Scarlet' POV
Ngayon ang Mr. and Ms. Campus kaya busy ang lahat para sa event. Today is the big day! Nandito kami sa school. Dumating na din sina mom at dad. Sabi ni Zack, naghahanap daw siya ng perfect timing para sabihin kay mom at dad ang tungkol samin. Dadating din daw ang daddy ni Zack.
Hindi makakarating ang isang member namin dahil papagalitan daw siya ng daddy niya kaya ang pumalit sakanya ay si Beatrice, okay naman si Beatrice, magaling din siyang sumayaw at kumanta.
Busy ang mga kaklase ko sa pag gawa ng mga banners para samin ni Zack, naiyak tuloy ako, joke. Ang iba naman nagdadasal na sana kami ang manalo sa contest na to.
Busy ang make up artist sa pag aayos sakin at sa paghahanda sa mga susuotin ko, susunod nalang daw sina mom at dad. May inayos muna silang mga papeles sa bahay, hindi ko alam kung para saan yun pero para sa business siguro.
"Excuse me po, pero after 60 minutes magstastart na po ang event. Please prepare contestants" sabi ng isang babae, tinanguan nalang namin siya.
"Oh my god! Scarlet! Ikaw pa ba yan?" tanong ni Trisha, napatawa nalang ako sa sinabi niya, kasama niya na din ang mga kaibigan ko
"Woah, Scarlet, you look great" sabi ni Trixie
"Ang ganda mo Scarlet" utas ni Mika
"Hi guys! Sorry, late ako" paumanhin ni Beatrice, hindi ko napansin si kuya na nasa likod niya
Sila ang makakasama ko sa sayaw mamaya para sa individual performance.
"Okay lang" sabi ng ibang members
Pumasok silang dalawa sa classroom namin. May napapansin talaga ako sa dalawang to, mukhang may something sakanila eh. Noon ko pa yan napapansin, since the day I arrived from Palawan. Kung paano tumingin si kuya kay Beatrice, iba eh, hindi katulad sa mga babae na nakikita kong kasama niya noon.
Nagpractice kami for the last time at lumabas na ng classroom nang handa na kaming lahat.
Pumunta ang mga candidates sa backstage at naghanda para sa introduction namin. Hay! Kinakabahan na ako! Mula sa kinatatayuan ko, kitang kita ko si Zack na naka black tuxedo. Lahat ng nadadaanan niyang babae parang gusto nang mahimatay dahil sa kagwapuhan niya, bagay na bagay sakanya ang suot niya.
Lumapit siya sakin at nginitian ako.
"Ready ka na ba?" tanong niya sakin
"Oo" sagot ko sabay tango
"Good afternoon ladies and gentlemen, today is our most awaited day, THE MR. AND MS. CAMPUS!!!" sabay na sigaw ng mga MC
"So ready na ba kayo para makita ang mga candidates natin?" tanong ng babaeng MC sa crowd
"YES!!!" pasigaw na sagot ng mga tao
"Well, I think it's time, let us welcome, our 14 candidates from different grade levels, let's give them a round of applause" sigaw ng lalaking MC
Naglabasan kaagad kami kasama ang mga partners namin. Umikot lang kami sa boung stage at bumalik sa likod ng mga MC. Isa isa kaming lalapit sa mic at ipapakilala namin ang mga sarili namin.
Habang nakatingin sa crowd, kitang kita ko sa pwesto namin ang mga kaklase namin na parang nag rarally dahil sa mga dala nilang banners. Kitang kita ko din sina mom at dad na nakatingin sakin, mas lalong lumaki ang ngiti ko ng makita ko kung gaano sila ka proud sakin.
Nang kami na ni Zack ang magpapakilala. Dahan dahan kaming lumakad patungo sa mic. Huminto kami sa tapat ng mic at nagsalita.
"Good evening ladies and gentlemen, I am Danica Scarlet Lee, 18 years of age"
"Good evening ladies and gentlemen, I am Zack Lopez, 20 years old"
Nagkatitigan kaming dalawa bago tumango.
"Representing, Grade 12 ABM!" sabay naming sigaw sa mic
Naghiyawan ang mga tao lalong lalo na ang mga kaklase at mga kakilala namin. Halos masira na nga eardrums ko.
Bumalik kami sa pwesto namin at hinintay na matapos ang ibang contestants.
After 5 minutes, nakabalik kaagad kami sa backstage at doon nag ayos. Nagbihis kaagad ako para sa performance namin ng ibang contestants. Binigyan lang kami ng 10 minutes para makapag ayos.
Sunod sunod na ang naging mura ko ng malpit na kaming magperform, patapos na kasi magsalita ang mc sa harap.
Nahagio ng mga mata ko si Agatha na nakatingin sakin. Umirap siya at tumingin nalang sa stage. Palagi nalang niya akong iniirapan, wala naman akong magawa kundi ang hindi siya pansinin.
Nagulat nalang ako ng may yumakap sakin mula sa likod, paglingon ko, si mom at dad pala. Napayakap kaagad ako sakanila ng mahigpit.
"Mom, Dad, I missed you!" sabi ko habang nakayakap parin sakanila
"Anak, baka masira ang make up mo" sabi ni mommy
"Sus. Ayos lang yan mom. Pwede naman mag retouch"
"Kumusta ka na baby?" tanong ni Dad
"Daddy naman eh, sabi ng ayoko nga na tawagin niyo akong baby" sabi ko
"Baby ka pa din namin, kahit na may nanliligaw na sayo" sabi ni Kuya, nagulat ako sa sinabi niya, patay ka talaga sakin kuya!
YOU ARE READING
The Bad Boy's Love
Hayran KurguIt all starts when Danica Scarlet Lee, a new student, transfers to the same school where the infamous Zack Lee goes and falls in love