Chapter XXV

34 7 1
                                    

A/N: WARNING! Humanda sa maaari ninyong mabasa.

"Harley, Harley, Harley, lovely Harley, why are you so hard to kill? Haha!" ang sabi ng isang lalaking kanina pa paikot-ikot sa loob ng madilim na silid. Tila nawawala na ito sa kanyang sarili, tatawa, titigil tapos tatawa ulit.

"Pero ngayon, madali ka nang patayin, wala na si Robie na magliligtas sayo! Hahaha!"

Ang malakas na halakhak ng lalaki ay dumadagundong sa bawat sulok ng kwarto. Lumakad ito palapit sa lamesa sa harap ng malaking bintana at may kinuhang kutsilyo sa drawer. Masigla niya itong iwinawasiwas sa ere habang kumikislap ang dulo niyon na may disenyong ahas. Maya-maya pa'y walang anu-ano'y inihagis niya ang kutsilyo, deretsong tumarak sa pader kung saan nakadikit ang larawan ni Ash.

"Mapapasakin din ang lahat, pag wala ka na." sambit nito sa kanyang sarili bago hinubad ang itim na cloak na bumabalot sa kanya. Naiwan naman ang uniporme ng Grifhorst na suot niya. May bahid pa ito ng dugo na nanggaling sa hiwang nagawa niya sa pisngi ni Ash.

Nagising ako nang dumampi ang sikat ng araw sa balat ko. Bahagya kong iminulat ang aking mata at iginala ang aking paningin. Nakita ko naman agad si Lux na nagluluto sa di kalayuan habang si Vryll ay nag-aayos ng gamit. Nang tuluyan ko nang maimulat ang mata ko ay hindi ko nakita si Nyx. Bumangon ako para tanungin sana si Vryll pero umiwas ito agad, nang balakin ko namang lumapit kay Lux ay ngumiti lang ito at inalok akong maupo.

"Si Nyx?" tanong ko rito bago pa ako makaupo. Payapa ang mukha niya, ani mo'y walang pinoproblema na taliwas naman sa nangyayari samin ngayon.

"Di ko rin alam kung nasan, paggising ko wala na dyan eh." sagot din nito. Ngumiti pa ito ng bahagya na parang hindi nag-aalala kung nasan si Nyx, na parang walang dapat isipin.

"Tanong mo rin kay Vryll, nauna yan magising sakin." dagdag pa ni Lux. Lumingon ako ulit kay Vryll na ngayon ay nakaupo sa ilalim ng isang puno, malayo ang tingin.

Nang lumingon ako ulit kay Lux ay nakatitig ito sakin. Seryoso ang mukha nito na parang may gustong sabihin. Deretso ang tingin nito sa mga mata ko, hindi ako makaiwas ng tingin dahil hindi ko rin alam.

"If I die tonight, please remember me." seryosong sabi nito. Tagos sa buong sistema ko ang sinabi niya. Naalala ko lahat ng nangyari, naalala ko kung paanong isa-isa silang nawala, dahil sakin.

"Never blame yourself, this is our choice." dagdag pa niya na mas lalong bumulabog sa isipan ko. Nakatitig pa rin ito sa mga mata ko.

"I may be the naughtiest man at night, but I can be your knight, remember that." hindi ko na gusto ang mga sinasabi niya. Para kasi siyang namaalam.

"Huwag ka ngang ganyan, di ka naman mamamata-"

"Di ka sure." sabat nito na lalong nagpainit sa bungo ko.

"Baki-"

"Hmm? Ayaw mo ba kong mawala?"

"H-ha?!"

Ngumisi ito sa naging reaksyon ko sa tanong niya.

"Pano kung hindi nga ko mamatay?" tanong nito. Napaisip tuloy ako.

Grim's Bloodline [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon