Chapter IV

74 22 3
                                    


~•~

"Ma'am?"

Muling bumalik sa katawang lupa ko ang kaluluwa ko nang may magsalita sa likuran ko. Humarap ako sa kanya.

"Ay, pasensya na ma'am. Pinapatawag ho kayo ni Sir Kurt." ang sabi ng hindi katandaang lalaking nasa harapan ko.

Tumango ako bago siya nagpaalam na mauuna na. Iniayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto.

Pababa ako ng hagdan nang madatnan ang nasa limang lalaking nasa sala. Ano bang nangyayari? Bakit padami na ng padami ang nakakasalamuha ko dito sa bahay?

Sa bawat mukhang nakikita ko sa baba, nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Hindi naman ito ang unang beses na magkita ako ng mga lalaki pero bakit ganito ako? Siguro kasi matagal na kong single? Hmm...

Nang makaapak ako sa huling baitang ng hagdan ay siya namang sabay-sabay na paglingon sa direksyon ko ng mga lalaki sa sala. May ilang ngumiti at mayroon din namang nanatiling walang emosyon ang mukha. Then I felt that cold breeze again. No wonder I'm with people who are cold enough to make me feel such things.

"Come." bulong ng isang lalaki sa gilid ko habang marahang nakahawak sa braso ko at iginigiya sa direksyon papunta sa sala.

"Robie?" tanong ko nang lumingon ako sa kanya. Pero hindi niya maintindihan ang gusto kong iparating. Kinakabahan ako. Or should I say, natatakot ako?

Nanlalamig ang buong katawan ko nang humarap ako sa limang lalaking naroon. Dalawa lang sa kanila ang kilala ko, si Lux at yung lalaking pumasok sa kwarto ko kanina. Nang makita nila ako, sabay-sabay silang tumayo maliban sa isa at humarap sa akin.

"You knew him, right?" ang sabi ni Robie na nasa tabi ko habang tinuturo ang lalaking may kulay almond na mata.

"Yeh, Lux?"

"Right." sagot naman nito habang nakangiti. Binawi ko rin agad ang aking tingin nang maramdaman ang hawak ni Robie sa braso ko. Muli, sa kanya natuon ang mga mata kong nagtatanong pa rin.

"That's Xander." pagpapakilala ni Robie sa lalaking katabi ni Lux. He flashed a smile to me. His emerald eyes caught my attention.

"Alexander Martinez." pagpapakilala nito nang nakangiti pa rin.

"That one is Jin Hernandez." turo ni Robie sa lalaking nasa dulo. Katabi ng lalaking may kulay abong buhok. Ngumiti naman siya sa akin bilang pagpapakilala.

"Next is Apollo Martinez."

"Polo for short." dagdag pa ng lalaki at inilahad ang kamay sa aking harapan. We shook hands as we stare at each other's eyes.

"And that one, he's Joaquin Herrera." turo naman ni Robie sa isang lalaking nasa sofa at busy sa kanyang cellphone. Saglit itong humarap at kumaway ng bahagya sa akin.

"He's too lazy to stand up, don't mind him." bulong naman sa akin ni Polo.

"Then the last one, I know you met him minutes ago." panimula ni Robie sa pagpapakilala sa isa pa. Natuon ang atensyon ko sa lalaking may kulay abong buhok. "He's Nyx Morevillano. My younger brother."

Grim's Bloodline [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon