Scarlet's POV
Nakakastress talagang kausap tong si Zandher. Kung hindi niyo alam ang ginagawa namin, nagtututor lang naman po ako sakanya, pero siya hindi nakikinig sakin.
"Zandher, kung hindi ka makikinig sakin hindi na talaga ako magtututor sayo" sabi ko sakanya
"Eh diba nga, hindi ka pwede magbackout?" ang galing talaga sumagot ng isang to
"Edi hindi na kita papansinin kahit kailan" humarap naman siya kaagad sakin
"Seryoso ka?"
"Oo, bakit? Papalag ka?" panghahamon ko sakanya
"Hindi, sige, makikinig na ako sayo"
"Good, but first of all, read this and I'll be asking you questions later on. Wag mo imemorize, ifamiliarize mo"
We spent our whole day studying about the topics under the subject Business Mathematics. Medyo mahirap pero konting nood lang sa YouTube maiintindihan mo naman kaagad.
"It is a value to measure the level of likelihood of occurrence events that will occur in the future with uncertain results, what do you think is the answer"
"Um, teka nabasa ko to kanina eh"
"Oo nabasa mo to kanina pero ano yung sagot?"
"Di ko alam eh pero familiar, sabi mo kasi kanina ifamiliarize"
Jusq, nagrarason pa. Kalma.
"Sige na Zandher, anong sagot?"
"Probability? Hehe"
"Sure ka?"
"Oo"
"Good, cause your answer's correct"
Bigla naman siyang napasuntok sa hangin sabay sabi ng yes.
"Woah! Ang talino ko na. Salamat Scarlet"
"Maliit na bagay, umalis ka na since tapos na tayo. Bukas na natin to ituloy" sabi ko sakanya habang nililigpit mga ginamit ko pang pukpok sa ulo niya kanina. joke
Gabi na kasi kaya pauuwiin ko na siya.
"Ah hehe, hindi nga pala ako makakapunta dito bukas, may practice kasi kami sa basketball tomorrow kaya free ka bukas"
Hayst salamat naman.
"Okay, naiintindihan ko kaya umalis kana para makakain na ako"
"Ang sungit, hindi mo ba ako pakakainin?"
"May pagkain kayo sa bahay niyo diba?"
"Oo, pero ang layo kasi"
"Diba lumipat kayo dito ng bahay dito sa village nato?"
"Oo nga pala no? Bakit alam mo?"
"Secret, sige na umalis ka na"
"Luh, stinastalk mo ba ako Scarlet?" umakto pa siya na parang natatakot sakin sabay yakap sa sarili niya
"Siraulo"
"Joke lang eh sige bye"
Lumabas na siya ng bahay namin kaya niligpit ko na ang mga gamit ko, tatayo na sana ako nang may biglang mahulog na ballpen. Kay Zandher to ah? I should return this to him, baka hanapin niya to.
Lumabas kaagad ako ng bahay dala dala ang cellphone ko at ang ballpen ni Zandher. The heck! Hindi ko nga pala alam kung nasaan ang bahay nila ni Zandher. Basta ang alam ko lumipat sila dito base sa mga pics na nakita ko sa Instagram niya. And please, hindi ko siya stinalk, dumaan lang talaga sa feed ko.

YOU ARE READING
The Bad Boy's Love
FanfictionIt all starts when Danica Scarlet Lee, a new student, transfers to the same school where the infamous Zack Lee goes and falls in love