Zack's POV
Continuation of flashback...
"Crystal! Crystal! Kain na tayo!" sigaw ko galing sa baba, ika 8 tawag ko na to sakanya pero hindi parin siya bumababa galing sa kwarto niya
Nang hindi ko na napigilan ang sarili ko, ako na mismo ang lumapit sa kwarto niya.
"Crystal! Lumabas ka diyan kung ayaw mong sirain ko tong pinto!" sigaw ko, aishh...naiinip na ako! Binuksan ko ang pinto at binuksan ang mga ilaw.
Nang makita ko na ang buong kwarto niya, hinanap ko kaagad siya peeo hindi ko siya makita kahit sa walk in closet niya. Nang lumingon ako sa CR niya, nakaawang ang pinto kaya pumasok ako.
Nagulat ako ng makita ko si Crystal na nakahandusay sa sahig habang dumudugo na yung wrist niya.
"Crystal? Hey! Wake up!"
What the fuck! Binuhat ko kaagad siya palabas ng kwarto niya habang umiiyak. Sino bang hindi iiyak sa sitwasyong ito pag nakita mo ang kapatid mo na walang malay.
Natigilan sina mom at dad dahil umiiyak ako habang buhat buhat si Crystal. Lumapit kaagad si dad sakin at tinignan si Crystal.
"Anong nangyari sakanya?!" nagpapanic na tanong ni mom
"Hindi ko po alam!" wala akong matinong maisasagot sakanila dahil nagpapanic na ako
YOU ARE READING
The Bad Boy's Love
FanfictionIt all starts when Danica Scarlet Lee, a new student, transfers to the same school where the infamous Zack Lee goes and falls in love