Chapter 17

2K 41 0
                                    

Scarlet's POV

Kinuha ni Zack mula sakin ang tray. Nagulat ako dahil bigla bigla nalang kasi siyang sumusulpot na parang uuod! Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang ngumiti siya sakin.

Hinila niya ako papunta sa isang lugar na hindi ko alam. Nang malampasan namin ang table nina Freyah, nginitian lang nila ako at kumaway.

Huh?

Ako naman, gulat at hindi alam kung anong nangyayari.

Natigilan ako nang pumasok kami sa isang elevator. May nakalagay dito na sign na para lang daw sa Phoenix? Ano ba yun? Baka ang grupo nina Zack.

Hindi ako nakapagsalita nang sumarado na ang pinto ng elevator. Nilahad ni sakin ang dala niyang tray.

"Hold this"

Kaagad ko naman iyang kinuha mula sa kamay niya. Yumuko siya at inayos ang shoelace ng converse chuck taylor niya.

Kinuha niya ang tray mula sakin at tumayo ng maayos nang bumukas na ang pinto ng elevator.

"Thanks"

Madami kaagad na estudyante ang nakatingin samin. Baka nagtataka sila kung bakit kasama ako ni Zack. Kahit ako nagtataka.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas sa elevator at pumunta sa isang room na hindi ko alam na nag eexist dito sa school. Ako na ang bumukas ng pinto, nakakahiya naman kasi kapag si Zack pa ang bumukas eh may dala siyang tray tapos nakahawak pa sa kamay ko yung isa. Napangiti siya dahil sa ginawa ko.

Pumasok kaagad kami, nilapag niya ang tray sa isang table at umupo sa sofa. Dito siguro ang tambayan nina Zack. Pinasadahan ko ng tingin ang kwarto habang si Zack ay nakatingin lang sakin.

Naiilang ako.

"Tatayo ka lang ba diyan?" biglang tanong niya, tinignan ko siya na seryosong nakatingin sakin.

Umupo kaagad ako sa isang single na sofa. Tumaas naman kaagad ang kilay niya. Ano naman kayang problema nito?

"Bakit ka diyan umupo?"

"Bakit? Saan mo ba ako gusto umupo? Sa sahig?" sarcastic kong tanong sakanya

Umirap siya. Lah. Kung makairap to daig pa ang babae.

"Dito ka" sabi niya sabay tapik sa hita niya

Haha. Zack in your dreams.

"Ayo—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hilahin niya ako kaya napaupo ako sa hita niya.

Nakakainis! Sa huli, yung gusto niya pa rin ang nasusunod.

"Hoy! Distansya naman diyan. Hindi pa kita sinasagot noh!" sabi ko, baka sakali matandaan niyang hindi pa kami

Natigilan ako nang ngumisi siya.

"Sasagutin mo din naman ako, sinasanay lang kita"

Uminit kaagad ang mukha ko! Tatayo na sana ako ng hilahin niya ako pabalik.

"Ano ba Zack?! Hindi ako komportable sa posisyon natin" sabi ko

"Well, dapat kanang masanay" sabi niya at kumuha ng fries sa tray sabay subo nito sa bibig niya. Walang hiya!

"Ngayon, kumain ka na" sabi niya, ha! Paano ako makakakain ng maayos kung ganito ang posisyon namin.

"Hindi nga ako komportable!" utas ko

"Okay, wag kanang magalit" sabi niya at dahan dahang kumalas sa pagkakayakap sakin. Tumayo kaagad ako at pumunta sa katabi niyang sofa.

Kinuha ko ang fries at isa isa iyong sinubo sa bibig ko. Kaya lang, ang awkward lang talaga, kasi bawat subo ko, nakatingin din si Zack sakin, parang siyang bodyguard na nakabantay sa bawat galaw ko.

Nang matapos na ako sa pagkain ko, tumayo kaagad ako habang dala dala ang tray at akmang hahawakan ang doorknob ng harangan ako ni Zack. Ano nanaman?!

"Ano?!" iritado kong tanong

"Hindi ka ba magpapasalamat sakin?" tanong niya, napa buntong hininga nalang ako

"Thank you" sabi ko

"I won't take that"

"Ha? Nagpalasalamat na ako, Zack. How should I thank you then?"

Napaatras nalang ako ng bigla siyang humakbang papalapit sakin hanggang sa maramdaman ko na ang matigas na pinto sa likod ko. Nakita ko siyang ngumisi na parang may pinaplanong masama! Lumapit siya sa tenga ko at bumulong.

"Kiss me?"

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now