Chapter 33

1.7K 33 3
                                        

Scarlet's POV

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Alex. Nandito siya? Naiiyak na ako. Yinakap ko kaagad siya.

"Wag kang magpahalata na nasasktan ka, nakatingin na sila satin"

"I don't care" sabi ko, wala naman talaga akong pakealam kung tumingin sila samin

"Just play with me" nabigla ako ng humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at halikan niya ako sa labi, naramdaman kong gumalaw ang labi niya, well, diba sabi niya 'play with him'? Kaya tumugon din ako sa mga halik niya. What the fuck! Huli na ng marealize ko na nakahiga na si Alex sa sahig.

Linapitan ko kaagad si Alex. Tinignan ko lang ng masama si Zack.

"What the fuck si your problem Zack?!" sigaw ko sakanya, hindi niya ako sinagot at hinila lang ako patayo

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako! At tsaka, ano ba ang pumasok sa isip mo at sinuntok mo si Alex?! Eh hindi ko nga sinabunutan si Agatha habang naghahalikan kayo, ginawa niyo pa talaga sa harap ko! Hindi ka man lang ba nahiya?!" sigaw ko sakanya

"Umalis na tayo" madiin niyang sabi

"NO!" napatingin ang ibang tao samin, pilit akong pinapakalma ni Beatrice

"Minahal kita! Pero trinaydor mo ko! Two timer ka! Hindi ka ba nakuntento sakin?! Kailangan ba talagang pagsabayin mo kami ni Agatha?! Mahal mo ba talaga ako Zack?!" wala akong pakealam kung videohan ako ng mga tao, kahit maging viral pa yan sa YouTube

"Mahal ki-"

"Then how can you do this to me?!"

"I'm sorry, hini ko sinasa-"

"Sorry?! Anong magagawa ng sorry mo sa sakit na nararamdaman ko ngayon?!" tumahimik nalang siya

Lumingon ako kay Agatha na ngayon ay nakangiti na sakin. Lumapit ako sakanya and I gave her my sweetest smile.

"Oh, Agatha, I have a present for you" kalmadong sabi ko

"Really? What?" sabi niya at lumagok ng isang shot sa baso niya

"This" tinaas ko ang kamay ko at binigyan siya ng malakas na sampal, napatagilid ang kanyang ulo dahil sa lakas ng impact

"Ikaw ang mang aagaw Agatha, hindi ako, tandaan mo yan!" sabi ko at lumapit kay Alex at inalalayan siyang makatayo

"Let's go" sabi ko, tumango lang siya sakin

Palabas na sana kami ng bar ng may makalimutan ako kaya lumingon muli ako kay Zack.

"Nga pala Zack, break na tayo" sabi ko at lumabas na, hindi na ako lumingon ng tawagin niya ako

"Seryoso ka ba Scarlet?" tanong ni Alex, tumango lang ako sakanya

Pumasok na kami sa kotse ko. Si Alex naman, umalis na din. Tahimik lang lang kami ni Beatrice dito sa likod, si Trisha naman nakatingin lang sa labas.

Nag drive nalang si Freyah papunta sa bahay, habang nakatingin sa labas, naramdaman kong may humawak sa kamay ko, napalingon ako kay Beatrice. Nginitian niya lang ako.

"Okay ka lang?" nag aalalang tanong niya sakin

"Okay lang ako" sagot ko

"Anong plano mo after this Scarlet?" tanong sakin ni Trisha, napaligon naman ako sakanya

"Uuwi siguro ako ng Korea" sabi ko, napatingin sakin si Freyah sa rearview mirror

"How long?" tanong niya

"Until I move on" sagot ko, napatango nalang sila

I hate Agatha. I hate Zack. I hate myself. I hate my life.

Bakit ganito? Kung kailan malapit na kaming ikasal dun naman susuko si Zack. May nagawa ba ako? May kulang ba sakin? Hindi ba ako maganda?

Napatawa nalang ako sa huli kong naisip. Kung hindi ako maganda, hindi sana maaattract si Zack sakin. Tss.. ano ba tong iniisip ko. Nababaliw na ata ako. Napailing nalang ako. Curse you Zack Lopez! Screw you!

The Bad Boy's LoveStories to obsess over. Discover now