Chapter XXIV

31 9 0
                                    

Malalakas na putok ng baril, nakakarinding mga sigaw, pag-iyak ng mga natamaan at pagbagsak ng mga katawan ang mga ingay na naririnig ngayon sa grounds. Nakapalibot sa akin ang pitong lalaking may hawak ding mga armas. Sa tuwing may lalapit samin ay agad nila itong pinapaputukan.

"Kailangan nating makaalis dito." bulong ni Polo sa amin.

"Pero paano?" tanong ni Joaquin sa kanya. Natigilan naman ang isa na tila wala ring ideya kung paano makakaalis sa lugar na iyon.

"Hindi pwede. Kailangan nating mapatumba yang mga yan." tutol ni Robie sa binabalak ng dalawa. Siguro nga'y wala nang pag-asa para makalabas kami roon.

Medyo malayo na kami sa grounds ngunit dinig pa rin ang mga pagsigaw ng ilang tao mula roon. Isa ito sa plano ni Robie, ang makarating sa mapunong bahagi ng campus kung saan mas magiging ligtas kami. Ngunit taliwas doon ang nangyayari ngayon dahil marami-rami rin ang sumusunod sa amin. Nasa likuran na ako ngayon.

Paatras ang hakbang ko upang makita ko pa rin ang mga nasa harapan ko. Hindi naman siguro ako mababangga sa mga punong nagkalat doon. Lilingunin ko na sana ang likuran ko nang makaramdam ako ng paghawak sa aking braso, nang lingunin ay nakita ko ang pamilyar na itim na cloak at huli na para sumigaw dahil agad nitong natakpan ang aking bibig, di kalauna'y binalot na ng kadiliman ang aking paningin.

Nagising ako dahil sa hapdi na naramdaman ko sa aking pisngi. Inilibot ko ang aking paningin at napansing nasa gubat pa rin ako, at kasama ko pa rin ang pitong lalaking kasama ko kanina.

"Ayos ka lang?" tanong ng isang lumapit sakin at dinampian ng basang panyo ang pisngi ko.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Saige. Tumigil ito sa kanyang ginagawa at tumitig sakin. Halata ang pag-aalangan sa kanyang mukha.

"Ah—"

"Bigla ka na lang nawalan ng malay eh, ikaw dapat tanungin namin." putol ni Lux sa sasabihin ni Saige. Bumuntong hininga naman ang isa.

"Oo nga, ano bang nangyari?" tanong ni Saige. Naalala ko kung ano ang nakita ko kanina bago ako nawalan ng malay. Kinwento ko iyon sa kanilang dalawa at agad nilang tinawag si Robie na abala sa paggagawa ng apoy.

Lumapit ito samin at kinwento rin ng dalawa ang sinabi ko sa kanila. Natigilan ito saglit bago umupo sa tabi namin.

"Nakita mo ba yung mu-" naputol ng isang malakas na pagsabog ang dapat niyang sasabihin. Nagtalsikan ang mga lupa sa amin, kasabay ng pagsigaw ng isa sa mga kasamahan namin.

"Ahhh! Tu-tulungan niyo ko!" nang mahanap ng mga mata ko kung sino iyon ay napatakip na lang ako sa aking bibig.

"Polo!" sigaw ng isa at nagsitakbuhan ang lahat palapit sa kanya. Sa lakas ng pagsabog ay tumilapon ito sa isang punong may nakausling sangay at bumaon ito sa kanya.

"Ahhhh!" sigaw nito nang subukan ng ilan na galawin siya. Tumalikod na ako at lumayo sa kanila, nakita naman ako ni Nyx at sumunod sa akin.

"Baka mahimatay ka na naman, mahirap na." bulong nito sa akin. Pakinig ko pa rin ang pagsigaw ni Polo kahit na may kalayuan na kami sa kanila. Isang mahabang sigaw ang narinig namin bago tuluyang tumahimik ang paligid, ngunit kasabay niyon ang pag-ultaw ng mga tao sa mga matataas na damo. Mabilis kaming tumayo ni Nyx at tumakbo papunta sa iba. Nang makarating doon ay nakita ko ang katawan ni Polo na nasa puno pa rin, ngunit wala na itong buhay. Pabagsak na umupo ang mga kasama namin, ngunit nang ibalita namin ang nakita namin kanina ay agad silang tumayo at kumuha ng armas, tamang tama dahil sa oras na yon ay nakapalibot na sa amin ang mga tauhan ng Grifhorst.

Grim's Bloodline [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon