Chapter 7

3K 53 3
                                    

Voughn's POV

Hi, ako nga pala si Voughn Lee. The one and only brother of Danica Scarlet Lee and the future holder of our business empire. Aside from being rich and loved by my family, I am also loved by girls. Girls or women whatever.

Enough with the introduction. I'm on my way to the Philippines to meet and support my adorable sister for the upcoming event in their school. Ang bait ko na kapatid diba?

That's why I won't blame the girls if they chase me. I am desirable. Everything that you are searching for in a man is already in me. Mayaman, supportive na kapatid, mabait din sa magulang, at gwapo. San ka pa? Edi sakin ka na.

Nagland na din ang private jet na sinakyan ko kaya bumaba kaagad ako. Nakita ko ang Lambo ko na naghihintay sakin. Sumakay kaagad ako at nagdrive. Alam ko kung nasaan ang bahay ni Scarlet since I bought the house she's currently living in.

Habang nagdadrive, nakalag decide ako na pupunta ako ng bar mamayang gabi and I'll find someone who is willing to hook up with me. Of course a lot will be willing to sleep with me, I'm perfect. I'm celibate so I need girls. I've been so busy handling the company that I forgot about my needs. Nagtatatrabaho na kasi ako under ky dad. It serves as my training.

Kakabukas lang ng guard ang gate nang may biglang tumawid na babae kaya napaliko ako at late ko na narealize na papunta na pala sa puno yung kotse ko. Napabreak ako ng malakas. 

Fuck. I thought I was gonna die.

Iritado akong lumabas ng kotse at tinignan ang babae kasama ang isang aso nito.

"Ano ba? Gusto mo bang magpakamatay?" sigaw ko sa babae, humarap siya sakin and wow, she's a beauty.

I shook my head and pretended that I was not affected by her beauty.

"Sorry, bigla kasing tumawid ang alaga ko" sagot niya sakin

"Sa susunod kasi, bantayan mo na yang aso mo. At ikaw, wag kang tatawid bigla sa kalsada kasi may mga sasakyan na dumadaan. Paano kung nasagasaan ka?"

Iritado niya akong tinignan at tumayo na.

"Sorry na nga diba? Kung nasagasaan man ako, alam mo na ang sagot dun, edi makukulong ka!" sabi ng babae at nagwalk out

Unbelievable. I was only telling her to be careful next time. Grabe. Ang sungit. Definitely not my type.

Mga ilang minuto din akong nakatayo sa pwesto ko until I decided to go. Nagmaneho nalang ulit ako papunta sa bahay ni Scarlet. I wonder kung ano ang magiging reaction niya.

Bumaba kaagad ako sa kotse ko ng makarating na ako sa bahay ni Scarlet. Pumasok kaagad ako sa bahay. Nakita ko ang isang aso sa living room. Teka, katulad din ito sa aso na malapit ko nang masagasaan kanina.

Pero, mahilig din sa aso si Scarlet and she likes the same breed as well, baka nagkataon lang na magkapareho ang mukha ng aso.

May nakita akong isang babae sa kitchen na umiinom ng tubig habang nakatingin sa cellphone niya. Lumapit kaagad ako kay Scarlet at niyakap siya mula sa likod, mukhang nagulat naman siya.

"I'm home!"

"AHH!" sigaw ni Scar—teka, parang hindi to si Scarlet. Hindi to boses ni Scarlet.

"Bitawan mo ako!" sigaw ng babae, bumitaw kaagad ako.

Humarap sakin ang babae and I was confused, anong ginagawa niya dito sa bahay ng kapatid ko?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng babae habang nakayakap sa sarili niya at unti unting lumalayo sakin

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now