Chapter 22

2.2K 37 1
                                        

Zack's POV

Napangiti ako sa 'good luck' ni Scarlet. Simpleng good luck lang yun pero ang lakas na ng tama nun sakin. I guess I'm really into her.

Tumungtong na din ako sa stage kasama ang mga kasama ko sa sayaw. Don't be nervous Zack, it's not like this is the first time a huge crowd of people is focused on me. Huminga ako ng malalim nang nagsimula na ang music.

Nang matapos na kami sa pagsayaw, nagbow kaagad kami. Pawis na pawis kaming pumunta sa backstage, ang hirap kaya ng choreography nun.

Nang makalapit na ako sa pwesto namin ni Scarlet, nakasuot na siya ng evening gown, maayos na din ang buhok niya at may make up na siya. Mas lalo tuloy siyang gumanda, she's like an angel, a hot angel.

Scarlet's POV

Habang naghihintay kay Zack, tinitignan ko din ang ibang contestants. Pero kay Agatha talaga dumadapo ang tingin ko. Maganda ang gown niya at ang ayos ng kaniyang buhok. Maganda si Agatha at matalino, kaya ako kinakabahan dahil baka hindi kami manalo. What the fvck Scarlet, think positive.

Maganda ang naging performance nina Zack, magaling din siyang sumayaw, samahan mo pa ng maangas na dating. Ang gwapo niya tuloy tignan. I'm sure marami akong karibal, at isa na doon si Agatha.

"Scarlet" tawag ni Zack sakin, nginitian ko naman siya

Natigilan siya at tumagal ang titig niya sakin.

"Bakit? May problema ba sa mukha ko?" tatawagin ko na sana make up artist namin nang magsalita siya

"Nah. You're just really beautiful"

Namula ako sa sinabi niya.

"Nakita mo yung sayaw namin?"

"Syempre naman, galing mo nga eh" sagot ko

"Magbihis ka na, 10 minutes lang ang binigay satin para makapag ayos" utas ko

"Sige na nga" sabi niya

Pumunta siya sa dressing room, pero nagulat nalang ako nang lumabas siya ulit at lumapit sakin, hinilakan niya ako sa noo ko, nagulat ako sa ginawa niya. Sino ba naman ang hindi magugulat?

After 10 minutes, nakahanda na kaming lahat at nakasuot na din kami sa gowns at tuxedo namin. Eto na yung part kung saan malalaman na namin kung sino ang top five. Kinakabahan ako, I hope mapili kami.

Nang tinawag na kami ng mga MC, naglabasan kaagad kami. At first, rarampa lang kami at kapag nakaikot na kaming lahat sa stage, doon na pipili ang mga judges ng TOP 5, at ang last part ay ang Q&A portion.

Nang makatapos na kami sa pagrampa, huminto kaming lahat sa gitna ng stage. Naghiyawan kaagad ang mga tao, isa na doon si mom na sobrang supportive kasama ang mga kaklase namin ni Zack.

"Okay, kinakabahan na ako sa round na ito" sabi ng lalaking MC

"Bakit partner?" tanong naman ng babae

"Because, it's time to choose the TOP 5!" sabay na sigaw ng mga MC sa huling word

"Sino kaya ang may pinakataas na points galing sa judges? Sino sa tingin mo partner?" tanong ng babae

"For me, ang contestant thirteen at fourteen" sagot ng lalaki, napangiti ako

"Yeah, me too, no offense sa ibang contestants ha" sabi ng babae, napatawa nalang ang iba, lumingon ako kay Zack na nakatingin din sakin ngayon, nginitian ko lang siya

After 2675 years, hawak na ng MC ang resulta kung sino ang TOP 5. What the fvck! Kinakabahan ako.

"Finally, nasakin na din ang resulta kung sino ang TOP 5" aishh nambibitin pa ang baklang to!

"Sino ang bet niyo?" tanong ng babae sa mga tao, nagsigawan kaagad ang mga tao, pero ang maririnig mo talaga is ang #13 and #14 ( kami ang #14, sina Agatha ang #13 ).

"Okay, let's start. First pair chosen to be in TOP 5 is number...." pambibitin niya, aishh...patayin na kaya kita diyan

"Number 8!"

"TOP 4, number....number 12!" may chance pa

"TOP 3, number...number 6!" ano ba?!

"TOP 2, number...number 13!" napalingon kaagad ako kay Agatha, edi siya na! Konti nalang Scarlet

"And last but not the least.....number 14!"

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now