Chapter 10

2.3K 62 1
                                    

Scarlet's POV

Hindi ko parin makalimutan ang nangyari samin ni Zack nung isang araw. Good thing lasing siya nung gabing yun. Hindi niya alam ang sinasabi niya at epekto lang iyon ng alak.

He also started to avoid me. After you kissed my virgin lips? How dare you.

Ako naman, parang wala lang nangyari. Hindi lang ako ang iniiwasan niya, pati si Agatha.

These past few days, nahuhuli ko nalang ang sarili ko na nakatingin kay Zack. Minsan naman nagagalit ako kapag may kasama siyang ibang babae. Ganito ba talaga ang epekto ng halik niya sakin?

Nandito ako ngayon sa dining hall, kasama si Zack. Wala kaming imikan. Parang hindi kami magkakilala. Ang tanging maririnig mo lang samin ay ang mga kubyertos na ginagamit namin.

Iinom na sana ako ng tubig nang maramdaman ko ang presence ni Agatha. Nang makita niya ako, sinamaan niya kaagad ako ng tingin. Ano bang ginawa ko sakanya?

Nginitian niya naman si Zack, pero parang wala lang nakita si Zack. Umalis na lang si Zack sa table namin at lumabas ng dining hall.

Tinignan ako ng masama ni Agatha, tumayo nalang ako. Lumapit siya sakin pero hindi ko siya pinansin.

"This is all your fault, alam mo ba yun?" sabi niya, hindi ko siya pinansin at napatuloy sa paglalakad.

Bakit ba kapag hindi siya pinapansin ni Zack, ako ang sinisisi niya? Hindi pa ako nakakaisang hakbang, hinila niya kaagad ang braso ko.

"Bastos ka ah! Wag mo akong tatalikuran kasi kinakausap pa kita!" sabi niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Lumapit kaagad samin ang mga tao.

Mga chismosa.

"Bitawan mo ko" kalmadong sabi ko

"Sino ka ba para utusan ako?"

"Sino ka din para sigawan ako?"

"Hah! Ang kapal din ng mukha mo noh? Sumasagot ka pa"

"Ano bang kailangan mo sakin, Agatha? Why are you doing this? I don't remember doing mean things to you. Ang bait mo pa sakin nung una tayong nag usap, but what is this? Ito ba true colors mo?"

"Don't remember doing mean things to me? Why am I doing this to you? You're asking? Really? Well then, I'll tell you. I wouldn't be doing this in the first place kung hindi mo lang inaagaw at nilalandi ang fiancé ko. Seriously, how dare you?"

Huh? Anong sinasabi niya?

"Fiancé?"

"Yes. Fiancé. Kung hindi mo alam, si Zack ang fiancé ko"

What? Kung may fiancée na pala si Zack then why did he kiss me? Am I considered the other woman? No, Scarlet. Hindi mo alam so wala kang kasalanan.

"Base sa natatandaan ko, wala akong inagaw sayo. At hindi ko nilalandi si Zack. We're together because we joined a contest. Yun lang at wala ng iba" sabi ko at ambang aalis na nang hilahin ni Agatha ang buhok ko.

"Ah!" sigaw ko

"Sabi ng wag mo akong tatalikuran kapag kausap kita!" sabi niya habang patuloy parin sa paghila sa buhok ko

"Bitawan mo ko!" sigaw ko

Sinasampal niya ako ng malakas sa pisngi ko. Ang sakit na ng ulo at pisngi ko. Please Lord, sana dumating ang guardian angel ko.

"Tigilan niyo yan!" sigaw ng isang babae at pinaghiwalay kaming dalawa.

Yes. Please help me. I don't want to hurt this girl. Baka masapak ko to at mas lalo pang maging boba.

Patuloy parin si Agatha sa paghila ng buhok ko kahit na pilit na kaming pinaghihiwalay ng ibang contestants.

"Bitawan mo siya sabi!" sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko. Thank you Lord, you listened to me.

Bigla akong binitawan ni Agatha. Nanghina kaagad ako dahil sa sakit ng ulo ko, parang matatanggal na yung buhok ko. Halos mawalan na ako ng balanse dahil sa hilo. May biglang humawak sa bewang ko kaya hindi ako nahulog sa sahig.

"Okay ka lang ba?" inangat ko ang ulo ko. Doon ako natigilan. Si Zack? Kaya pala pamilyar ang boses.

Lumayo ako sakanya. Baka mas lalong tumaas blood pressure ni Agatha.

"Okay lang ako" mahinang sabi ko, nabigla nalang ako ng biglang lumapit si Agatha kay Zack

"Zack, sinaktan ako ni Scarlet, ang sakit ng ulo ko" sabi ni Agatha at nagpanggap na nasasaktan, ang galing talaga umarte ng babaeng to.

"Shut up, Agatha. I saw and heard everything okay? Don't pretend to be the victim here"

"But Zack, she's trying to steal you from me. I don't want to lose you. I don't want us to be apart. Please. We're bound for each other remember? I'm your fiancée" naiiyak na sabi ni Agatha

This feels like deja vu. I've witnessed how my brother broke other girls hearts. They were so in love with him but he didn't care about their feelings. They remind me of Agatha. I pity her.

"I don't have time for this, Agatha"

"Why are you doing this to us, Zack? Why are you saying that? Why are you taking her side? You said you'd marry me"

"I'm telling you to forget that Agatha. Our parents were only joking when they said that. They weren't serious. I wasn't serious. But you took it seriously. How stupid can you be? Just leave Scarlet alone okay? Don't involve her with our problem."

"But you're mine, she's a thief for stealing you from me"

"Don't call her that. I'm not yours Agatha. Walang inagaw si Scarlet sayo, ako ang kusang lumapit sakanya. At higit sa lahat—"

"At higit sa lahat, ano?!" sigaw ni Agatha sakanya, patapusin mo muna siya pwede?

"At higit sa lahat, gusto ko siya"

Wait what?

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now