Chapter 21

2.3K 43 7
                                    

Scarlet's POV

"Baby ka pa din namin, kahit na may nanliligaw na sayo" nagulat sina mom at dad sa sinabi ni kuya

Napailing nalang ako. Wal na akong magagawa since may plano din naman si Zack na sabihin sakanila ni mom at dad mamaya.

"Ha? May nanliligaw na sayo Scarlet?" nagtatakang tanong ni mom

"Ah. Eh. Ye-" naputol ako sa dapat kong sabihin ng may biglang sumulpot sa likod ko at nagsalita

"Yes po" lumingon kaagad ako kay Zack

"Zack Lopez? Ikaw ang anak ni Mr. Lopez diba?" tanong ni dad

"Good evening. Ako nga po" ani Zack

"So, sino ang nanliligaw sa anak namin?" tanong ni dad

"Ako po yung nanliligaw sa anak niyo" mukhang nagulat sina mom at dad dahil sa sinagot ni Zack, napakunot ang noo ni dad, patay ka Scarlet!

"Ikaw ang nanliligaw sa anak namin?" tanong ni mom

"Opo. I'm very serious about her" sagot ni Zack

Nagkatinginan sina mom at dad.

"Well, kilala naman namin ang dad mo and we trust him. So I guess wala din problema kung pagkakatiwalaan din namin ang anak niya diba?" sabi ni mom, kaagad naman tumango si Zack

"Yes ma'am. I promise I won't break your daughter's heart"

Nakahinga ako when my parents smiled.

"Okay lang naman samin since nasa legal age na din naman si Scarlet. Ang tanong, okay lang ba kay Scarlet?" tanong ni dad at napatingin sakin, napayuko nalang ako, napatingin ako kay Zack na ngayon ay nakatingin sakin

"Okay lang po sakin dad" nahihiya kong sabi

Mas lumapad ang ngiti nina mom at dad.

"Hindi po kayo galit?" nagtatakang tanong ko

"Bakit naman kami magagalit? Proud nga kami sayo cause finally, may pumoporma na din sa anak namin" masayang sabi ni dad

"Umm...excuse me po, kayo po ba ang representatives ng grade 12?" tanong ng isang babae

"Kami nga" sagot ni Zack

"Maghanda na po kayo dahil sasayaw na ang lahat ng contestants" sabi ng babae at umalis, lumingon kaagad ako kay mom at dad

"Sige na anak, manunuod lang kami" sabi ni Dad, nginitian ko nalang siya at hinalikan sila sa pisngi

"Love you po" sabi ko habang nakakaway sakanila, kinawayan din nila ako, akala ko magagalit sila kapag nalaman na nila ang tungkol sa panliligaw ni Zack sakin

Naghanda kaagad kami at ginawa ang formation namin. Kinakabahan ako, paano kung magkamali ako. The heck Scarlet! Be positive, nandyan ang parents at classmates mo para suportahan ka. FIGHTING!!

Pagkatapos namin magperform, nag ingay kaagad ang mga tao. Nakangiti kaming pumunta sa backstage habang hinihingal.

Nakasalubong namin sina Zack, yinakap niya kaagad ako kahit na pawis na pawis na ako.

"Zack, baka makita tayo ni Agatha, patay na naman ako dun" sabi ko

"You did great out there" bulong niya sakin

"Huy! PDA alert!" pang aasar ni Trisha, tumawa lang kaming Zack

"Damn girl you were smokin hot out there" biglang sulpot ni Zandher kasama si Alex sa likod niya

Ngumiti lang ako kay Alex.

Kumalas na si Zack sa pagkakayakap sakin, nagulat nalang ako sa sunod na ginawa niya, hinalikan niya ako sa labi.

"Pang good luck kiss, alam ko kasi na hindi mo ako hahalikan kaya ako na yung humalik sayo" utas niya, tinignan ko lang siya ng masama

Kaagad naman siyang umalis para maghanda kasi sila na ang susunod.

"Hoy! Tulala ka diyan?" sabi ko kay Trisha na ngayon ay nakatingin kay Zandher, tinignan ko naman si Zandher, wala naman siyang ginagawa, tumingin ulit ako kay Trisha

"Hoy! Anyare sayo!" sigaw ko sakanya na nagpabalik sa ulirat niya

"Ha? Sinong tulala? Ako?" ani Trisha

"Nakatitig ka kasi kay Zandher" sabi ko

"Ha? Hindi-" pinutol ko na siya sa dapat niyang sabihin,alam ko naman na tatanggi siya

"Halata" sabi ko

"Anong halata?"

"Halata na may gusto ka sakanya" sabi ko

"Hindi! Wala akong gusto sakanya!" tanggi niya, pero pumupula na yung pisngi niya, confirmed!

"Hindi eh, kung paano mo siya tignan? Naku, alam ko na yan" sabi ko

"Hindi nga!"

"Bakit ka todo deny?" pang aasar ko

"Sige na nga, kaibigan naman kita eh" ha?!

"So, totoo nga?" tanong ko, tumango lang siya sakin. What the fvck!

Inannounce na ng mc na susunod na ang mga boys. Nanood kami sa likod at tahimik na sinuportahan si Zack.

Hinihingal siyang lumapit sakin. Pumalakpak lang ako habang nakangiti sakanya. Binuka niya ang dalawa niyang braso like he was asking for me to hug him.

Naiiling akong lumapit sakanya at niyakap din siya.

"You also did great out there" sabi ko

"Yeah, cause you were watching me"

Namula ako sa sinabi niya at lumayo nalang sakanya. Natatawa naman siyang nakasunod lang sakin.

"Contestants! Please prepare for your individual performance. We will be giving you 10 minutes for preparation" nagpasalamat kami sa isa sa mga staff nang sinabi niya iyon

Kaagad akong pumasok sa dressing room na nilagay dito sa backstage para sa mga contestants. Nagbihis kaagad ako para sa susunod kong performance.

Ready na akong lumabas sa dressing room. Naghahanda pa ang ibang contestants. Ang iba naman kakatapos lang mag perform.

"Miss Danica? You're up next" sabi ng babaeng nag announce kanina

Tumango ako at sumunod sakanya papunta sa stage. Nakasunod sakin ang mga kasama ko sa sayaw. Nakita ko si Zack na kakatapos lang magbihis. Ngumiti siya sakin at nagsabi ng 'good luck'.

Dim ang lights nang tumungtong kami sa stage. Nagpose kaagad kami at hinanda ang sarili namin para sa sayaw.

Pagkatapos namin sumayaw nag hiyawan ang mga tao. Finally, tapos na din ako.

Kaagad tinawag si Zack dahil siya na ang susunod sakin. Ako naman ang nagsabi ng goodluck sakanya.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now