Scarlet's POV
Nandito ako ngayon sa mall, kumakain ng shawarma with rice. Hindi kasi ako sumama kay Freyah sa cafeteria, ayaw ko sa pagkain dun. Sorry masyadong choosy. But there are other reasons aside sa ayaw ko sa pagkain sa canteen. Ayoko lang maging third wheel nina Freyah at Carl.
Habang kumakain, may nakita akong pamilyar na grupo. Tinignan ko sila ng maayos. Teka! Sina Alex yun ah, anong ginagawa nila dito? Ah! baka may bibilhin.
Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko, hanggang sa natapos ako. Nang matapos na ako, kinuha ko muna ang cellphone ko at tinignan kung nabasag ba ang screen ko dahil sa pagkakahulog nito kanina.
Nag YouTube muna ako at nanuod nang random vids. Nang napagod na mata ko kakatutok sa cellphone ko ay tumayo na ako at hinablot ang bag ko. Tinignan ko muna kung wala na akong nakalimutan at umalis.
Naglakad lakad muna ako at pumunta sa bookstore, nang makakita ako ng aklat mula sa wattpad, kumuha kaagad ako ng pera sa bag. Kukunin ko na sana kaso may nakauna na sa akin. Tinignan ko kung sino, si Zandher lang pa—teka si Zandher? I didn't know he likes reading books. Hindi kasi halata tapos wattpad pa.
"Excuse me, ako ang nakauna niyan" mahinahon kong sabi sakanya. Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Pero ako ang unang nakakuha" sabi niya at nagsmirk. Kumunot ang noo ko sakanya.
"Pero ako ang unang nakakita" sabi ko
"Ako nga ang unang nakakuha"
"Eh ikaw ba ang unang nakakita?"
"Hindi"
"Eh yun naman pala, so give me that book!" napagtaasan ko na siya ng boses, hindi ko kasi mapigilan, favorite book ko kasi ang hawak niya. Nakita ko na nakatingin lang samin ang salesperson. Lumapit ako sakanya.
"Excuse me Miss, wala na ba kayong ibang stock sa librong iyan?" tanong ko sabay turo sa librong hawak ni Zandher
"Sorry po, pero wala na" I sighed in frustration at tinignan ulit si Zandher
"I'll give you this book, in one condition" ano?!
I crossed my arms while looking at him. May condition condition pa siyang nalalaman eh libro lang naman iyan. Di niya naman yan babasahin for sure.
"What?"
"Be my tutor"
Kumunot ang noo ko. Lol. Tutor?
"Tutor? Why do you even need a tutor?" nagblush naman siya. Woah. Nag b-blush din pala tong isang to?
"Mababa kasi ang mga grades ko at kapag hindi tumaas ang grades ko, patay ako sa Dad ko and I will never be able to handle the company" kawawa naman pala to eh
"Pero bakit ako? Asan ba mga kaibigan mo? Si Alex? Mukhang matalino yun" sabi ko. He looked shocked na kilala ko kaibigan niya. Syempre.
"Gusto ko sana na si Alex lang ang magtutor sakin kaya lang palagi siyang busy" sabi niya sabay kamot sa ulo niya
"Eh si Zack?"
"Busy din yun" sa pagiging suplado?
"Um"
"Please, Scarlet. I really need your help. If you want this book so bad then I'll give it to you. All you have to do is help me get good grades and that's it" this person needs my help and I'll help him with no hesitation and I really need that book too so,
"Okay" nagulat naman siya sa naging sagot ko
"Really?! Seryoso ka? O baka dahil may gusto ka sakin kaya ka pumayag? Lakas talaga ng charms ko" mas makapal pala ang mukha niya kesa sa pages ng mga libro na nabasa ko. Grabe.

YOU ARE READING
The Bad Boy's Love
FanfictionIt all starts when Danica Scarlet Lee, a new student, transfers to the same school where the infamous Zack Lee goes and falls in love