Chapter 28

1.8K 28 0
                                    

Scarlet's POV

"Agatha?" halos pabulong kong sabi, ngayon ko lang siya nakita after ng Mr. and Ms. Campus, nawala siya na parang abo. Nag transfer siguro.

"Oh! Bakit parang nakakita ka ng multo?" nakangiting sabi niya sakin, ang laki na ng pinagbago niya in just 6 months, may kasama pa siyang dalawang alipores. Okay, hindi siya nagbago sa part na yan.

"Ano yan? May kasama ka?" tanong niya sakin sabay tingin sa tickets na binili ko

"Baka may kadate Agatha" sabi ng isa na para ng coloring book ang mukha

"Date? Wala naman akong nakikitang kasama niya ah, baka imaginary friend niya lang" sabi naman ng isa na sobrang iksi na ng skirt

"Oo, may kasama akong kaibigan" sabi ko

Baka magalit siya kapag nalaman niyang si Zack ang kasama ko.

"Sinungaling! Sino na naman ang nilalandi mo? Si Zandher? Si Alex? O baka naman si Zack?" sigaw niya sakin at hinawakan ang braso ko

"Bitawan mo ko" kalmadong sabi ko sakanya

"Get your fucking hands off her!" biglang sigaw ni Zack

Natigilan naman si Agatha. Kaagad niya akong binitawan

"Z-Zack? Ikaw yung kasama niya?"

"Yes. May problema ka dun?"

"No. Wala naman. Sabi niya kasi friend. Hindi ko alam na ikaw pala ang tinutukoy niyang 'friend'"

Umiwas ako ng tingin kay Zack nung sinabi ni Agatha ang sinasabi king friend kanina.

"I guess you didn't hear her right. Boyfriend ang sinabi niya. Baka nga fiancé pa" sabi ni Zack na nagpagulat kay Beatrice

Okay. For sure magagalit na talaga sakin si Beatrice neto.

"Pero paano ako Zack?" naluluhang sabi ni Agatha

"Sir, eto na po yung latte niyo" sabi ng tindera na lumapit kay Zack

"Sayo na yan" sabi ni Zack

"Pero sir, sayang naman po" ani ng tindera

"I don't need it anymore, binibigay ko na sayo yan" sabi niya

"Salamat po" sabi ng tindera

"Let's go" sabi ni Zack habang hinihila ako

"Zack! Ano ba? Kinakausap pa kita!" sigaw ni Agatha pero parang wala lang narinig si Zack

"Bakit kayo magkasama? Nilalandi ka la-"

"Shut the fuck up Agatha! Hindi niya ako nilalandi! Girlfriend ko siya kaya dahan dahan ka diyan sa pananalita mo!" iritadong sigaw ni Zack

"A-ano? G-girlfriend mo na siya? What about us Zack?" nag mamakaawang sabi ni Agatha

"How many times do I have to remind you? Walang tayo Agatha! Stop being delusional! You need to get that fact inside your head!" seryosong sabi ni Zack at hinila ako, nabigla nalang ako ng maramdaman ko ang mainit na latte sa balat ko

Tinignan ko si Agatha na hawak ang cup na may laman na latte kanina.

"Mang-aagaw! Malandi!" sigaw ni Agatha sa likod namin

"Shit!" ambang lalapit si Zack sakanya ng pigilan ko siya

"Okay lang Zack, umalis na lang tayo" sabi ko sakanya, marami na kasi ang nakatingin samin

Baka palabasin kami sa mall neto dahil sa gulo. Tinignan ni Zack si Agatha ng masama bagi niya ako hinila palabas ng mall.

Nang makarating na kami sa tapat ng kotse niya, pinapasok niya kaagad ako at nagdrive pauwi.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now