Scarlet's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, naghahanda para sa family dinner namin kasama ang family ni Zack. Kakain daw kami sa isang restaurant na pagmamay ari ng cousin ni Zack.
Isang simpleng dress lang naman ang susuotin ko dahil simpleng occasion din naman ang pupuntahan ko. Pants sana ang susuotin ko pero pinagalitan ako ni mama.
Naligo lang ako for 30 minutes at nag toothbrush. I know. Ang tagal ko matapos maligo.
Pagkatapos sinuot ko na ang dress at isang flat shoes. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba kaagad ako.
Natigilan ako nang makita ko si Zack na nakadekwatro sa sofa namin. Tahimik na din ang buong bahay at kami nalang ni Zack ang nandito. Nang magtama ang paningin namin umayos siya sa pag kakaupo.
"Umalis na sila"
"I know"
Tuluyan na akong nakababa sa hagdan. Hinawakan niya kaagad ang kamay ko at hinalikan ako.
"You look so beautiful tonight"
Umirap ako pero hindi ko parin maiwasan mapangiti sa compliment niya.
"Let's go?", tumango nalang ako sakanya at sumunod sakanya palabas ng bahay.
Nang makarating na kami sa sasakyan niya, tumigil siya sa pinto at ambang bubuksan ito pero pinigilan ko kaagad siya.
"Um. Zack, may kotse ako remember?" sabi ko sakanya, narinig ko siyang huminga ng malalim
"Gusto mo bang masira ulit ang gulong mo?" pagbabanta niya sakin, napailing kaagad ako
"S-sige na nga" nagdadalawang isip kong sabi. Binuksan niya kaagad ang pinto at pinapasok ako. Pumunta kaagad siya sa driver's seat at pumasok.
"Ready to reveal our little secret?" tanong niya sakin, tumango nalang ako, wala na akong magagawa
I don't want to keep our relationship a secret since alam na din naman ng family at mga kaibigan namin kung anong namamagitan samin. They won't be shocked when we tell them that we're together already.
Tahimik siyang nagdrive hanggang sa makarating kami sa restaurant ng cousin niya. Bumaba kaagad siya at binuksan ang pinto para sakin sabay lahad ng kanyang kamay. Tinanggap ko kaagad ito.
Paglabas ko sa sasakyan, inalalayan niya akong makatayo ng maayos. Kaya ko naman maglakad ah?! Feeling ko para akong 1 year old na bata na hindi parin marunong maglakad.
"Zack, kaya ko naman maglakad" sabi ko sakanya, nakakahiya na kasi, marami na kasing nakatingin samin
"I just want to hold my girl. Is that a problem?" sabi niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sakin
Napailing nalang ako at hinayaan siya.
Sabay kaming naglakad papasok ng restaurant. Nakita kaagad namin ang table namin, eto kasi ang pinakamalaking table dito sa restaurant. Lumapit kami sa kanila at sabay na bumati ng good evening. Nakipagbeso muna ako kina mom at sa parents ni Zack
"Wow! Scarlet, you look stunning" puri ng mommy ni Zack, napangiti ako sa sinabi niya
"Thank you po" sabi ko
"Upo kayo" sabi niya samin, umupo kaagad kami ni Zack sa tabi nina Beatrice, nginitian ko si Beatrice at ganon din ang ginawa niya sakin
"Eto na yung pagkain!" masiglang sabi ng isang lalake, mga ka age lang ni Zack siguro
"Oh! Thank you Kris" sabi ng daddy ni Zack. Kris? Siya siguro ang pinsan ni Zack
"Hi Zack!" bati niya kay Zack, I think their not on good terms, parang wala lang kasing narinig si Zack
"Who's that? Can you introduce her to me?" sabi niya at tumingin sakin, naring kong napabuntong hininga si Zack at tsaka tumayo
"Scarlet, this is Kris, my cousin. Kris, this is Scarlet my girlfriend" narinig kong nabilaukan si Kuya, binigyan kaagad siya ng tubig ni Beatrice. Sina mom naman ay parang naguguluhang tumingin samin.
"Nice to meet you Scarlet" sabi niya sakin sabay lahad ng kaniyang kamay, tumayo kaagad ako para tanggapin ito
"Nice meeting you too Kris" sabi ko din sakanya
"Kayo na?" nagtatakang tanong ni Mom
"Yes po" sagot naman ni Zack
"Kailan pa?" tanong naman ng Dad ni Zack
"When we won the Mr. and Ms. Campus" sagot naman ni Zack, ako naman naestatawa sa kinatatayuan ko
"Well, that's good news!" sabi naman ni Dad, napalingon ako kay Dad na ngayon ay nakikipagusap sa parents ni Zack, akala ko magagalit sina mom at dad dahil sa sobrang bilis ng pagsagot ko sakanya
"Bakit po?" tanong ko
"We were going to set you both up for marriage" sagot ng mommy ni Zack, nagulat ako sa sinabi niya, mas lalo tuloy nabilaukan si Kuya. Parang gusto kong tumawa dahil sa reaksyon niya pero pinipigilan ko lang
"Ang bilis naman ata ma, bata pa si Scarlet! Unahin niyo muna kami ni Beatrice!" napalingon naman ako kay Kuya. Hindi lang ako kung hindi kaming lahat.
Kaagad naman siyang sinapak ni Beatrice na nasa tabi niya lang. Natatawang nag peace sign si kuya kay Beatrice na ngayon ay pulang pula na ang mukha.
Napapansin kong kanina pa pasulyap sulyap si Kris sakin. Does he want something? Or does he not like me for Zack?
Napailing nalang ako. I don't want to think negative. We just started our relationship and I don't want to ruin the dinner by thinking like this.
![](https://img.wattpad.com/cover/137683211-288-k680030.jpg)
YOU ARE READING
The Bad Boy's Love
FanfictionIt all starts when Danica Scarlet Lee, a new student, transfers to the same school where the infamous Zack Lee goes and falls in love