Chapter 13

2.3K 47 0
                                        

Scarlet's POV

Pauwi na kami ng Manila ngayon. I'm so excited to see my brother. Kumusta kaya sila ni Beatrice? Wala naman sigurong ginawang masama si kuya sakanya habang wala ako diba?

Hindi ko alam kung bakit, pero parang bigla nalang nagbago ang feelings ko towards Zack simula nung nag confess siya sakin at sinabi niya na liligawan niya ako. Minsan nahuhuli ko nalang ang sarili ko na napapangiti habang siya ang iniisip ko.

Minsan naman kikiligin ako kapag hinahawakan niya yung kamay ko or any little sweet gestures. May mga oras din na nagagalit o naiinis ako sakanya kapag may umaaligid sakanya na babae.

Didn't think that I was the jealous type.

Ano ba to? Hindi ko na naiintindihan ang nararamdaman ko!

Nabigla nalang ako nang may maramdaman akong mabigat sa shoulder ko. Lumingon ako sa katabi ko at nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Kung naguguluhan kayo kung sino ang katabi ko, si Zack lang naman ang katabi ko ngayon.

Kanina, may tatabi sana sa akin na lalake, kaya lang pinigilan ito ni Zack at pinalayas. Mukhang natakot naman ang lalake kaya umalis nalang siya. Humingi nalang ako ng tawad dun sa lalake.

Nang mag land na ang plane, ginising ko kaagad si Zack. Kinusut niya muna ang mga mata niya bago tumingin sakin. Ang cute niya! Ano ba tong sinasabi ko?

"Mukhang ang sarap ng tulog mo kanina" sabi ko habang pababa na kami sa eroplano.

"Oo, may napaginipan kasi akong babae"

Biglang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko nalang iyon pinahalata at nag panggap na walang narinig.

"Anong sabi mo?" tanong ko

"Sabi ko may napaginipan ako na babae" inulit niya pa talaga, grabe

"Sino?" sabi ko at ngumiti sakanya, pero sa totoo gusto ko na siyang saksakin ng kutsilyo!

"Basta ano siya, maganda, makinis, se—" hindi ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya, dumeretso ako sa van at pumasok. Iniwan ko siya sa labas na dinedescribe ang babaeng napanaginipan niya.

Sinuot ko nalang ang earphones ko at tumingin sa labas. Naramdaman kong may tumabi sakin pero hindi ko ito pinansin. Nabigla nalang ako ng niyakap ako ng katabi ko. Lumingon kaagad ako at nakita si Zack na nakangiti sakin.

"Sorry na, ikaw naman kasi hindi mo ko pinatapos, ikaw yung tinutukoy ko" malambing niyang sabi

I just scoffed. Akala niya ba maniniwala ako sa sinasabi niya?

Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa school, doon kasi namin iniwan ang mga sasakyan namin. Nang makarating na kami sa school, bumaba kaagad ako at lumapit sa sasakyan ko.

Nilagay ko sa backseat ang bag ko. Sasakay na sana ako sa driver's seat ng maramdaman ko ang braso ni Zack na pumulupot sa bewang ko, niyakap niya ako mula sa likod.

"Sorry talaga Scarlet. Totoong ikaw talaga nasa panaginip ko maniwala ka"

"Manyak"

Bahagya siyang lumayo sakin nang sinabi ko yun.

"Magiging manyak lang sayo"

Napangiwi ako. Kumawala ako sa yakap niya at hinarap siya. Nakita ko ang namomroblema niyang mukha. Namomroblema kung paano ako susuyuin. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa mukha niya.

"Joke lang. Sorry na" bulong niya

"Oo na"

"Di ka na galit?"

Umiling lang ako.

"Pupunta ako sa bahay niyo mamaya" aniya

"Ha?! Nandoon si kuya—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng ilagay niya ang index finger niya sa labi ko.

"Diba sabi ko liligawan kita?"

"Oo"

"Just let me do this okay?"

Dahan dahan akong tumango sa sinabi niya. Good luck nalang sakanya kung makakaya niya kuya ko.

"Fine"

Pinasakay na niya ako sa kotse ko. Umalis kaagad ako ng school at nag drive pauwi. Hindi ko alam ang gagawin ko, gusto ko si Zack kaya lang, hindi pa ako handa at nagdadalawang isip pa ako. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.

Nang makapasok ako sa village, binati kaagad ako ng guard. Tinanguan ko nalang siya. Nadaanan ko ang park at may napansin akong dalawang tao na magkasama sa isang bench malapit sa kalsada.

Sina Carl at Freyah ba yun? Hindi ko nalang ito pinansin at dumeretso nalang ako sa bahay, baka nag dedate silang dalawa. Ayaw ko naman makaistorbo.

Nang makarating na ko sa bahay, napansin ko kaagad ang isang kotse sa labas ng bahay. Yan siguro ang kotse ni kuya, yan din kasi ang nakita kong pumasok sa village nung paalis ako papuntang school.

Pinark ko nalang ang kotse ko sa garage at kinuha ang mga bag ko sa backseat. Pumasok kaagad ako ng makarinig ako ng tawanan sa loob.

Pagpasok ko, nakita ko si Beatrice at Kuya na nag uusap habang tumatawa. Mukhang close na silang dalawa. Well, wala naman pala akong proproblemahin. Akala ko may nangyari sa dalawang to.

Nang sinara ko ang pinto, napalingon sila sakin. Biglang tumayo si Kuya at napangiti, lumapit sakin. Niyakap niya ako at hinalikan ang noo ko. Ngumiti din ako sakanya.

"Hi baby. I'm here" sabi ni Kuya, sumimangot lang ako sakanya

"Diba sabi ko ayaw ko ng tinatawag akong baby?" sabi ko sakanya

"Bakit? Kasi may boyfriend ka na na tumatawag sayo nun?" namula naman ako sa sinabi niya at hinampas ang braso niya

"Ouch! Sorry na, high blood ka kaagad eh" aniya sabay haplos sa braso niya kung saan ko siya hinampas

"Hi Scarlet! Welcome back" bati sakin ni Beatrice, lumapit ako sakanya at niyakap din siya

"Thank you"

"Kumusta ang Palawan?" sabay na tanong nila sakin, nagkatinginan silang dalawa at hinarap ulit ako

"Nag enjoy ka ba?" and again, nagkasabay na naman sila

Binalewala ko nalang ito at medyo natawa kasi ang cute nilang dalawa.

"Okay lang naman, maganda ang mga tanawin dun" sagot ko at umupo sa sofa, pagod na pagod talaga ako dahil sa biyahe.

"Magpahinga ka muna sa kwarto mo, I'm sure pagod ka" sabi ni Kuya, tumayo ako at pumunta sa kitchen, nagugutom na ko

"Pagkatapos kong kumain matutulog na ko" sabi ko sabay lamon ng pandesal na nakita ko sa lamesa

Tumawa nalang silang dalawa. Biglang pumasok sa isip ko si Freyah.

"Nga pala, nasan si Freyah?" tanong ko kahit alam ko na nasa park siya kasama si Carl

"Nasa park, kasama si Carl, dinala din nila si Hachikou" tumango nalang ako, hindi kasi ako makasagot dahil may laman ang bibig ko.

Biglang nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nag text. Unregistered ang number.

From: Unknown number

I miss you already

Bigla nalang akong napangiti dahil sa nabasa ko. Alam kong si Zack to. Binaba ko ang phone ko at nagpatuloy sa pagkain na may ngiti sa labi ko.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now