Zack's POV
Pagkatapos ng Masquerade ball, umalis kaagad ako ng bansa, nakalimutan ko ngang mag paalam kay Scarlet.
Nasa America ako ngayon, gusto ko sana na dalhin ko siya dito para magbakasyon. Hindi ko din sinasagot ang tawag at mga text ni Scarlet, para may thrill. Bakit ba? Trip ko lang okay?
So balik tayo sa pinagusapan natin, two weeks akong nandito at ngayon naman pauwi na ako sa Pilipinas sakay ang private plane ko, miss ko na kasi si Scarlet.
Pagland ng plane, bumaba kaagad ako at sumakay sa kotse ko. Hindi na ako nagdala ng mga damit papuntang America, may bahay naman kasi ako dun.
Papunta na sana ako sa village nina Scarlet ng maramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko kaagad ito. May nag message lang pala. Teka, si Agatha?!
-Agatha-
Zack, pumunta ka sa bar, ngayon din.
Ano ako? Katulong? Sa gwapo kong to, may mag aakala bang katulong ako? Tapos siya ang boss ko? Si Scarlet lang ang pwedeng mag utos sakin.
-Zack-
No way
At send. Tapos na! Dali dali lang tanggihan ng babaeng to. Nagvibrate na naman ang phone ko kay tinignan ko ulit ito. Puta! Hindi ba ako titigilan ng babaeng to?!
-Agatha-
Kapag hindi ka pumunta dito mag susuicide ako!
Ano ba yan?!
-Zack-
Edi mag suicide ka! Pake ko!
Hahaha! Ang sama ko
-Agatha-
Please Zack, I really need you
Hindi ko alam kung bakit pero naawa ako kay Agatha. Nagdrive kaagad ako papunta sa bar na sinasabi ni Agatha. Nag park kaagad ako pagdating ko sa bar.
Pagpasok ko, hinanap ko kaagad siya. Nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga stall kaya lumapit kaagad ako sakanya. Mukhang naramdaman niya namang may tumabi sakanya kaya lumingon kaagad siya sakin. Mukhang lasing na siya, tss...
"Uy, nandito ka na pala" sabi niya at ambang yayakap sakin pero tinulak ko siya, mukhang napahiya naman siyasa ginawa ko
"Just spill it out Agatha" bored na sabi ko
"Tss... ang sungit mo talaga"
"I said spill it out or else I'm leaving this fucking bar!" sabi ko
"I-I just want to say sorry, sorry dahil nag assume ako na fiance pa rin kita na may feelings ka pa din sakin kahit na wala naman, at dahil tinawag ko na mang aagaw, bitch, o kahit ano pang pwedeng itawag sakanya, I don't want to mention her name" alam ko naman na nag iinarte lang to si Agatha, she's not sorry. She's really good at lying but she can't fool a bad boy like me.
"Tss..."
"Sorry sa lahat ng ginawa ko sa inyo"
"Hindi dapat ako ang sinasabihan mo niyan, si Scarlet" hay naku, makisakay nalang tayo mga pre, walang basagan ng trip
"I know, and I'm also sorry for doing this" bigla siya tumayo at linapit ang mukha niya sakin, huli na ng marealize ko na naglapat na pala ang mga labi namin, napapikit nalang ako bigla. Shit! Anong nangyayare sakin?!
Nang bumalik ako sa katinuan, dinilat ko ang mga mata ko at nagulat nalang ako ng makita ko sina Trisha, Beatrice, Freyah, at si Scarlet.
Kahit malayo ako sakanya, nakikita ko parin ang mga nangigilid niyng luha. Fuck! What am I doing?!
![](https://img.wattpad.com/cover/137683211-288-k680030.jpg)
YOU ARE READING
The Bad Boy's Love
FanfictionIt all starts when Danica Scarlet Lee, a new student, transfers to the same school where the infamous Zack Lee goes and falls in love