Epilogue

37 9 0
                                    

*

Pasado alas-siyete lang ng gabi, tahimik naming nililigpit ang mga kinainan namin kanina. Pagkatapos ng isang tanong na iyon ay hindi na ako muli pang nagkaroon ng lakas para umimik.

Nyx. Where are you?

"Ash.." nilingon ko si Saige at kita ko sa kanyang mapungaw na mata ang pagod. Oh, trust me this will end soon.

"I can't afford to lose you... again." sambit nito bago kinuha sa akin ang mga platong bitbit ko. I'll be lying when I say I ain't got hurt when he said those words. Kababata ko siya, hindi ko man maalala, pero naniniwala akong totoo ang mga kinwento niya sakin no'ng gabing yon.

"Hey.."

"Uh-"

"Tulala ka na naman." it's Vryll. Masigla itong nakatingin sa akin habang nakangiti, his dimples... aw.

"Okay ka lang? Masama ba pakiramdam mo?" he asked while checking on me. I smiled, tears beginning to form beneath my eyes.

"O-okay lang ako, strong ako diba?" biro ko sa kanya at hinampas pa ng bahagya ang kanyang braso. Tumawa naman ito ng kaunti bago tumitig sa mga mata ko. His eyes, just like Saige's, is tired.

"Pahinga ka muna." huling sambit nito at ginulo pa ang buhok ko bago lumayo at nagtungo sa sala.

Natigilan na lang ako.

I stood there, for about a minute or two, not knowing what to do... anymore. I wish Robie's here, maybe he could make me feel brave enough to face these sh*ts.

"You don't look well." isang malamig na boses ang narinig ko sa bandang likod ko. It can't be..

Nang lingunin ko kung saan nanggaling ang boses na yon ay sumalubong sa akin ang malamlam niyang mga mata.

"Nyx!" napalakas na sigaw ko bago ako lumapit sa kanya upang yakapin ito. Maya-maya pa'y nakita ko na ring dumating ang tatlo ko pang kasama na nabigla rin tulad ko.

"I thought we lost you.." bulong ni Lux. "...too."

Ngumiti lang siya nang marinig iyon at iginiya kami papunta sa sala. Nang makaupo kami sa sofa ay kinwento niya ang tungkol sa isang matandang nagligtas sa kanya. Pinakita pa nito ang isang mahabang itim na box na galing daw doon.

Nasa kalagitnaan pa siya ng pagkukwento nang makarinig kami ng mga papalapit na yabag mula sa labas. Isa-isa naming pinatay ang mga kandila sa loob ng cabin at nagtungo sa isang kwarto.

Puro yabag lamang ang naririnig namin, walang nagsasalita, ngunit alam naming marami sila.

Maya-maya'y nakarinig kami ng pag-beep at sinundan iyon ng malabong mga salita na parang nanggaling sa tv na walang signal.

"Copy."

Nang marinig namin na may magsalita sa di kalayuan sa kwartong tinataguan namin ay hindi na ako mapakali. Alam kong anytime, susugod sila sa loob at hindi ko alam kung makakatakas kami.

"Sir, no sign of them."

"Pinasok niyo na ba?"

Grim's Bloodline [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon