas na kami ng bahay nina Beatrice at Freyah nang makita namin si Kuya na naghihintay sa labas habang nakasandal sa kotse niya. Saan naman kaya to pupunta?
"Saan ka pupunta Kuya Voughn?" tanong ni Freyah sakanya
"Papasok ka na ba sa school Beatrice?" baling ni Kuya kay Beatrice. Obviously Kuya, nakabihis na nga oh.
"Oo" sagot ni Beatrice
"Hatid na kita" utas ni Kuya, may good side din pala tong si Kuya
"Wag na, nandito naman si Scarlet. Sasabay ako sakanya—" naputol ang sinabi ni Beatrice nang bigla siyang hilahin ni kuya papunta sa sasakyan niya.
"Kuya—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang ipaharurot niya ang kaniyang kotse.
Naiwan kami ni Freyah na nakatulala.
"Ano Freyah? Alis na tayo—" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil may pumarada na kotse sa harap namin ni Freyah.
Sino na naman to?
Binuksan ng driver ang pinto at lumabas ng kotse. Natigilan nalang ako ng tanggalin nito ang sunglasses niya. Si Carl? Don't tell me nandito siya para sunduin si Freyah?
"Anong kailangan mo Carl?" tanong ko at lumingon kay Freyah na nag bublush. Jusq.
"Ihahatid ko sana si Freyah—"
"Oo! Sige! Tara na!" sagot ni Freyah at hinila si Carl papasok ng kotse.
"Bye Scarlet!" sabi ni Carl sabay kaway, tinanguan ko nalang siya.
Pinaharurot niya kaagad ang sasakyan. Naiwan akong nakatulala doon sa labas.
Haha grabe.
END OF FLASHBACK
So yun nga ang nangyari, kaya ako mag isa ngayon. Well, sanay naman akong mag isa. Susuotin ko na sana ang earphones ko nang marinig ko ang usapan ng mga tao.
"Alam niyo ba na may nililigawan si Zack ngayon?"
"Talaga? Sino?"
"Hindi ko alam eh"
"Is he finally getting serious?"
"About time"
Ganon na pala ka bilis ang pagkalat ng balita tungkol sa panliligaw ni Zack sakin. At least, hindi nila alam kung sino yun.
"Hoy Scarlet!" napalingon ako sa likod ko nang marinig kong may tumawag sakin. Si Trisha lang pala.
"Uy, Trisha!" bati ko sabay tapik sa balikat niya
"Kumusta?" tanong ko sakanya
"Okay lang naman" sagot niya sakin
"Soooo, kumusta na kayo ni Zack?" nakangisi niyang tanong
Sabi ko nga, gusto niya lang makichismis.
"Ha? Wala ka bang ibang tanong bukod diyan?"
"Wala"
Napailing nalang ako sakanya.
"Okay lang naman kami, nililigawan na niya ako" pabulong kong sabi
"Really? Sabi ko na nga ba. Ikaw yung tinutukoy nila na nililigawan ni Zack ngayon"
"Pano mo naman nalaman?"
Umirap siya sa kawalan.
"Duh. Kasama niyo ako sa Palawan nung nag photo shoot remember? I witnessed it all. Hindi na talaga ako nagulat nung may mga rumors na kumalat sa school na may nililigawan si Zack"
Pero sino ba ang nagpakalat? Mga co candidates ko siguro?
"Sino ba naman ang mag aakala? Na si Zack Lopez na mas kilala sa school natin bilang isang bad boy at papalit palit ng babae at ang anak ng school director ay mag seseryoso sa isang babae for the first time!"
Napatango nalang ako sa sinabi niya. Napaisip ako na pano kung maging isa ako sa mga babae na sasaktan at paaasahin niya lang sa huli?
Hah! Papatayin ko talaga siya kapag sinaktan niya ko. Makakatikim siya sakin.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa mga classrooms namin. Nagpaalam na si Trisha nung nasa harap na siya ng room niya kaya umalis na din ako.
Pumasok na din ako sa room ko at pumunta sa upuan ko. Uupo na sana ako nang may makita akong isang sticky note sa armchair ko.
Magagalit na sana ako kasi akala ko may dumikit ng basura sa armchair ko pero nakita ko ang pangalan ni Zack sa note. Binasa ko kaagad ito.
Meet me at the cafeteria later — Zack
Pwede niya naman akong itext. Ano pang use ng pag exchange ng numbers namin diba?
Ano naman kaya ang kailangan nun sakin?
YOU ARE READING
The Bad Boy's Love
FanficIt all starts when Danica Scarlet Lee, a new student, transfers to the same school where the infamous Zack Lee goes and falls in love