This chapter is dedicated to Menieja ;)
•••
Maaga akong nagising dahil sa ingay na narinig ko sa labas. Tila may nangyayaring kaguluhan. Bumangon ako para makita kung anong nangyayari. Nang buksan ko ang aking pintuan, bumungad sa akin ang walong lalaking nag-aagawan sa isang tinapay. Hayy, bakit ba kasi kailangan ko pang makasama ang mga ugok na to?
Lumabas ako't diretsong naglakad papunta sa lababo para maghilamos. Ganun pa rin ang senaryo sa sala, nagpapatayang mga uwak para sa iisang pagkain.
Binuksan ko ang tv saka naupo. Ngunit hindi ko marinig ang tunog na nanggagaling doon.
"ILANG TAON NA BA KAYO?! O MGA PATAY GUTOM LANG TALAGA KAYO?!" sigaw ko sabay kuha sa pirasong tinapay na pinag-aagawan nila at natigil naman ang malakas nilang paghihiyawan sa isa't isa.
Wala pa rin kaming pasok dahil pa rin sa nangyaring insidente noong nakaraang araw. Patuloy pa rin ang paghahanap nila ng lead sa kung ano talaga ang dahilan at kung sino ang may kagagawan noon.
Nagawi ang tingin ko sa bandang kaliwa kung nasaan ang aming bintana. Nanlamig ang aking buong katawan ng makita ulit ang isang taong naka-itim na cloak. Hindi aninag ang kanyang mukha gayon tirik na tirik ang haring araw. Sinubukan kong kilitasin ang kanyang pigura nang dumaan sa harap ko si Xander. Pagkalagpas niya'y pilit kong tinuong muli ang atensyon sa pigura ngunit wala na ito sa kanyang tayo. Nangilabot ako't pilit siniksik sa aking isipang guni-guni ko lamang iyon.
"Nakita mo rin pala yon." ang bulong ng isang lalaki sa aking gilid.
Nilingon ko ito ng nakakunot ang noo at nakita ang nag-aalalang mukha ni Lux. Paminsan-minsan din pala'y nagiging inosente ang itsura niya. Minsan nga lang.
"Nakita ko rin yoon kanina." dagdag pa nito na lalong nagpakunot sa noo ko. Hindi lang pala ako ang nagkita sa pigurang iyon.
Hindi lang yon basta guni-guni ko lang.
Dalawang beses na siyang nagpakita. Pawang hindi aninag ang kanyang mukha na lalong nagpapatindi sa awra niya. Kung sa gabi ko siya makikitang nakasilip sa bintana'y baka mapaaga ang akyat ko sa langit.
Pilit kong inaalala ang pigurang nakita ko kanina nang biglang nabalot ng alingawngaw ng sirena ang buong paligid. Nag-panic ang lahat ng kasama ko. Makikita sa labas na nagkakagulo ang lahat.
Nakita ko na lang ang sarili kong hila-hila ng isang lalaki. Kumikinang ang kulay abo niyang buhok sa sinag ng araw. Kitang kita ko ang jawline niyang nananaksak. Lumingon ito sa akin at nagtama ang akin at ang asul niyang mga mata. Nyx Morevillano, what on Earth are you? God may be too tired after creating this man.
Nagpadala ako sa hila niya hanggang makarating kami sa campus ground. Naroon ang lahat ng estudyante, pati ang iba pa naming kasamang nakasunod din pala sa amin. Ang bawat isa'y tila naghahabol ng hininga sa bilis at layo ng tinakbo namin.
"You okay?" tanong sa akin ni Lux na halatang napagod din sa pagtakbo. Tango lamang ang isinagot ko sa kanya. Bahagya pa lamang akong nakakahinga ng maayos. Aba gurl, may layo rin yon. Daig pa namin nagjogging ng limang kilometro.
Tuwid akong tumayo saka nagpunas ng namumuong pawis sa aking noo na dulot ng pagod at kaba na naramdaman ko kanina.
What on earth happened that the siren would be on that long? Ang tanong ko sa aking sarili. Hindi pa ako nakakapag-isip nang masilayan ng dalawa kong mata ang isang pamilyar na pigura. The man in a black cloak. Naroon siya't nakatayo sa rooftop ng isa sa mga buildings malapit sa campus ground. Pansin kong sa direksyon ng main building ito nakatingin kaya't nagawi doon ang aking atensyon. Wala naman akong napansing kakaiba roon kaya muli ko siyang nilingon. Ngunit gaya ng nauna, nawala na lamang ito nang ganoon kabilis.
"Students, sorry for the alarming sound, that could just be a prank done by one of the nuissance in this campus. We apologize for that, you may go back to your hostels now." ang paliwanag ng isang tinig na nagmumula sa mga malalaking speaker na nakahilera sa paligid ng ground.
Unti-unting nauubos ang mga estudyanteng nakatayo sa gitna ng ground. Nakita ko namang naglalakad na rin palayo ang mga kasama ko kaya't sumunod na rin ako. Anong klaseng mga body guard tong mga to? Nang-iiwan.
Tahimik akong nakikisabay sa lakad ng mga estudyante pabalik ng kani-kanilang hostels nang maalala ko ang mga pangyayari kanina. Ang biglang pag-alingawngaw ng sirena, takbuhan ng mga tao, at higit sa lahat, ang pigura ng isang lalaking naka-black cloak.
That man sends chills on my spine.
Nagtataasan ang mga balahibo ko sa tuwing masisilayan ng aking mga mata ang kanyang pigura. Hindi ko alam pero sobra siyang nakaka-intimidate. Same feeling when Robie's around, and that stick man. That same intimidating aura they give me.
•••
"Sir, you have a call." ang sabi sa akin ng isa sa mga kalihim ko. Inabot nito ang wireless telephone sa akin saka nagbigay galang.
"What do you need?" tanong ko sa kabilang linya.
"Did you heard about the false alarm earlier?"
"Oh, that. Of course, how can't I?" sagot ko na may halong sarkastiko rito. Mahina itong bumuntong hininga ngunit tama pa rin para marinig ko. Nakakatuwang sa simpleng bagay may napipikon ako.
"Sabagay, how can a president don't know about it? Yeah, you filthy man." sagot nito na bakas ang iritasyon sa boses nito. Mahina akong natawa dahil doon. Ngunit bago pa ako makasagot ay binaba na nito ang tawag.
"The attitude, that's what makes me flatter. I like it when they curse me." saad ko sa aking sarili habang nangingisi sa pag-alala ng huli niyang sinabi bago binaba ang tawag.
"Mr. Carilles, you have a meeting by 4 o' clock with the board of the council at the Charbel Hall." paalala sa akin ng aking kalihim bago lumabas ng aking opisina. Tunayo ako at inayos ang aking uniporme, buhok at ang aking salamin, para gwapo.
There are lots of things we should discuss.
GB

BINABASA MO ANG
Grim's Bloodline [COMPLETED]
Mystery / ThrillerIt all started with a flash of the brightest star in the sky. The world was covered with light for a while as it is slowly fading. It is all dim now. Doomed like no one ever imagined.