Scarlet's POV
It's been 1 month since naganap ang masquerade ball namin. Napagod ako ng gabing yun, kaya nakahiga ako ngayon sa kama ko. Puyat kaya ako, mga 1 AM na kami nakauwi.
Tinetext ko si Zack pero hindi naman ito nag reply. Kapag tumatawag ako sakanya hindi naman niya sinasagot. Kapag nagchachat ako sakanya nang seseen zone lang. Kapag pupunta naman ako sa bahay nila palagi siyang wala. Naiirita na talaga ako!
Wala talaga akong magawa ngayon. Boring kasi. Bumaba nalang ako sa sala. Nakita ko si Freyah, Beatrice, at Trisha na naka bihis, saan naman kaya sila pupunta?
"Saan kayo pupunta?" tanong ko
"Sa bar, gusto mong sumama?" utas ni Trisha
Wala naman akong gagawin kaya sasama nalang siguro ako. Kung hihingi ako ng permiso kay Zack I'm sure wala yung pakealam.
"Sige, sasama ako" sabi ko, pumasok ulit ako sa kwarto para magbihis. Paglabas ko, napawi ang ngiti sa mga mukha nila. Anong problema?
"Bakit ganyan kayo makatingin sakin?" nagtataka kong tanong
"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong ni Freyah. Simple lang naman ang suot ko. Isang ripped jeans at malaking T-shirt.
"Bakit? Ano ba dapat suotin?" tanong ko
"Wala ka bang shorts?" umiling lang ako
"Pahiramin mo Freyah" sabi ni Trisha
"Okay, saglit lang" sabi niya at pumasok sa kwarto niya, paglabas niya may dala na siyang maiksi na short. Ayoko!
"Eto" sabi niya at inabot ang short sakin
"A-ayoko" sabi ko at umiling
"Sasama ka ba o hindi?" tanong ni Trisha
"S-sige na nga" sabi ko at kinuha ang short. Bumalik ako sa kwarto para hubarin ang ripped jeans ko at sinuot ang shorts. Paglabas ko, panay ang paghila ko nito pababa, eh sa hindi ako sanay!
Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse ko. Kotse ko nalang palagi ginagamit.
A/N: Dahil ikaw lang naman ang marunong mag drive sa inyong apat at ikaw lang din ang may kotse.
Aishh! Author, wag ka nang sumabat.
A/N: Eh di wow!
Nagdrive na ako patungo sa bar. Eto yung bar kung saan kami nag celebrate after winning the Mr. and Ms. Campus. Wala na kasi akong ibang alam na bar.
Nang mag park na ako, dali daling lumabas ang mga bruha, well, except for Beatrice. Hinintay niya talaga ako. Kaya ko siya gusto para sa Kuya ko. Yun nga lang, natatakot ako na baka masaktan lang siya dahil sa Kuya ko.
Pumasok na kami sa loob. Bumungad kaagad samin ang malakas na trance music, ang mga neon lights, ang nagsasayawang tao, at ang amoy ng alak. Kaya ayaw kong pumupunta sa bar.
Naghanap kami ng mga bakanteng upuan. Halos wala na kasing mauupuan dito. Ang dami kayang tao.
Nabigla ako ng huminto silang tatlo sa paglalakad kaya napahinto din ako. Anyare? Liningon ko kung ano ang tinitignan nila at halos matumba na ako sa kinatatayuan ko.
Alam ko na kung bakit sila napahinto. Nakita kasi namin si Zack at si Agatha. Nakatalikod si Agatha sakin pero kilalang kilala ko na siya, si Zack naman ay nakaharap sakin. And guess what, naghahalikan pa talaga sila.
Nakita kong dumilat si Zack at napatingin sakin. Napaawang ang bibig niya ng magtama ang paningin namin. Naramdaman kong may humawak sa braso ko.
"Um, S-Scarlet, alis na tayo, maghanap na lang tayo ng iba—" hindi na natapos ni Beatrice ang sasabihin niya ng may humila sakin.
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Alex. Nandito siya? Natigilan ako ng may binulong siya sakin. Naiiyak na talaga ako, yinakap niya kaagad ako.
"Just play with me" nabigla ako nang halikan niya ako sa labi, well, diba sabi niya 'play with him' kaya tumugon din ako sa mga halik niya.
What the fuck! Huli na ng marealize ko na nakahiga na si Alex sa sahig.
SHIT!
YOU ARE READING
The Bad Boy's Love
FanficIt all starts when Danica Scarlet Lee, a new student, transfers to the same school where the infamous Zack Lee goes and falls in love