Scarlet's POV
Nagising ako ng makaramdam ako ng sakit sa ulo ko. Uminom nga pala ako kagabi.
Dahan dahan akong bumangon at pumunta aa bathroom para maligo. Pagkatapos ko magbihis, lumabas kaagad ako ng kwarto at bumaba.
Nakita ko sina kuya na kumakain ng breakfast sa kitchen. Napalingon kaagad silang lahat sakin ng nakita nila akong pababa.
"Good morning!" bati ni Beatrice
"Good morning" bati ko din sakanya
Umupo ako sa isang silya malapit kay Beatrice. Binigyan ako ni Beatrice ng bowl na may lamang soup. Lumingon ako sakanya at binigyan siya ng nagtatakang mukha.
"I made that for you" sabi niya
"Salamat" sabi ko at kumain
"Nga pala Scarlet, pupunta sina mom dito sa bahay" sabi ni Kuya, tinanguan ko lang siya. Lumabas kaagad siya ng bahay.
"Saan yun pupunta?" tanong ko kay Beatrice
"Maglalaro lang daw siya ng basketball sa labas" sagot niya sakin
"Okay" nagpatuloy nalang ako sa pagkain
Nang matapos na ako, nagtoothbrush ako at pumunta sa sala. Nanuod nalang ako ng palabas sa TV. Nasa gitna ako ng pagtawa nang makarinig ako ng tawanan sa labas. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy nalang sa ginagawa ko.
Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas, at doon kumalabog ang dibdib ko. Kasama kasi ni Kuya si Zack. Ano namang ginagawa niya dito? Umiwas kaagad ako ng tingin sakanya ng lumingon ito sakin at nanuod ulit ng TV.
"Zack, kuha lang ako ng tubig" sabi ni kuya
"Sige" sabi naman ni Zack, hindi parin ako lumilingon sakanya. Natigilan ako ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko.
"Hi" napalingon ako sakanya, bahagya kong nilayo ang mukha ko sakanya ng marealize ko na isang inch nalang ang agwat namin pero hinawakan niya ang batok ko. Uminit kaagad ang pisngi ko.
"Zack, baka makita tayo ni Kuya at tsaka, hindi pa kita sinasagot remember?" tanong ko sakanya, bahagya siyang natawa sa huling sinabi ko. Anong nakakatawa? Totoo naman ah? Hindi ko pa siya sinasagot.
"Oo nga pala, lasing ka kagabi" sabi niya, bakit? May nasabi ba akong mali?
"Don't worry, I recorded everything you said" so may sinabi nga ako?! Kinuha niya ang phone niya sa pocket niya at may pinarinig sakin.
"Mahal kita. Kaso napakaseloso mo"
"Well, I don't like it when others touch my belongings without my permission"
"But I'm not"
"You will be, when you say yes to me"
"Hm. Okay"
"You're not being serious Scarlet. Say yes when you're not drunk"
"Seryoso ako Zack"
"Gumising ka na"
"No, seryoso ako Zack! Mahal kita at sinasagot na kita!"
"I love you!"
Nagulat ako sa narinig ko. Sinabi ko ba talaga yun?! Pero boses ko yun eh! Bakit ba kasi ako nagpaka lasing?!
Nabalik lang ako sa ulirat ko ng bumulong ulit si Zack sakin.
"Now, wala ng pwedeng humawak sayo cause now you're mine" nagtayuan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Hahalikan niya na sana ako pero biglang dumating si Kuya. Tumayo kaagad ng maayos si Zack.
"Eto" sabi ni Kuya sabay abot ng mineral water kay Zack
"Salamat" sabi niya at tumingin sakin
"Nga pala Zack, punta ka dito sa bahay mamaya" napalingon si Zack kay Kuya
"Bakit?" nagtatakang tanong niya
"May family dinner kasi kasama ang family niyo" napatango nalang si Zack sa sinabi ni Kuya
"Sure, may importante din kasi ang sasabihin" napalingon kaagad ako kay Zack, binigyan niya lang ako ng nakakaasar na ngiti, parang may pinaplanong masama. At alam ko kung ano yun!
YOU ARE READING
The Bad Boy's Love
Fiksi PenggemarIt all starts when Danica Scarlet Lee, a new student, transfers to the same school where the infamous Zack Lee goes and falls in love